CHAPTER 15

7 0 0
                                    

DALAWANG linggo na ang dumaan. Nagtataka ako dahil hindi na ako niyayaya ni Lance na magdate kami sa labas. Dati rati ay lumalabas kami tuwing weekends at namamasyal sa mall at kumakain.

Inisip ko nalang na busy rin siya katulad ko sa pag-aaral. Ilang buwan nalang ay graduation na namin at kailangan naming paghandaan ang final exam.

Pagkatapos nang nangyari nung gabing nalaman kong magdamag silang magkasama ni Molly ay nagkaroon kami ng kaunting pagtatalo ni Lance.

Pero dahil malambot ako pagdating sa kanya ay hindi ko na pinatagal pa iyon at agad ko siyang pinatawad.

Gumaan narin ang pakiramdam ko nang hindi ko na nakikita si Molly at hindi na nanggugulo samin ni Lance. Hindi ko alam kung nakaalis na ba ito? Dahil ang sabi nito ay two weeks lamang ang stay niya dito.

"Cat.."

"Hmm?" sagot ko sa kanya nang tawagin niya ako. Naroon kami sa field para sa subject na P.E. Nakaupo lang kaming dalawa sa tabi habang ang iba ay naglalaro ng Baseball. Kakatapos lang ng aming laro at meron pa kaming natitirang oras.

"Bakit parang ang tahimik mo?"

Napabuntong hininga ako. "May iniisip lang ako.."

"May problema ba?"

Umiling ako. "Wala naman...N-Nagtataka lang ako dahil hindi mo na ako niyayayang mamasyal sa mall at kumain."

Napansin kong natigilan siya. "B-Busy kasi ako Babe.."

"Sabagay. Ako rin naman, busy sa pag-aaral."

"I-I'm sorry Babe..Nawawalan na ako ng oras sayo."

Pilit akong ngumiti. "Ano ka ba, okay lang yon. Naiintindihan kita. Kailangan nating unahin ang pag-aaral dahil malapit na ang exam."

Ngumiti siya at niyakap ako. "Don't worry Babe, babawi ako."

"Okay.."

"Hoy!" napatingin kami sa sigaw ni Gerard. "Tama na ang lambingan. Tara na. Kain na tayo."

Sinamaan lang siya ng tingin ni Lance.

Saka lang namin napansing nagsi-alisan na ang mga tao roon. Tumayo na rin kami.

Nagpati-una na sina Gerard at Marie at sinundan naman namin ni Lance na magka-holding hands.

"Nakabalik na kaya si Molly sa US?" Biglang tanong ko na ikinatigil niya sa paglakad kaya nagtaka ako. "What's wrong?"

"N-Nothing..Tara na.." Hinila na niya ako ulit sa paglalakad.

"Sa tingin mo naka-alis na siya?"

"I think so. Bakit ako ang tinatanong mo Babe?" Aniyang hindi nakatingin sakin.

"Wala lang, baka nagkakausap pa kayo."

Napatingin siya sakin saka nag-iwas ng tingin. "H-Hindi na kami nag-uusap.."

Napabuntong hininga ako saka napangiti. "Okay.. let's go bilisan na natin. Baka naghihintay na sila.."

"HAY naku. Sa tagal niyo, umorder na kami ng samin." Reklamo ni Aiah.

"Ako na lang ang oorder para satin, Babe."

"Hmm." Nakangiting tugon ko kay Lance.

"Ang perfect ng friendship natin." Masayang sabi ni Marie. "Lahat tayo masasaya sa lovelife natin hehe."

Napabuntong hininga ako. "Buti pa kayo..."

Napatingin silang lahat sakin. "Ha? Bakit Cat, may problema kayo ni Lance?" Nag-aalalang tanong ni Aiah.

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Место, где живут истории. Откройте их для себя