CHAPTER 23

8 0 0
                                    

WARNING: VIOLENCE/PHYSICAL ABUSE

MABIGAT ang pakiramdam ko nang magising. Noon ko lang napansing nakahiga ako ng patagilid sa sementong sahig habang nakabusal ang aking bibig.

Hindi naman ako makakilos nang mapagtantong nakagapos ang aking mga kamay sa likuran ko.

Nakaramdam agad ako ng takot nang igala ko ang aking paningin.

Naroon ako sa malawak na kwarto ng sa tingin ko ay luma at hindi natapos na gusali.

Ayon sa nakikita ko sa labas ng malalaki at bukas na mga bintana. Kahit madilim ay naaaninag ko ang hangganan ng mga puno kaya natitiyak kong nasa itaas na bahagi ako ng gusaling iyon.

Dahil sa kaba at takot ay hinihingal akong pinipilit bumangon at nag-isip kung paano makatakas sa lugar na iyon.

Nang sa wakas makaupo ako sa sahig ay agad kong pinilit kalagin ang pagkakatali ng aking mga kamay. Pero sadyang mahirap iyong dahil sa higpit ng pagkakatali niyon.

Pilit kong kinapa ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko pero wala na iyon. Siguro ay kinuha na ng mga kumidnap sa akin.

Nasa ganoon akong sitwasyon nang bumukas ang lumang pinto at pumasok ang tatlong lalaki.

Nanginginig ang katawan kong umatras hanggang makarating ako sa sulok. Sobrang takot na takot ako sa sandaling iyon.

Mas lalo akong natakot at napaiyak nang lumapit ang isang lalaki. Napatili ako nang umupo siya sa harap ko. kahit anong sigaw ko ay tanging ungol lamang ang lumalabas doon dahil sa panyong nakatali sa bibig ko.

Marahas niyang ibinaba ang nakabusal sa bibig ko.

"S-Sino kayo?!" sa wakas ay sigaw ko. "A-Anong gagawin niyo sakin!?"

Ngumisi ang taong nasa harap ko. "Hindi mo na ba ako nakikilala?"

Napatingin naman ako sa kanya at sinipat ang kanyang itsura. Ganon nalang ang gulat ko nang matandaan ko siya.

"I-Ikaw?"

Humalakhak siya at napatayo. "Hindi ka ba makapaniwala? Medyo mahina lang talaga ang utak mo dahil hindi mo ako kailan man pinagdudahan. Ilang beses na tayong nagkikita at nagkabunggo hindi ba? Sabagay, mahirap nga namang paghinalaan ang simpleng janitor lang."

"A-Anong kailangan mo sakin?"

Muli siyang ngumisi. Iyong malademonyong ngiti. "Kumusta ang pakiramdam mo nung mabasa mo ang mga sulat ko?"

Natigilan ako. "S-Sayo galing ang mga iyon?"

"Mismo!" Natatawang sigaw niya. "Nakakatuwa ka ngang pagmasdan sa malayo eh. Nakakatuwa ang mga reaksyon mo sa tuwing nababasa mo ang mga banta ko sa inyo ng ama mo."

Napahagulgol ako at napayakap sa sarili. "Bakit mo ba ito ginagawa? Anong kasalanan ko sayo? Wala akong natatandaang nagkaatraso ako sayo."

"Ikaw wala!" Sigaw niya at unti unting rumehistro ang galit sa kanyang mukha. "Pero ang gago mong ama, malaki ang atraso sakin!"

"A-Ano bang kasalanan ng Daddy ko sayo para gawin mo to?!"

Tumawa siya ng mapakla. "Wag kang mag-alala Ms. Satiago, ipapaliwanag ko din sayo pero saka na pag andito narin ang tatay mo. Sabay niyong maririnig ang kwento ko!"

Kinabahan naman agad ako para kay Daddy. "Anong gagawin niyo kay Dad? Please, wag niyo po siyang sasaktan." Pagmamakaawa kong hindi parin matigil sa pag-iyak.

"Wag kang mag-alala, dahil hindi ko siya kaagad papatayin." Ngumisi siya. "Dahil uunti-untiin ko muna siyang pahihirapan hanggang sa mamatay siya hahahahaha!"

ANNOYINGLY, BEAUTIFUL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon