Chapter 23

614 17 0
                                    


Maddison's




Nasa coffee shop ako ngayon at hinihintay si Zian. Chinat ako nito kahapon na nasa Manila siya. Nakakaexcite dahil after ilang years magkikita uli kami!! Pero ang tagal naman niya. Napairap tuloy ako.


Naisipan kong itext muna si Jezk habang nag iintay.



To: Jezk

Are you busy?


From: Jezk

Medyo, I love you.


To: Jezk

Sige gawin mo na yung kailangan mo gawin. I love u too hihi!!

From: Jezk

Asan ka? I miss you.



"Maddie!!!"

Magrereply na sana ako nang mapaangat ang tingin ko dahil may tumawag sa akin. Agad akong napangiti nang makita si Zian.


"Putek ka namiss kita!!"

"Same couz!!! Samee!!" masayang sabi nito. Agad kaming nag order ng kape at nagkwentuhan.



"Ows talaga? Yung Jezk? Hanep!!!" bilib na sabi nito.


"Oo!! Di ko inexpect na gusto niya rin ako."


"Ayos pala eh!! Cheers tayo!!" sabi niya at ginawang alak ang kape. Natawa naman ako. Natapos ang ilang oras na puro tawa ako dahil sa kwento ni Zian. Napakaloko kasi.



"Hala hinahanap na ako ni dad!!" agad na sabi ni Zian habang nakatingin sa phone niya.


"Nako sige na, mauna ka na. Sa susunod nalang uli."


"Pasensya na Maddie ha." sabi ni Zian. Tumayo naman ako at nakipagyakapan sakaniya at nakangiting kumaway.



Nakangiti pa rin ako habang nakatingin sa may pintong nilabasan ni Zian nang mapatingin ako sa may table malapit dito. I saw Jezk sitting there while looking at me. I can see through his eyes that he is hurt.




When he saw me looking at him, he immediately stood up and went out. Oh no. Did he saw what happened earlier? Obviously!!!



----




Pang sampong tawag ko na yata kay Jezk pero di pa rin ito sumasagot. Nagpunta na ako sa ospital at sinabi nilang wala ito roon. Gusto ko nang maiyak!! Where are you Jezk?!




Kinabukasan ay nagpunta uli ako sa ospital para matingnan kung nandoon si Jezk. I asked some nurse and said 6 daw pumapasok si Jezk kaya't before 6 ay nagaantay na ako sa parking. Gosh, di ako sanay na maagang gumising.



Nang makita ang kotse ni Jezk ay agad akong napatayo. Nakita ko itong bumaba sa kotse at seryoso ang mukha. Lumapit naman ako agad sakaniya. Hindi ako pinansin nito at diretsong naglakad.



"Jezk!!!" habol ko rito pero hindi pa rin siga nagpatinag. Hindi ko siya maabutan dahil ang bilis niya maglakad!!



"Jezk!!!"


"Hoy!!!"



Napapikit ako sa inis dahil hindi niya pa rin ako pinapansin. Bigla namang may ideya akong naisip.



"Ahh!! Arayy!! Ang sakit!!! Nadapa ako!!" dire-diretsong sigaw ko at umupo sa sahig. Di man lang niya inabalang lumingon at dire diretsong naglakad. Kainis!Napagdesisyunan ko nalang tuloy na pumunta sa kompanya.




"Bad trip ka po yata maam."


"Hindi ah!! Sinong nagsabing badtrip ako?!" pasigaw na sabi ko.


"S-sabi ko nga p-po hehe." sabi ng secretarty ko.



Habang nakaupo sa swivel chair ay napagdeisyunan kong itext si Jezk kahit naiinis ako sa hindi niya pagpansin kanina. May point naman siya, hindi niya alam na pinsan 'ko si Zian at pinagselos pa siya nito noong senior high palang kami.





Jezk usap tayooo!!

Jezk pinsan ko yon bano.


Wow snobber ha.

Ay ganon? Ayaw mamansin.


Sorry na po.






Tinatadtad ko lang ito ng text. Nafufrustrate  na ako ah!! 'Di ko na alam ang gagawin 'ko. Natapos ang ilang araw na di pa rin ako pinapansin ni Jezk. Kaya nandito ako ngayon sa condo ni Hazel kasama sila Elizabeth.




"Nako ganto ang gawin mo!! Isurprise mo sis. Maghanda ka sa condo mo." pagsusuggest ni Hazel.

"Hu, palpak naman ang mga plano mo sa surprise Hazel." natatawang sabi ni Elizabeth.

"Di naman!!" Hazel pouted.



"And paano naman pupunta yon sa condo kung magprepare man ako?"




"Oo nga noh?"




"Sasabihin namin na naaksidente ka charot!!" pagbibiro ni Elizabeth.




Bigla naman akong napatingin sakaniya at ngumiti. Thanks for an idea Liz.


-----


"Hoy pakiabot ng lobo." sabi ni Olivia.


Kasalukuyan kaming nagaayos sa condo ko. Today is Monday. Napatingin ako sa paligid, wow ang effort namin. Dapat lang na magka ayos kami ni Jezk dahil monthsary namin bukas.



"Job well done girls!!! Salamat!!" tuwang tuwa na sabi ko sakanila. Nagyakapan naman kami.



"Uy kakatext ko lang kay Jezk na nauntog ka sa pader ng condo mo tas duguan." sabi ni Hazel at kumatok sa kahoy.


"Ang bobo naman ng sinabi mo Hazel!! Sinong maniniwala riyan?"


"Si Jezk?"


"Ewan ko sainyo."



Napatigil kami nang makita si Elizabeth na nanlalaki ang mata at nakatingin sa cellphone.


"Oh napano ka Liz?" tanong ko.

"N-nagtext si Troy."

"Oh ansabe?"



"S-si Jezk n-naaksidente."













Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now