Chapter 1

1.3K 34 2
                                    


Maddie's pov



"Anak andiyan na yung school bus."

Ngiting ngiti at nagmamadali naman akong tumakbo sa labas nang marinig ang sinabi ni Mom. I am so excited, today is my first day in being a grade 5 student. Napangiti naman ako lalo nang makita ang aking bestfriend na si William na papanik na din sa school van.

"WILLIAMMMTOT." sigaw ko sakaniya sabay lapit. Nagtabi naman agad kami sa school van as usual. Medyo malayo kasi ang school namin at sila mommy naman ay parating wala dahil nasa work kaya pinagseservice niya lang ako.


Magkatapat nga lang pala kami ni William ng bahay kaya lagi kaming sabay pumasok.

"Maddie, kakatransfer nga lang pala sa school natin nung pinsan 'ko." sabi sa akin ni William. Kaya pala napansin ko na may unusual na daan dito sa subdivision kaming dinadaanan.

"Hala! Nakakaexcite naman. What is her name?" excited na tanong ko sakaniya. Napansin ko namang sakto na huminto na ang van.

"Oh, andiyan na pala siya eh." sabi ni William habang nakangiti. Napasimangot naman ako sakaniya dahil hindi niya sinagot ang tanong ko.

Napatingin ako sa may pinto ng van nang bigla itong bumukas. Pumasok naman dito ang may makapal na kilay at sakto lang ang kaputian ng balat na lalaki.

Oh my gosh! Bakit di naman sinabi sa akin ni William na ang gwapo ng pinsan niya? Kahit bata pa ay gwapo na, paano pa kaya pag tinamaan pa siya ng puberty? Mama mia!

"Jezk!!" pagtawag ni William sa pinsan niya. Tumabi naman ito sakaniya pagkapasok. Bali si William ang nakagitna sa amin ni Jezk ngayon.

Dumungaw naman ako kay Jezk at nginitian siya, nakaharang kasi si William kaya't dinungaw ko pa ito. Ang pogi talaga neto. Ka-lahi ba talaga nito si William?

"Hoy Maddie, tigilan mo nga yung pagtitig mo ng ganiyan kay Jezk. Ang creepy ng dating." nandidiring sabi ni William.

Di ko pala napansin na ilang minuto na pala akong nakangiti at nakatitig kay Jezk habang nakadungaw sakaniya. Napangiti naman ako at humingi ng paumanhin, ang gwapo kasi talaga ni Jezk, 'di ko napigilan.

"Hello! Ako nga pala si Maddie." nakangiting pagpapakilala 'ko at abot ng kamay sakaniya para makipag shake hands pero ang 'di niya alam ay ginawa ko lang talaga 'yon para makahawak sa kamay niya.

Napansin ko namang tiningnan lang ako nito at tumingin nang diretso sa harapan. Napa-pout nalang ako. "Nice meeting you." sabi ko nalang. Narinig ko namang pinagtawanan ako ni William. Sinapok ko naman ito. Bwisit kasi.

At dahil naniniwala ako sa katagang 'stay positive' kaya't kinalimutan ko na ang karumal dumal na pangyayari ngayon.

------

Nang malamang magkaklase kami ni Jezk ay sobra akong napangiti. 'Di naman na ako nagulat nang malaman na magkaklase kami ni William, madalas kasi kaming maging magkaklase at sawang sawa na ako sa pagmumukha niyan.

Pero ang nakakatuwa talaga ay kaklase ko si Jezk. Napagalaman ko na Jezk Patrick Limuel ang full name niya. Bakit ganon? Pati yung pangalan ay ang cute hihi.

After naman ng first period ay sabay sabay kaming nagrecess nina Jezk at William. Tuwang tuwa naman ako dahil makakasabay 'ko kumain ang crush 'ko.

"Medyo wag ka naman magpahalata Maddie." bulong sa akin ni William. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. "Kulang nalang ay sabihin mo sa harap ni Jezk na I love you so much Jezk" sabi ni William with baklang tono.

Hala masyado na ba akong obvious? Di bali, okay lang yun. Lumayo naman na ako kay William at dumikit kay Jezk habang nakangiti. "Dahil first day mo dito, I will give you this." sabi ko sabay abot kay Jezk ng gawa ni mommy na cookies.

"Thanks." maikling sabi ni Jezk.

Ngingiti na sana ako lalo, nang makitang walang gana niya lang itong inabot kay William. Napasimangot naman ako nang makita ko si William na tuwang tuwa. May pakanta kanta effect pa siya.


Okay Maddie, huwag kang mainis. Masisira ang beauty mo. Napatingin ako may Jezk na kumakain ng binili nitong burger. Tsk. Mas masarap diyan cookies ko.

"Nako, hindi healthy yan." Pang guguilty ko kay Jezk. Napatingin naman ito sa akin. Namula naman ako. Nakakalusaw kasi siyang tumingin. Grabe hindi ko keri.

"So are you saying na healthy yang cookies mo?" pabarang na sabi niya sa akin.

"Oo naman!! Healthy yan para sa puso mo. May pagmamahal 'ko e." sabi ko sabay kindat.




Winter Love (Season Series #2)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora