Chapter 9

523 16 0
                                    


Maddie's


It's been days since William left. Ayon, lagi naman siyang tumatawag samin which is great. Kaso nakakamiss lang. Dati kasi ay araw-araw akong tumatambay sakanila pag bakasyon. Tapos ngayon wala na. Pero minsan tumatambay naman ako at nakakabonding ko si Geila.


Pero masaya naman ang bakasyon, dahil parating nagpupunta sa bahay namin sila Troy at nanonood kaming movies.


Natapos ang bakasyon at years ngayon ay grade 11 na kami. Hindi kami magkakaklase. At magkakaiba kami ng strands. Si Troy at Jezk nga lang ang magkaparehas dahil Stem sila, Si Josh naman ay humms. Ako ay abm.



Kaya ayon, tuwing break time lang kami nakakapagkita.

"Hoy, kamusta naman?" tanong ko sakanila dahil nakasibangot yung mukha nung dalawa.


"Putek. Bagsak ako sa tatlong quiz." sabi ni Troy.



"Wow, wala namang bago." pangaasar sakaniya ni Josh.



"Nako Troy, magreview ka naman kasi." panenermon ko kay troy.



"Maddie, di mo ako maiintindihan. Nagtiwala ako sa stock knowledge ko. Kaso binigo nanaman ako." sabi niya at parang heartbroken. Natawa naman ako nang batukan siya ni Josh.


"Oh ikaw Josh? Bakit ka nakasimagot kanina?" tanong ko sakaniya habang sinusubo ang pagkain ko.




"Wala lang, nakigaya lang ako. Nakasimangot yung dalawa eh."


Natawa naman ako at sinapok sa braso si Josh. Baliw talaga to!!!



Maaga palang ay nagpasya na kaming bumalik sa room. Yung dalawa kasi ay may kailangang gawin. Habang naglalakad ay napansin kong sumabay sa akin si Jezk.




"Oh? San punta mo?" ngiting sabi ko sakaniya.


"Wala, hatid kita." maikling sabi niya. Napangiti naman ako lalo.


"Ikaw haaa." pangaasar ko sakaniya at sinusundot ang tagiliran. Napailing nalang siya at hinatid ako sa room.


"At dahil sa paghatid mo sa akin sa room. Ihahatid din kita sa room mo!!!" excited na sabi ko sakaniya. Napapikit nalang siya at umiling.


"Tsk, nabaliw na." sabi nalang niya at tinalikuran ako.

"Hoy!! Joke lang!!" Sigaw ko sakaniya. Itinaas naman niya ang kanan niyang kamay habang nakatalikod na nagpapaaalam sa akin.



Bakit ang pogi rin ng likod niya?



Dumating ang ilang araw at buwan, na araw araw ako hinahatid ni Jezk sa room ko. Mas nagiging close na rin kami.


"Samahan mo ko Jezk, bibili ako ng inumin." sabi ko kay Jezk at hinila siya.


Kakatapos lang ng laro namin for this month. At break namin kaya't inaaya ko ngayon si Jezk sa cafeteria.


Bumili naman ako ng coke dahil nauuhaw na ako. Napansin ko namang bumili siya ng tubig para sakaniya.



"Tara na!!" ngiting sabi ko sakaniya. Siya naman ay nakatingin lang sa hawak kong coke at nakakunot ang noo.



"Softdrinks again? Di yan mabuti sayo." sabi niya at ibinigay sa akin ang tubig niya.



"Jezk!! Ayoko ng tubig!!! Akin na yang coke kooo." pagpupumilit ko. Itinaas lamang niya ang coke. Tumatalon talon naman ako para abutin 'to pero di ko abot. Ang tangkad niya kasi.


Sinimangutan ko nalang siya at tinalikuran. Napansin ko namang sinusundan niya ako. Kinausap niya ako pero di ko lang pinansin.


Pagkatapos ng game ay dumiretso agad ako sa cr para magbihis. Kung normal na araw 'to ay didiresto ako kay Jezk at bibigyan siya ng towel pero ininis niya ako eh!



Pagkabihis ko ay chineck ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang mukha bago lumabas.



"Ay anak ng tokwa!!"  gulat na sabi ko nang makita si Jezk sa labas ng cr ng girls na nakabihis na at tila may iniintay.


"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sakaniya. Napansin kong may hawak siyang coke. Nagulat ako nang iniabot niya ito sa akin.



"Ayan na. Basta sa susunod, pansinin mo na ako." sabi niya sabay abot sa akin ng coke. Umalis naman siya agad.

Naiwan naman akong nakatulala doon.




------





"Cheers!!!!"


Nagcheers sila habang hawak ang mga san mig habang ako ay juice. Tinitingnan ko ng masama si Jezk pag napaparami ang inom. Kahit alam kong light drink lang yon ay feeling ko nakakasama pa rin yon sa atay.



We are now in our 12th grade. Grabe ang bilis ng araw. We are currently having victory party. Syempre, champion na naman.



Di ko akalain na magugustuhan 'ko ang volleyball. Dati kasi ay mema lang ang pagsali ko. At ngayon, ako na ang captain ball, nanalo pa kami. Grabe, napakasaya pala sa feeling.



"Hmm, are you thinking of me?" malambing na sabi sa akin ni Jezk habang nakahawak sa bewang 'ko.


"No." pabirong sabi ko sakaniya. Tumawa lang siya at mas lalo akong nilapit sakaniya.



"It's okay, atleast I am thinking of you." bulong niya sa tenga ko. Namula naman agad ako.



Super close na namin ni Jezk, madaming nagtatanong kung kami na ba. Ako naman ay walang maisagot. Hindi naman kasi siya nanliligaw. Minsan nga nagdodoubt na ako.


"Gala naman tayo." biglang pagtopic ni Troy kaya't napatingin kami sakaniya.


"Napa galaan na yata natin ang mga gagalaan dito sa Batangas." sabi naman ni Josh.


"Tara roadtrip, sa sabado?"

"Taraa." excited na sabi ko.


"G ako riyan." sabi ni Josh.


Napatingin kaming lahat kay Jezk, hinihintay namin kung makakasama ba siya.



"Sorry, I can't." sabi ni Jezk. Napanguso naman ako.


"Hmm, next sabado?" tanong ko sakaniya.




"Sorry, may gagawin din ako non."



Napabuntong hininga nalang ako at tumango. Sayang naman. Ano kayang gagawin niya?








Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now