Chapter 4

558 17 0
                                    


Maddie's pov



Habang tinatapos ang project sa may computer lab. ay napaisip ako kung rejected ba ako nung nakaraang araw. Ang gulo ni Jezk.


Pagkatapos ng project ay lumabas na ako ng computer lab at agad na napangiti nang makitang naglalakad si Jezk papunta sa gawi 'ko.


"Jezk!!" masayang tawag ko rito sabay takbo para sana'y salubungin siya kaso natapilok ako bigla at natumba.


Napatingin naman ako sakaniya at nakatingin lang ito sa akin. Agad tumama sa akin ang hiya, he's just staring, I can't determine if he is thinking some crazy things about me. Baka iniisip niya na ang tanda ko na ay ang lampa ko pa.



Agad naman akong napatayo at tumalikod ng mabilis sakaniya. Nakakahiya! Okay pa sana kung tulad noon na bata pa kami eh! Okay pa sana kung di pa ako umaamin sakaniya! Fresh na fresh pa naman yung aminan na naganap.


"Oh napano ka Maddie?" tanong sa akin ni Troy nang makita ako.

"Wala, nagtatry lang ako ng trending. You wanna try?" pagpapalusot ko sakaniya. Ika- ika kasi ako maglakad. Halata namang hindi siya naniwala.

"Anong tawag? The ika lakad ganon?" pangpipilosopo ni Troy. Inirapan ko nalang.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong naman ni William na kakadating lang, kasama niya si Josh na nakatingin sa akin na nagaalala.


Naupo kami sa bleachers at doon na ako nagkwento...

"Natunggo yung paa ko sa narra na upuan, yan tuloy natapilok ako huhu." pagsusumbong ko sakanila. Pinagtawanan naman ako ni William. Ang lampa ko raw. Oo na!! Alam ko naman eh!!


"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo sa susunod." pagsesermon ni Troy.


"Ayiee concern citizen." pangaasar ko.



"Wow, ang lapit na sa senior citizen ha." pabirong sabi ni Troy.


"Okay lang yan, mukha ka namang matanda." sabi ni William sakaniya.



"Pre, anong sabi mo? Ang mukhang toh. Tatawagin mong mukhang matanda? How dare you." sabi ni Troy na tila bang pabirong nasasaktan. May pahawak sa dibdib pang nalalaman.



"Aminin mo na---"



Napaubo naman ako bigla sa pagkarinig nang hindi tapos na salitang sinabi ni Josh. Inabutan naman nila akong tubig. Napapaubo talaga ako pag nakakarinig na word na 'amin'. naalala ko ang ginawa ko nung nakaraang araw.



Bigla namamh nahagip ng mga mata ko si Jezk na papunta sa amin. Napatitig ako sakaniya. Napansin ko na gwapo na siya noong bata kami. Mas lalo pa siyang gumwapo ngayong maghighschool kami.


"Oh baka tumulo." sabi ni Josh at nilagay ang kamay sa may bandang ilalim ng bibig ko na para bang may sinasapo. "Bwiset" sabi ko nalang sabay hampas sakaniya. Natawa naman siya.


"San ka galing Jezk?" tanong ni William sakaniya.



"Computer lab." simpleng sagot ni Jezk



"Ahh, pre oo nga pala, bukas daw training sabi ni sir De Guzman." sabi ni Josh kay Jezk. Tumango lang si Jezk sakaniya. Oo nga pala, sumali nga pala si Jezk sa varsity. Ano ba yan!! Minsan ko nalang makikita si Jezk sa buwan na 'to malapit na kasi yung bulprisa. Kung kasali lang sana ako sa volleyball team...


Tila umilaw naman ang imaginary light bulb sa utak ko nang may maisip. Hmm, balita ko sa iisang court lang nagtetraining ang mga varsities!!! Omg is this a sign Lord?


"Ah guys alis na ako ha." sabi ko sabay tayo, napatingin naman sila sa'kin nang may pagtataka, ngumiti lang ako sabay lakad ng mabilis paalis. Ayoko na tumakbo eh baka madapa na naman ko. Narinig ko pa na tinawag pa ako nila William. Humarap lang ako saglit at kinumpas ang kamay ko na tila nagpapaalam habang nakangiti.

Buti nalang at sanay ako magvolleyball. Tinuturuan kasi ako ng mga tita at pinsan ko kaya ako natuto. Nang makarating ako sa room ng captain ball ay nagparegister ako. Napagalaman ko na bukas ang tryout at Sabado pala bukas.


Pero ayos lang yun makikita ko naman si Jezk.


-------



Nanonood ako ngayon ng training ng basketball ngayon. Ang gwapong maglaro ni Jezk. Lalo tuloy akong naiinlove habang pinapanood siyang magshoot. Napansin 'ko naman agad na maraming nakatingin sakaniyang babae, kainis.


Okay lang 'yan Maddie, atleast kaibigan mo si Jezk 'di tulad ng mga babaeng yan. Grabe ang pagpapakalma ko sa sarili haha!


Nang matapos ang laro nila ay agad agad akong lumapit at nagabot ng mineral water sakaniya. Napatingin naman siya sa akin at nagtaka.


"Why are you here?" masungit na tanong nito sa akin. Sapilitan ko namang pinahawak sakaniya ang mineral water na binili ko.


"Magtatry out----" di ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang magtawag ang captain ball at coach ng volleyball ng mga magtatryouts. Mukhang nagets na ito ni Jezk at hinayaan akong umalis.


Pinatakbo muna kami ng captain at pinagwarm up. Pagkatapos ay pinapila kami at isa isa kaming magrereceive ng bola.


Nagspike ang captain ball at nakita kong umilag yung nasa kauna unahan ng pila. Umiyak naman ito nang masama siyang tingnan ng captain ball.



Sunod sunod ang mga tira ng captain ball. Nakakatakot at mukha itong strikta at intimidating. Ang mga member naman ng Volleyball Team at ilang players ng basketball ay nanonood sa amin.



Nang ako na ang susunod ay sobra sobra ang kaba ko. Kaya 'ko ba 'to? 
































Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now