Chapter 20

600 19 0
                                    

Maddison's




I am wearing a black blazer style dress. I really love this dress kasi ang cute nung gold buttons. Nagsuot din ako ng nude color heels at black shades sa may ulo.

"Ganda yata natin ngayon Maam Salvador?"


"Ngayon lang?" pangaasar ko sa secretary ko, natawa naman ito.


Syempre mag papaganda ako!! May manliligaw yata ito na gwapong gwapo na doktor. Napatawa naman ako magisa. Nakita ko ang secretary ko na parang naweweirdohan sa akin. Hindi ko ito pinansin at dumiretso sa opisina ko.


Pagkarating sa opisina ay napatingin ako sa phone 'ko nang magvibrate ito.



From: Jezk

Sabay tayo mag lunch. Gonna go there later to pick you up.


Agad naman akong napangiti dahil sa kilig. I love it! Ngiting ngiti tuloy ako habang nagtatrabaho. Bawat minuto ay patingin tingin ako sa orasan ko. Gosh! Ang tagal mag tanghali.


Pagkatanghali naman ay napatingin ako sa cellphone ko para magmessage. Tinext ko siya na tapos na ako sa mga ginagawa ko pero wala pa ring reply. Dumaan ang ilang minuto at 'di ko namalayang nakatulog na ako sa paghihintay.



Unti unti naman akong dumilat at bumangon nang maramdaman ang pagkangalay mula sa pagkadukdok.




"Ay pucha!!!" gulat na sabi ko nang makita si Jezk na nakaupo sa may harap ng lamesa ko habang may binabasang magazine.




"Mabuti at naisipan mo pang gumising." sabi nito sa akin.



Naconcious naman ako at tiningnan ang sarili sa phone. Tinanggal ko ang muta ko at ayon ayos na.



"Tara na, alis na tayo." sabi nito at tumayo.


"Wait." sabi ko at kinuha ang lipstick ko sa bag.



"Tsk, nagpapaganda pa eh maganda na naman." bulong nito. Agad naman akong namula at umiwas ng tingin.


Pagkatapos kong medyo suklayan 'ko pa ang buhok ko bago agad na akong tumayo, nang makita niya akong tumayo ay sinabayan niya akong maglakad.




"Kain lang kami lunch. Kumain ka na rin." sabi ko sa secretary ko. Napatango naman ito at tintingnan ako ng may makahulugang ngiti.


Habang naglalakad palabas ay napapansin ko ang tinginan ng mga empleyado sa amin. Alam ko namang masyadong gwapo tong kasama ko. Sige, mainggit kayoo, nililigawan ako niyan noh.


"San gusto mong kumain?" sabi nito habang pinaagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya.



"Hmm, gusto ko ng seafoods!!" masayang sabi ko rito. Dati ay lagi kaming nagseseafoods magtotropa, nakakamiss naman.


Napatingin ako kay Jezk na natatawa sa akin habang pinapanood akong kumain.



"Bakit ba? Favorite ko toh eh!!" sabi ko sabay irap sakaniya.



"Ikaw, favorite ko." sabi nito. Agad naman akong nabilaukan. Inabutan niya naman agad ako ng tubig dahil don.



"Gala tayo kasama sila Troy soon." ngiting sabi ko rito.



"Sure." simpleng sabi niya.



Kumain lang kami nang kumain hangga't sa mabusog. Sasakay na sana kami ng kotse niya nang may biglang lumapit sa amin si Mr. Terres.



"Ms. Salvador!!!" tawag nito sa akin. Nginitian ko naman ito, napatingin ako kay Jezk at nakita kong nakatingin din ito kay Mr. Terres.



"I forgot to get your number miss Salvador. Can I have it?" nagpapacute na tanong nito sa akin.




"Uhm sure." sabi ko dahil for business matters naman ito. Iniabot niya ang cellphone niya sa akin at agad kong nilagay ang number ko sa contacts niya.



"Thank you!! Mauna na ko mukhang may kasama ka. Text nalang kita mamaya ha." sabi nito at umalis na.




Napatingin naman ako kay Jezk, seryoso ang mukha nito ngayon. Pinagbuksan niya ako ng pinto habang nakasimangot, pumasok naman agad ako ng kotse.



Napansin ko na ang tahimik namin kaya't naisipan kong gumawa ng topic.




"So, kamusta sa Germany?"




"It's fine." maikling sabi nito. Napatingin naman ako sakaniya. Ang pangit kasi ng tono niya.




"Okay ka lang ba?" nagaalalang tanong ko.



"Yeah."



"Hu di naman." sabi ko.


"Edi hindi." masungit na sabi niya.



"Luh, inaattitudean mo ba ako?"


"Oo."


"Ya bakeet?" pagpapacute ko.




"Doon ka na sa lalaki mo."



"Sino namang lalaki ko?"


"That guy who gets your number."

"Luh, business partner ko lang yon noh."


"Tss, don't care."


Nainis naman ako bigla sakaniya, ba't siya nagtatanong kung wala siyang pake? Gulo. Napatingin naman ako sakaniya nang marinig ang pagbuntong hininga nito.





"I don't want to see you smile like that with other boys. Only me."




Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now