Chapter 13

553 21 0
                                    


Maddie's



After 8 years




"Hoy babae, chill ka lang. Di ka mauubusan ng alak." sabi ni Hazel sa akin. Natawa naman ako sakaniya.


"Nako sis, alam mo ba ang salitang yolo? You only live once. Kaya tara tagay naaa!!!"


"Ilayo nyo nga ako dyan, mahahawa ako ng kalasinggerahan niyan." maarteng sabi sa akin ni Olivia. Lalo ko namang dinikit sakaniya ang katawan ko. Natatawa naman siya.

"Kunwari pa kayo, pare pareho kayong lasinggera riyan." napapailing na sabi sa amin ni Elizabeth.

Sina Elizabeth, Olivia at Hazel ay mga naging kaibigan ko nuong college. Akala ko wala na akong magiging kaibigan pagkatapos nila Troy ngunit meron pa rin pala. Ang saya lang sa feeling.


"Tara na hataw na tayo sa dancefloor!!!" sabi ni Olivia at hinitak ako.


Todo sayaw naman ako. Siyempre sino aayaw? G lang!!!

Nang mapagod kami ni Olivia ay bumalik na kami sa upuan kung nasaan sila Elizabeth. Nangiti naman ako nang makitang juice lang ang iniinom ni Elizabeth.

"Liz, inom kaa." pangasar kong bigay kay Elizabeth.

"Magtigil ka, lagot yan kay kiya Ethan." sabi ni Olivia, natawa naman ako lalo.

"Pangasar talaga si Maddie, palibhasa wala pang boyfriend."


"Oo nga, gurang na yan."

Inirapan ko naman sila. Ang kakapal!! Si Elizabeth lang naman ang taken na sa amin.

"Awit!!! Watch and learn!!" sabi ko sabay punta sa gitna. Nakita ko namang nakatingin sila sa akin. Nginisian ko lang sila.

Sumayaw sayaw muna ako sa dance floor. Nakita kong may mga sumayaw sa akin. Nagkunwari naman akong nahimatay at sinadyang ibagsak ang sarili ko. Sakto may kamay na sumuporta sa akin. Got you!!!

"Miss? Okay ka lang?" sabi ng pamilyar na boses. Napatingin ako at nanlaki ang mata.

"Omg!! Troy?!"

"Maddie!!"

--------

"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin. Nasa labas na kami ng bar.

"Ayos lang! Nako!! Nakakamiss kayo!!"

"Di ka na bumisita tsk. Di ka na rin macontact." sabi nito.


"Sorry, super busy na talaga eh." pagpapalusot ko. Ayoko na kasing bumalik doon. Ayoko nang makita si Jezk.


After kong umalis ng Batangas ay tinawagan ko si Jezk. At tingnan mo nga naman. Si girlfriend niya ang sumagot. Sinabihan pa ako na wag ko raw kausapin ang boyfriend niya. Di raw ako kawalan, lumayas daw ako hangga't gusto ko. Leche noh?

"Nako, kamusta na kayo ni Josh?"

"Kami lang talaga ang kakamustahin mo?" ngisi ni Troy sa akin.

"Syempre 'no"

"Weh"

"Come on!! Ilang years na ang lumipas."

"Okay, sabi mo eh."

"Penge ngang number mo. Nanakaw kasi ang cellphone ko noon kaya di ko na kayo macontact. Di ko kabisado number nyo."

Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now