Chapter 15

602 19 4
                                    

Maddie's



["Asan ka na Maddie?"] tanong ni Troy.




"Nasa puso mo."



["Gagi."] sabi nito at tumawa nang tumawa. Kahit kelan talaga itong si Troy, banong bano.



"Charot lang, malapit na ako. Nandyan na ba talaga kayo?" tanong ko rito.



["Ay wala Maddie."] pamimilosopo ni Troy. Narinig ko naman sa background si Josh na nag hi sakin. Napangiti ako. Namiss ko!!




I am wearing a red fitted off shoulder dress. The theme is semi formal kaya eto na rin ang sinuot ko. I just did a soft curls in my hair and I put  nude lipstick. Bagay kasi.



Pagkarating sa venue ay dumiretso ako sa parking para magpark ng sasakyan. Kinuha ko ang black shoulder bag ko and then I went out to my car. Saktong pagbaba ko ay ang saktong pagdating ng isang black BMW Suv.



At iniluwa nito ang isang matipunong lalaki. I can't believe na ganito na si Jezk. He is wearing a fitted white button up long sleeves and nakaparagan ito sa black pants. He is wearing a black belt also. His three buttons are open so I can clearly see his chest. He looks hot.



Napatingin sa akin si Jezk at I saw that his eyes went from my toe to head before smirking. Napaiwas naman ako ng tingin at agad itong tinalikuran.


Pagkarating sa loob ay napatingin sa amin ang mga kaklase namin dati.


"Woah, I knew it!! Etong dalawa ang magkakatuluyan." natatawang sabi ng babae.


"Bagay!!"


"Aba, lalo yatang gumwapo si Jezk."


"You look hot Maddie."


Samu't saring reaksyon ang natamo namin pagkapasok sa venue. Nginitan ko lang sila at binati. Agad ko namang nakita yung dalawa na palapit samin.


Sumipol si Troy. "Sexy mo naman Maddie?" natatawang sabi nito.



"Maddie!! Long time no talk and see." nakangiting sabi nito.


"Hala, namiss ko kayo." sabi ko. Umupo na kami sa isang table at nakita kong tumabi sa amin si Jezk.


"Kaya naman pala late nakarating pre, sinundo mo pa si Maddison." natatawang asar sakaniya ni Troy.


Nakita kong ngumisi lang ito bago uminom ng wine.


"Kamusta naman ang pag aabogado Josh?"



"Ayon, masaya makipagaway sa korte." natatawang sabi ni Josh. Natawa naman ako sakaniya.



"Ikaw ba Maddie? Big time ka na ha. Ceo." nakangiting sabi ni Troy. Nakita kong nakikinig samin si Jezk.



"Grabe naman sa bigtime. Ayon, ayos lang. Masaya mag-utos." natatawang sabi ko.


Nang matapos ang kamustahan ay samu't saring gawain ang nangyari ngayon. May parlor games at marami pang iba. Pagkatapos ng kainan ay uminom lang ako ng wine habang may bandang tumutugtog sa harap.



"May boyfriend ka na ba Maddie?" tanong ni Josh sa akin.


"Wala pa, tatandang dalaga na yata ako." natatawang sabi ko.


"Uy ayos pala eh, wala ring girlfriend si Jezk." sabi ni Troy.


"Kung makapagsalita ka naman kala mong may girlfriend." sabi ni Josh sakaniya



"Eh ikaw meron ba?"


"Wala rin."



"Oh yun naman pala."



Napatawa ako dahil sakanila. I miss these boys.


"Marami bang magaganda sa Germany?" tanong ni Troy.


Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Troy. Germany?


"Hmm, they are just normal girls for me. I don't know."


"Huu si ano lang kase maganda sayo!!" natatawang sabi ni Josh, nakipag apir naman siya kay Troy, nakita ko namang ngumisi sakanila si Jezk.



Okay, what is happening? Di ko sila gets.


"Ay oo nga pala Maddison, pagkaalis mo noon sa batangas pagtas ng ilang linggo ay lumipad na rin si Jezk sa Germany para magaral." sabi ni Josh. Napatango naman ako. Kaya siguro parang may nagbago kay Jezk, naadopt niya siguro sa mga tao sa ibang bansa.



Agad naman akong napaisip, ang hirap naman pala ng relasyon nila ni Jessa noon, ldr.



Lumipas ang oras at nagkwentuhan pa kami nang nagkwentuhan tungkol sa buhay buhay hanggang sa namalayan na namin na gabi na.



"Uuwi pa ba kayo ng manila? Gabi na ha."


"Ako uuwi eh." sabi ko.



"Delikado na sa daan." maikling sabi ni Jezk.



Napaisip naman ako dahil doon. Doon nalang kaya ako sa bahay namin matulog? Ang tagal ko nang di nakabisita.


"Ah sige, don nalang ako sa bahay dito matutulog."



"Sige, ingat layo, lalarga na rin kami." pagpapaalam nila Josh.



Napatango naman ako. Sumakay ako sa kotse at nagdrive papuntang subdivision. Ang alam ko ay laging bumibisita sila mom and dad sa bahay dito, minsan ay nagstestay pa sila for a week. Napatingin ako sa side mirror nang makarating sa subdivision, nasa likod ko ang black BMW Suv ni Jezk, so kanina pa ako sinusundan ng kotse niya? Sabagay parehas lang naman kami ng subdivision.



Nang huminto ako sa tapat ng bahay at huminto na rin ito. Medyo nagtaka tuloy ako.


Bumaba na ako ng kotse at tumingin sa bahay. Hala, bat nakakatakot? Ako lang mag isa dito?


"You left your bag."




Napatingin ako kay Jezk. Oo nga pala! Kaya pala may parang kulang kanina.


"Thanks." sabi ko at agad na tumingin sa bag.


"Oh shoot!! Wala nga pala akong susi." kinakabahang sabi ko.



Napatingin naman sa akin si Jezk.



"Need help?" sabi ni Jezk.



"Uuwi nalang akong Manila."



"No, it's not safe." sabi nito.



"Oh san ako matutulog? Sa labas? Sa kotse? Saa--"





"In my place."





Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now