Chapter 6

544 20 0
                                    


Maddie's

Nasa restaurant kami ngayong lima. Bukas pa kasi ang victory party ng volleyball at baskteball team. Nagvictory party na kami magkakaibigan habang maaga pa.

Dahil sa gutom ay hindi ko na napigilang lumamon nang lumamon. Minsan lang ako lumakas kumain kaya pinagbibigyan ako nung apat.

"Hinay hinay lang baka mabilaukan." pagpapalalaa ni William. Nginitian ko naman siya. Grabe talaga tong kaibigan ko na 'to. Apaka caring.

Buong oras namin sa restaurant ay di ko tinitingnan o kinukulit si Jezk. Kung normal na araw toh ay binubwisit ko na yan eh. Pero binadmood ako nung babae niyan.

Umaasa naman akong mamimiss ni Jezk yung pagkukulit ko pero nadisappoint lang ako.

Kaya napagdesisyunan kong kulitin nalang uli siya. "Jezk!!!" habol ko sakaniya nang makalabas na kami ng restaurant.

"What?" sabi naman niya sa akin. Nginitian ko lang siya. "Wala lang. Masama bang tawagin ka?" pangaasar ko.

"Oo, lalo na kung walang katuturan ang sasabihin mo." madiin na sabi niya. Ouch, nahurt naman ako doon. Pero sanay naman akong masaktan sa mga sinasabi niya kaya hinayaan ko nalang.

"Masungit ka na niyan?" pangaasar ko.

"Tss"

"Yan nanaman siya oh. Tss amp. Aminin mo nga sakin ahas ka ba?" tanong ko sakaniya. Di naman siya sumagot.


Napakunot nalang ang ulo ko habang nakatitig sa ibaba. This can't be!!!!! Wag nyong sabihin na tama ang naiisip ko!!


"Oh my gosh!!" malakas na sabi ko. Napatingin naman siya bigla sa akin dahil sa gulat.

"Don't tell me, kaya mo ko nirereject kasi di tayo pwede? Kasi ahas ka?" nanlalaking matang tanong ko sakaniya. Inirapan naman niya ako. Hala bakit ang manly ng irap niya. Pogi hehe.

"Crazy." sabi lang niya. Natawa naman ako bigla,


"Inlove with you." dagdag ko sakaniya. Napailing lang naman siya.


------


Next week is the exam week kaya halos lahat ng estudyante ay nagrereview na. Yung tatlo naman ay nagaaya ng gala. Minsan naman ay nagaaya silang group study. Alam kong walang papasok sa isip ko sa group study na yan.

Naalala ko nung nakaraang group study namin. Di talaga ako nakapagfocus!! Una, tamad na tamad yung tatlo. Pangawala, apura reklamo sila. Yun nalang ata nakabisado ko eh. Pangatlo, si Jezk. Siya kasi ang pinakamatalino sa amin. So siya ang nagtuturo ng ibang math equations. Di ko tuloy maintindihan. Na didistract kasi ako.

Kaya napagdesisyunan ko nalang na magaral sa bahay. Mas effective pa. Maagaa palang ay nirereview ko na ang mga kailangan para di na ko masyado mapressure pag malapit na exam.

Napatingin ako sa gc naming lima. Nagaaya silang Group Study. Pumayag naman silang lahat. Ako nalang ang di nagrerespond. Nang magrespond ako ay nag yehey sila. Parang mga bata talaga tsk.

Sa bahay daw nila William kami magrereview. Nasa ibang bansa ang mommy at daddy niya ngayon. Minsan ay nasa bahay sila at minsan ay nasa work. Malaki kasi ang company nila. May ari sila ng mga sikat na waterparks dito sa bansa at mayroon din sa ibang bansa.

Ang alam ko ay si William ang magmamana non kaya medyo mapressure din. Lahat naman siguro sa amin ay pressure ito.

Ako kasi ang magmamana ng kompanya namin. Kami kasi ang may ari ng Mux Beauty Brands. Sila Josh naman ay may ari ng corporation kung saan ka makakakuha ng lawyers. Lawyers ang parents niya kaya pressure ang pag aabugado, pero gusto din naman daw niya. Sila Troy naman ay mayari ng dalawang malaking subdivision. Sila Jezk naman ay mayari ng pinakasikat na hospital dito sa bansa. Doctor ang both parents niya.


Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now