Chapter 8

539 20 2
                                    


Maddie's


Ngiting ngiti ako habang naglalakad sa hallway. Napahinto naman ako nang makasalubong si William. Nilapitan ko naman agad siya. "Oh aalis ka na, malapit na. Pasalubong tuwing uuwi ka ha." malungkot na sabi ko.


Kuhanan kasi ng card ngayon. Sumama lang ako kay mommy kumuha ng card. Bukas na nga pala aalis sila William. Mamayang gabi ay may pa despidida siya.


Nung nakaraan ay inopen up ko kay Jezk na kaya ako umiiwas ay dahil kay William. Pinagsabihan naman niya ako na hindi dapata ako umiwas. Aalis na nga si William, iiwas pa daw ako.



Kaya bumalik ako sa katinuan at narealize ang lahat. Naalala ko na sinamahan pa ako ni Jezk kanila William non para magsorry at sabihin sakaniya ang lahat. At ayon, naging okay na. Medyo nagdrama special pa nga kami non.


Pagkatapos namin magusap ni William ay nagpaalam na siya dahil may kailangan pa siyang pumuntahan. Nagpunta naman ako sa fishballan para kumain. Nagsisi pa 'ko bat ako sumama kumuha ng card. Wala naman akong magawa.



Pagkabili ay naglakad lakad muna ako habang kumakain ng fishball. Gutom na gutom na talaga ako kaya para akong timawa. Feel na feel ko ang pagkain nang biglang..



*pootpoott




"Fuck"


Gulat na gulat at nanlalaki ang mata ko nang may humila sa akin dahil muntik na akong masagasaan ng sasakyan. Tumalsik bigla ang fishball at natapon sa kalsada.


"Shit are you alright?"



Napatingin ako sa humila sa akin habang nagluluha ang mata. Napansin ko namang si Jezk pala ito at tila nagpapanic nang makitang nagluluha ang mata ko.


"Nasaktan ka ba? Nadaplisan ka ba nung sasakyan? Nakaladkad ba kit---"


"Yung fishball ko!!!!!" biglang sabi ko. Napatingin naman siya sa warak warak na fishball.



Agad akong lumuhod sa natapon na fishball. Grabe!!! Kawawang mga fishball. Pasensya na, di ko ginustong mangyari sainyo 'to.


Narinig 'kong tumawa si Jezk, kaya't sinamaan ko siya ng tingin. Itinaas naman niya ang dalawa niyang kamay.


Pinulot 'ko ang mga fishball, cup at stick at inilagay sa tamang tapunan. At nang tingnan ko si Jezk. He is looking at me with amused face.


"Bilhan kita ng fishball." sabi niya at dumiretso sa bilihan ng fishball. Pumayag naman agad ako. Siyempre gutom na ako.


Naupo kami sa bench sa isang tabi at tahimik kaming kumain. Napatingin ako sa kanya nakatingin sa mga taong dumadaan.



Napasulyap naman ako sakaniya at tipid na ngumiti. 'Di ko alam kung gusto na rin ba ako ni Jezk. Pero masaya ako kasi naging mas close kami. Ayoko kasing magassume sa sinabi niya nung nakaraan.


Napansin niyang nakatingin ako sakaniya kaya't tiningnan ako nito habang nakataas ang kilay.


"What's wrong?"

"Ang pogi mo."



Pagkasabi ko noon ay tiningnan lang niya ako at tumingin nalang uli sa harap. Grabe, gandang reaksyon naman.


Pagkakuha ng card ay agad akong umuwi para makapagayos. Magdedespedida party na kasi si William.


Pagkapunta ko kanila William ay ang ganda ng ayos ng bahay nila. Maraming pagkain at may mga san mig. Tsk!! Bata bata pa ng mga reh, iinom na.


"Oh, Maddison. Aga mo naman?"

"Tutulong ako magaayos."


"Nako, nakaayos na lahat. Sige maupo ka na diyan. After ilang minutes dadating na ung tatlo." sabi nalang ni William.


Naupo nalang ako sa may upuan at vinideohan ang paligid. In-ig story ko ito at nag caption ng "just got here."


After ilang minutes, dumating na yung tatlo. Nagkwentuhan naman kami at naglaro ng spin the bottle.

Pagkatapos ay kumain na kami. Nagkaraoke naman ang iba. Grabe si Josh, feel na feel ang pagkanta. Kala mo professional singer.


Ako naman ay patawa tawa lang habang kumakain ng barbeque nang mapansin ko na tumabi sa akin si Jezk na may hawak na san mig. Sinamaan ko naman siya ng tingin.


"What?"


"Iinom ka?"


"Hmmm." he just shrugged.


"Tss, lasinggero pa ata mapapangasawa ko." bulong ko. I heard Jezk chuckled. At inilapag sa lamesa ang san mig na nakakakalahati lang.


Ipinatong niya naman sa lamesa ang kaniyang siko at hinawakan ang gilid ng ulo habang nakatitig sa akin.

Nailang naman ako at finocus ang aking atensyon kanila Troy na nagaagawan na ng mic.

"Hey, look at me."


Napasulyap naman ako kay Jezk nang sabihin niya ang mga salitang iyon. Nakita kong nakatitig pa rin siya sa akin.

"A-ano ba Jezk. W-wag ka ngang tumingin!!" naiilang na sabi ko.


"Hmmm. Why is that?" malambing na sabi niya.

"E-ewan ko sayo. Wag mo ko landiin." sabi ko nalang at iniwas ang tingin. Natawa naman siya dahil sa sinabi ko.


Umupo naman sa harap namin ung tatlo kaya't napaayos ng pwesto si Jezk.

"Oh Jezk, bat di mo pa inuubos yan? Hina mo naman pre. San mig lang yan." mayabang na sabi ni Josh.

"Pre, pass na ako. Ayaw ni Maddison." sabi ni Jezk.


Nanlalaki ang mata nila Troy habang nakatingin sa aming dalawa. Ako rin ay nanalalaki ang mata habang nakatingin kay Jezk.


"Abaa, cheers tayong tatlo!!! May chance na si pareng Maddison!!!"


Binatukan ko naman si William. "Cheers kayo!! Aalis na si William." pangaasar ko nalang. Natawa naman sila.


Nagkwentuhan nalang kami nang nagkwentuhan. Binabalikan namin ang una naming encounter sa isa't isa. Nagtatawanan sila nang bigla akong magsalita.



"William, aalis ka na bukas. Ingat ka don. Pumili ka ng magiging kaibigan mo. Wag kang magpapagutom, lagi mo kaming ivideo call ha. Wag mo kaming ienglishin ha pag bagong uwi ka." sabi ko habang nagluluha ang mata.


"Oo nga pre. Wag mo kami kakalimutan. Pag may chicks nako alam mo na." pabirong sabi ni Josh pero halata mong nalulungkot.


"Wag ka tatawa don ng pangasar ha. Baka mapaaway ka don. Wala kang backup." sabi naman ni Troy.


"N-nakakainis ka William ka. Di mo kasi sabihin samin ng maaga, yan tuloy!! Bwisit kang kababata ka." sabi ko at naiiyak na.

Napansin ko namang hinawakan ni Jezk ang bewang ko at tila pinapakalma ako. Huminga naman ako ng malalim. Napansin ko namang naiiyak na rin lahat maliban kay Jezk na serious face.



"Putcha kayo, mas maiiyak ako pag nakita kong si Jezk ang umiyak!!" pabirong sabi ni William.



At ayon, sinulit na namin ang huling araw kasama si William.






























Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now