Chapter 16

588 23 3
                                    

Maddie's





"So, sinong tumitira rito?" tanong ko kay Jezk habang isa isa niyang binubuksan ang ilaw.


"Wala, but the caretakers are cleaning the house twice a month."


"Ahh." sabi ko nalang.


"Are you hungry?"



"Hindi, nabusog ako kanina." sabi ko dahil nakakahiya, baka magluto pa ito. Inaya naman ako nito sa second floor para papiliin kung saang guest room ako gusto matulog.


"Dito nalang." sabi ko sa una niyang pinakita. Kahit ano naman sakin ay pwede.


"Sige, maiwan na kita. Kumatok ka lang sa unang kwarto kung may kailangan ka." sabi nito, tatalikuran na sana ako pero agad ko itong hinila.


Napatingin naman ito sa akin at napakunot ang noo.


"M-may extrang damit ka ba riyan?" nahihiyang tanong ko.



"Hmm, yeah. Wait kunin ko." sabi nito at umalis na. Naghintay naman ako sa isang tabi.



Pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik ito na may hawak na damit, short at twalya.



"Here. Kumuha rin akong towel incase gusto mo maghalf bath." sabi nito. Nagpasalamat naman ako sakaniya at pumasok na sa kwarto.


Pagkaligo ay sumalampak ako sa kama at nagcellphone. Hindi ako makatulog!!Pagkatapos ng ilang oras ay may narinig akong kumatok, agad naman akong tumayo at binuksan ito.



Nakita ko si Jezk na may hawak na paperbag. Agad niya itong iniabot at umalis agad. Hindi man ako pinagsalita.


Umupo ako sa kama at tiningnan ang laman nito. Agad akong namula. Undies.



Kinabuksan ay naligo ako at agad na bumaba. Nagulat ako nang makita si Jezk na nagluluto.




"You're awake." sabi nito.


"Oo, anong niluluto mo?"



"Egg and bacon." sabi nito at nilagay sa lamesa ang plato. Tumango lang naman ako.



"Let's eat." sabi niya.




Umupo naman ako sa upuan. Tahimik kaming kumaing dalawa. Nakakahiya!!

"So, how are you?" tanong nito.




"Ayon, ayos lang." sabi ko. Tumango lang naman ito.



"Ako? Di mo kakamustahin?" he joked, napatawa naman ako.



"Ikaw? Kamusta kayo ni Jessa?" tanong ko rito.



"Malay ko do'n. Ako lang kako kamustahin mo." supladong sabi niya.



"Bakit? Wala na kayong connections?"



"Wala."


"Bakit?"


"Bakit? Kailangan ba meron?"



"Oo! Mag ex kayo."



"San mo naman nalaman ang balitang yan?" his brows furrowed.



Agad naman akong napatahimik. So, hindi sila? Hindi 'ko alam pero para akong nabunutan ng tinik sa dibdib.



"So ano? Doc Jezk na ba dapat itawag ko sayo?" I joked and changed the topic. I heard him chuckled.



"Depends on you." he winked.

Napaiwas naman ako ng tingin, "Okay."


"But you know what?"

"What?"

"I prefer 'baby'."



-----



"Miss Salvador are you alright?" tanong ng secretary ko.


Napasinghap naman ako at napatingin sakaniya. "O-oo." sabi ko nalang.


Iniisip ko pa rin ang nangyari sa bahay nila Jezk.Nakakahiya, natameme ako nang sabihin niya na prefer niya na itawag ko sakaniya ay baby. Anak ng!!

Binabad ko ang sarili ko sa trabaho para maiwasan maalala ang nangyari kanina ngunit di ito mawala sa isip ko. Jezk bat mo ba ko ginaganto?


Pagkarating sa condo ay agad nagbihis at kumain para makatulog pero gising pa rin ang diwa ko. Napag pasyahan ko nalang tuloy magcellphone.


Nanlaki ang mata ko nang makita ang notification na "jezklimuel followed you" sa instagram!! Shocks.


Agad kong inistalk ang account nya. Agad akong namangha sa mga pictures niya, para siyang model. May picture rin na nakasuot siya ng white lab gown. Sa kakastalk ko ay aksidente kong napindot ang picture niya last last year!!


Bigla akong nagpanic. Tanggalin ko ba? Ang alam ko ay kahit tanggalin ay magnonotify sakaniya. Shemay!! Anong gagawin ko?


Napagdesisyunan kong patayin ang cellphone at binuksan ang tv. Grabe, kung ano ano ang nangyayari ngayong araw.



Napatingin naman ako sa phone ko nang itong magvibrate. Dali-dali ko naman tong binuksan.




jezklimuel: follow back first before stalking baby ;)

Winter Love (Season Series #2)Место, где живут истории. Откройте их для себя