Chapter 12

547 22 0
                                    


Maddie's pov




Pagkauwi sa bahay ay mangiyak ngiyak ako, ang hirap tanggapin. Nang makita 'kong nakaupo sa sofa sila mommy ay agad kong pinunasan ang mata ko at nginitian sila.


"Oh anak, andiyan ka na pala."

"Mano po." sabi ko bago ngumiti at nagmano sakanila.



"Kamusta?" tanong ni daddy habang nakangiti. Tumabi naman ako sakanila sa pagupo at ngumiti lang din,



"Ayos lang po."



"That's good." sabi ni mom sabay ngiti, I noticed that he glanced a little to dad before looking at me again, "Anak, we have to tell you something."


Agad namang dumapo sa akin ang kaba bago sumagot, "Ano po iyon?"



"Anak, after your graduation. Didiretso tayo sa manila."



"Po? Bakit po?" gulat na tanong ko.



"Anak, doon ka na magaaral ng college. At ang kompanya ay may malaking problemang kinakaharap ngayon. Me and your mom needs to stay there for a long time."



"Bat pati po ako? Di po ba pwedeng dito muna ako?"


"No, anak. Isasangla natin itong bahay. Babawiin nalang natin kapag naging okay na ang takbo ng kompanya."

Ako naman ay nakatingin lang sakanila at hindi nagsisink in ang lahat sa akin. I noticed their worried look at me.


"Anak, it's alright. May bahay tayo sa Manila and may condo ka na doon. Hinanda na namin ng mommy mo noon pa and soon anak, ikaw na ang magpapatakbo ng kumpanya. Kailangan na sa magandang university ka pumasok." sabi ni Mommy.


----


Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto buong araw dahil sa lungkot. I can't believe na aalis na ako sa bayan na kinalakihan ko. Yung mga naging kaibigan ko, iiwan ko na rin.


Nang magsawa na akong magmukmok ay napansin kong hapon na. Napagdesisyunan kong lumabas at magpunta sa park ng subdivision. Habang papunta sa may swing ay napanguso ako nang may makitang nakaupo ro'n. Bumilis naman ang tibok ng puso 'ko nang makilala kung sino 'yon kahit nakatalikod.



Medyo lumapit pa ako upang marinig ang usapan nila. There is something in me that wants to hear their conversations.


"Jezk, do you like Maddison?"


Bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ang tanong ni Jessa kay Jezk. Huminga muna ako nang malalim bago tuluyang lumapit para mas marinig ang usapan nila,



"No. I don't like her."

Napatulala at unti unti 'kong nilayo ang sarili 'ko sa kanila. Hinanda ko na naman ang sarili 'ko kapag nangyari na ito, pero iba pa rin pala kapag mismo mo nang marinig mula sa taong gusto mo.



Alam ko namang si Jessa ang gusto niya. Bakit pa ako umaasa? Bakit siya gumagawa ng motibo kung hindi niya ako gusto?


Narealize ko na, all this time. Nagmumukha lang akong tanga. All this time, pinipilit ko ang sarili ko sa taong hindi ako gusto. All this time, binababa ko ang sarili ko para sakaniya.


That should be me!! Mas nauna niya akong nakilala. Lahat ba ng ginagawa niya sa akin at ginagawa din niya sa ibang babae? Oo nga pala. May pake siya, nagaalala siya at malambing siya kasi kapatid ang turing niya sa akin. Ako naman itong si tanga nagassume!! Lecheng buhay to.


Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now