Chapter 10

559 17 0
                                    


Maddie's


Nakatingin ako sa bintana habang umaandar ang kotse. Nasa sasakyan kami ngayon ni Troy at kumakain ng french fries habang nagkkwentuhan. We are having a road trip without Jezk.


"Sayang naman, di makakasama si Jezk." sabi ni Troy.


"Oo nga, bakit nga pala di siya makakasama? Nakalimutan nating itanong."

"Nako, Maddie, baka may babae na yung boyfriend mo." pangaasar ni Troy.

"Di ko siya boyfriend."

"Ouch, tinatanggi mo si Jezk?" sabi ni Josh na para bang nasasaktan.

"Baliw, di naman nanliligaw."

"Awit, edi mutual understanding kayo haha!" pabaklang sabi ni Troy.


"Ewan ko sainyo, tawagan 'ko nga." sabi ko nalang.




Dinial ko naman ang number ni Jezk. Napangiti naman ako nang magring ito.


"He--"



[Hello, sino 'to?]



Napatigil ako nang marinig ang boses babae sa cellphone. Agad ko itong inend call dahil sa gulat.




"Oh Maddie, bat napahinto ka?"


"A-ano kase, cannot be reach!!" sabi ko nalang. Nagkibit balikat naman sila at tumahimik nalang ako.


Kinabukasan ay nadatnan ko sina Troy at Josh na naghihintay sa lamesa. Nang makita nila ako ay napangiti sila sa'kin.



"Oh Maddie, nandyan ka na pala."



Ngumiti naman ako sakanila bago nalakunot ang noo, "Nasaan si Jezk?"

"Ay 'di daw makakasabay." Josh shrugged.


Napakunot nalang ang noo ko sa nalaman at nagtaka. "Bakit daw?" curious 'kong tanong.


"May pair project daw." sabi naman ni Troy sakin.


Nagkibit balikat nalang ako at di ko nalang ito pinansin. Agad kaming pumila para bumili ng pagkain. Habang nagkukwentuhan ay nahagip ng mata 'ko ang master siomai stall. I saw Jezk there and he's......with a girl.



"Bat Napatulala ka Maddie?" sabi ni Josh at tiningnan kung saan ako nakatingin.

"Uh oh." sabi pa ni Troy nang mapatingin din.


"Ganda naman non." mapaklang sabi 'ko bago pinagpatuloy ang pagkain.


"Huwag ka mag-alala mas maganda ka ron Maddie, ikaw bata namen."

-----

Natapos ang ilang araw na hindi siya laging sumasabay. Naiirita na ako. Madalang ko na rin siya makasama. Napagdesisyunan kong magcr dahil ihing ihi na ako. Pagka ihi ay naghugas agad ako ng kamay at nagayos na muna ako ng sarili.


Nahagilap naman ng mata ko yung babae na kasama ni Jezk nung nakaraan. May kasama pa siyang isang babae.


"Omg Jessa, napapansin kong lagi kayong magkasama ni Jezk ha."

"Syempre, nililigawan na ako ni Jezk eh!!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang usapan nila. Aalis na sana ako nang biglang magsalita yung Jessa.


"Hey, diba ikaw yung bestfriend ni Jezk? Wag ka magtatampo sakaniya ha. Nakukwento niya sa akin na baka magtampo kayo na di siya nakakasama sainyo. Payag na naman sila Troy. Kasi gets naman nila na he needs time for me. Sana okay lang din sayo." maarteng sabi niya.


Winter Love (Season Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon