Chapter 22

584 21 0
                                    


Maddie's




It's been weeks since Jezk receive my precious yes. He never failed to make me feel happy. Araw araw ay pinaparamdam niya sa akin na kahit sinagot 'ko na siya ay liligawan pa rin niya ako. Kaya ngayon, ay napagdesisyunan 'ko nang ipakilala si Jezk sa magulang 'ko bilang boyfriend.



"Kinakabahan ka?"



"Medyo." sabi nito. Natawa naman ako.


"Bakit ka kakabahan? Eh mas favorite ka nga non sakin."


"Aagawan kita. Ako na ang anak."


"Tsk, mangaagaw ang boyfriend ko!! Hmp!!" kunwaring tampo ko. Natawa naman ito.


"Atleast love ka."



Napahagikgik naman ako. Alam na alam talaga ni Jezk kung paano ako pakiligin.


Pagkarating sa bahay ay nakita kong huminga si Jezk ng malalim. Natawa tuloy ako. Hinawakan ko ito sa kamay, napangiti naman siya sa akin at hinalikan ako sa noo.


Kumatok ako sa bahay at agad kaming pinagbuksan ng kasambahay.


"Anaaakkk!!" sigaw ni mommy habang palabas ng bahay. Agad naman siyang napatigil nang makita si Jezk na may dalang cake at sa kamay naming magkahawak.


"Oh my gosh!!! Patricio!!!!!!" sigaw ni mommy at tinawag si daddy.


"Oh anong nangyayari riyan?" tanong ni daddy habang palabas. Nanlaki bigla ang mata nang makita kaming dalawa ni Jezk.



"Miranda!! Ihanda ang simbahan!!!" agad na sabi ni daddy. Natawa naman kaming lahat.



"Mabuti naman at sinagot mo na si Jezk." sabi ni Mom sakin habang kumakain ng tanghalian.


"Nako, pakipot kasi iyang si Maddie hon."


"Maaa paaaa." saway ko sakanila. Natawa naman sila.


"Okay lang po yon, Maddison is cute everytime she is being pakipot." hirit ni Jezk.


Nakita ko namang hinampas ni mom si dad dahil sa kilig. "Omg, they are like us when we are younger." kinikilig na sabi ni mom.


Napailing naman ako at napapangiti. Ang cute nila mommy.


"Alam ko na kung kanino ka nagmana." natatawang sabi ni Jezk habang hinahatid ko siya palabas.


"Siyempre kanino pa ba?"


"Edi kay mommy." sabi nito.


"Aw nakikimommy." pangaasar ko pero di ito napikon. Napasimangot naman ako.


"Ingat sa daan, wag magtetext." pagpapaalala ko. Agad naman itong nagpaalam sa akin. "See you tomorrow, I love you." sabi nito.





"I love you too."



---



Jezk and I are in my condo. Tinuturuan ko siya ngayon kung paano magbake. Siya naman ay halatang interesado at nakikinig sa tinuturo ko. Napatawa tuloy ako.




"Naalala ko tuloy yung pagbigay mo kay William ng mga binibigay ko sa'yong cookies!" nagtatampong topic ko rito.




"Sorry na, I just don't want to make you kilig that time, you look creepy." sabi nito. Inirapan ko naman ito.



Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now