Chapter 3

640 22 0
                                    


Maddie's pov

Nakatingin ako sa sahig habang naglalakad ngayon pabalik sa room para kunin ang bag ko, uwian na kasi. Nagpasuyo lang ang adviser ko na tulungan siya kanina sa pagdadala ng libro kaya't napatagal ako. Napakunot naman ang noo 'ko nang marinig ang ingay mula sa classroom, uwian na diba?


"Yabang ka lang pala!!"


Dali-dali akong pumasok sa loob mg classroom dahil lalong lumakas ang ingay na narinig 'ko. Nanlaki naman ang mata ko nang makita sina William at Jezk at kaharap nila ang limang lalaki at isa na doon si Jerome. Nakapalibot naman ang mga kaklase namin sakanila.


Are they out of their mind?!?  Grade 5 palang kami!!! Magbubugbugan ba sila?!


Nakita kong hindi ubra sina William at Jezk dahil lima ang kalaban nila!!!


"Ganon ka na ba kahina para magtawag ng kakampi mo? Di mo kaya magisa? Kawawa ka naman."  sabi ni William.


Grabe!! Nangaasar pa! Hindi nila kaya ang limang yan. Nababaliw na ba sila?


"Ah ganon, sige. Mas lalo naming paparamdam sainyo ang sakit mula sa limang lalaki." sabi ni Jerome sabay sugod kay William.


"Ops!"


Napalingon naman kaming lahat sa nagsalita. It's Troy, kasama nito si Josh. They are smirking while looking at Jerome.


"Baka naman pwedeng sumali?" sabat ni Josh habang nag-uunat at nakatingin siya ng mariin kay Jerome.


"Oo nga, may atraso pa iyang si Jerome sa akin. Kanina pa ako binabahingan." pangasar naman na sabi ni Troy kay Jerome. Lalo naman namula si inis si Jerome.


"Oh ano pa hinihintay natin?" nakangiting sabi ni William. Nanlaki ang mata 'ko nang sumugod bigla ang lima.



Grabe tong mga grade 5 na to.

------


At dahil sa gulo na ginawa nila ay nasa office silang lahat ngayon. Ako naman ay naghihintay dito sa labas ng office. Pasaway talaga yung Jerome na yon! Malilintikan siya sa akin paglabas niya.


Pagkatapos niya akong bahingan, mga kaibigan ko naman ang bubwisitin niya! Humanda talaga iyan sa akin. Napalingon naman ako sa pintuan nang makita kon silang palabas na. Naunang lumabas ang mga villains bago ang mga bida.


Sinamaan kong tingin si Jerome. Ngumisi lang ito sakin.


"Chill, baka may tumulo." sabi ko nang mahina. Namula naman siya sa inis dahil narinig niya. Pagkaalis naman niya ay natawa ako.

"Saya mo naman" sabi ni William na palabas ng principal's office.


Sinamaan ko siya ng tingin. Nakita kong palabas din sina Troy, Jezk at Josh. Troy and Josh are laughing while Jezk is casually walking while his hands are on his pocket. Nang makita sila ay sinamaan ko rin sila ng tingin kaya't napahinto sila.



"Lahat kayo, pumunta rito!!" sabi ko gamit ang galit at nanguutos na tono habang nakaturo sa isang side. Napansin kong medyo nagpanic sila at sumunod agad sa akin. Si Jezk naman ay chill lang na naglakad sa tinuro ko.


"Sinong nagsabing makipagbugbugan kayo?!" sabi ko sakanila.


"Sagot!!!" sabi ko nang mapansing walang sumasagot sakanila.


"Eh kasi--"


"Aba sumasagot ka na William ha!"


"Tsk! Tumulong na nga tayo, masesermunan pa ata." rinig kong bulong ni Troy may Josh.

Sinamaan ko ito ng tingin at natahimik siya bigla at natakot.  Grabe, kahit bata pa kasi ako sinabihan ako ni mommy na ang intimidating ko daw pag nakasimangot at galit. Kaya lagi akong nakasmile eh.

Tinitigan ko ang tatlo ng maigi. Grabe, pawisan na talaga sila. Mukha silang natatae. Di ko na napigilan at....


"HAHAHAHAHAHHAH" tawa ko. Binigyan naman nila ako ng weird look. Di ko ito pinansin at pinagpatuloy ang pagtatawa.


"Grabe, mukha kayong HAHHAHAHAHAHAHAH"



"Weird." sabi ni Jezk. Natauhan naman ako bigla sa sinabi niya at pinilit na tumigil na sa pagtawa.



"Very good kayo!!! Joke joke lang yung kanina ah. Buti sinapak niyo si Jerome hihi. Thank you nga pala Troy and Josh. Dadalhan ko kayo ng cookies bukas" ngiti ko sakanila. Nakipag fistbumb naman ako sakanila pagtapos.


----


Kinabukasan ay sabay sabay kaming limang nagrecess. Nasarapan silang lahat sa cookies maliban kay Jezk na hindi tumikhim kahit isa. Di bali, may cupcake naman siya eh.

Dahil sa nangyari ay naging kaclose namin sina Troy at Josh. Nakakatuwa dahil may new friends na uli ako.


Si Troy ay mahilig sa arts kaya lagi akong nagpapaturo sakaniya. Tinutulungan naman niya ako basta may kapalit na cookie. Ang sama niya!! Grrr!! Sumbong ko siya kay mommy eh!!


Si Josh naman ay magaling sa pagbabasa. Na-aamaze ako tuwing siya magrerecite. Ang lupet. Natatawa naman siya pag pinupuri ko siya. Ngayon lang daw niya nalaman yon. Tao daw pala siya kala daw niya alien siya eh.


Dahil sa lagi naming pagsasamang lima ay binubully ako ng mga babae. Bata bata ko pa daw ay malandi na ako. Kung makapagsalita sila akala mo di din sila bata.


Yung isa sakanila binuhusan ako ng tubig sa bowl. Grabe inaaway talaga nila ako. Sinumbong ko tuloy sila kay mommy at pinatawag naman sa office ang mga parents non. Tama lang 'yon, they are bullying me.


Pinagtatanggol naman ako lagi nila William kaya't wala nang nagbabalak na ituloy ang pambubully sa'kin. Ang swerte ko lang sa mga 'to.



-----



Nakatingin ako sa libro bago umiwas at tumingin kanila Troy. Nasa library kami ngayong lahat. Kaharap 'ko si Jezk habang katabi sila William. Nang mapatingin kanila William ay natawa ako dahil padrawing drawing lang ito sa papel. Si Troy naman ay seryosong nagbabasa ng Guinness World Record. Si Josh naman ay natutulog. Napailing nalang ako.



Feeling ko tuloy ay si Jezk lang ang pinakamatino sakanila, si Jezk lang ang seryosong nagbabasa ng pangaral na libro ngayon e. Grabe, 1st year highschool na kami ganiyan pa rin sila.


Napatingin naman uli ako kay Jezk. Hindi 'ko namalayan na nakatitig na pala ako rito. Ang tangos talaga ng ilong niya at ang kinis pa ng mukha. Grabe, ano ba skin care neto?


Nagulat naman ako at muntik pang mapatalon nang biglang tumingin si Jezk sa akin, his brows are furrowed.


"Wag ka ngang tumingin." supladong sabi niya at nagfocus na uli sa pagbabasa. Napangiti naman ako, ang pogi niya lalo kapag nakasimangot.


Napaisip ako at napangiti. Alam ko namang alam niya na gusto ko siya. Di pa ba obvious sa mga kilos ko? Vocal din naman ako tungkol sa pagkagusto sakanya, alam na nga rin nung tatlo eh. For sure, alam na niya maliban na nga lang kung manhid siya.




Dito kami madalas tumambay sa library dahil tahimik at malamig. Imbis na magbasa ng libro ay parati nilang inaatupag ang pagtulog kaya't 'di na ako nagtaka ngayon nang lumipas ang ilang minuto at makitang tulog na silang lahat maliban sa amin ni Jezk.


Napatingin ako sakanila at natawa bago ituon ang atensyon kay Jezk, napansin niya sigurong nakatitig nanaman ako sakaniya kaya't tinaasan ako nito ng kilay, "What?" supaldong tanong nito.



"Gwapo mo."

"Tss."

"And I like you...so much." nakangiting sabi ko sakaniya. Nakita ko namang nagulat ito namg marinig ang aking sinabi, he looked at me with his brows furrowed before he stood up and packed his things. Napanguso naman ako nang makitang dire-diretso itong umalis.



Rejected na ba ako?






































Winter Love (Season Series #2)Where stories live. Discover now