Mr. Gangster - 31

2.4K 145 14
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 31

Cyrus' POV
Nasa tapat ako ng bahay ni Ali at lakas-loob ko siyang haharapin ngayon. Lumabas ako ng kotse at kumatok sa gate nila.

At hindi si Ali lumabas sa may gate kundi ang lalaking ito na ewan ko ba kung ano kinalaman niya kay Ali at ba't siya nakikitira kay Ali.

"Anong kailangan mo?" Tanong ng ungas na'to.

"Si Ali sana... nasa'n siya? Pwede ko bang makausap?" Mainahon kong tanong sa kanya.

"Wala si Ali dito. May pinuntahan siya." Sagot naman niya sakin.

"Ah ganon ba? Alam mo ba kung sa'n siya pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Hindi eh. Ba't ba ang dami mong tanong?" Medyo iritableng tanong niya sa'kin.

"Kasi gusto ko siyang makausap at antayin na lang sana siya makauwi." sagot ko naman sa kanya.

"Para sa'n pa? Magpapaliwanag ka kung ba't mo nagawa siyang saktan? Kung kelan napakatagal na kung kelan nangyari yung dapat hindi mangyari?" sumbat naman niya sakin.

"Bakit ka ba nangingielam? At tsaka wala ka nang pake kung ano ang pag-uusapan namin ni Ali. Baka nga katulong ka lang ni Ali jan eh tas pakielamero ka." pang-aasar ko sa kanya.

"Sa gwapo kong 'to? Katulong? Jan ka nagkakamali boy. Baka nga maagaw ko pa yung 'EX' mo eh lalo na't magkasama na kami sa iisang bahay." At di ako natuwa sa mga sinabi niya at akmang susugurin ko sana 'tong kumag na'to pero...

"Cyrus! Konnor!" Pumagitna si Ali sa'min at halata ang inis niya sa nangyari sa'min ng kumag .

"Ano ba problema niyo?!?!" tanong niya sa'min.

"Ito kasi eh! Inaantay lang naman kita dahil gusto kitang makausap..." natahimik kaming tatlo saglit.

"Sige na... pasok ka muna dun..." pumasok si Kumag sa loob at naiwan kaming dalawa ni Ali sa labas ng bahay niya.

"Anong pag-uusapan natin, Mr. De Leon?" pormal na tanong niya sa'kin.

"Ali... hayaan mo sana akong magpaliwanag..." malungkot na saad ko sa kanya.

"Explain? Explain saan?" pagtataka niya.

"Ali... wag ka namang ganyan. Alam kong nasaktan kita. Pero di ko sinasadya yun..." sagot ko sa kanya.

"May gano'n pala? Hindi sinasadyang saktan. Ang galing? Kaya pala tinext mo ko nung gabing 'yon na nasa taas ka ng kwarto at pagkabukas ko ng kwarto, nasa kama ka na ni Valerie?" Ano? Text? Anong pinagsasabi niya.

"Text? What do you mean—" at pinutol niya ang sasabihin ko sa kanya.

"Ay hindi mo matandaan? Sayang naman. Dinilete ko na kasi conversation natin sa inbox ko eh kaya wala na 'kong ebidensya. Sayang naman! At tsaka lasing ka nga pala no'ng oras na 'yun kaya HINDI mo matandaan." sarkastikong saad niya sakin.

"Ali ganyan ka na ba talaga? Hindi mo 'ko hahayaang mag-explain?" Tanong ko sa kanya.

"Bakit Cyrus? Nung bago pa lang itong issue na 'to nag-explain ka ba sakin?! HINDI!!! ang nakuha kong mga salita sayo eh ang pagpapakilala mo sa girlfriend mo! Tapos ngayon, kung kelan nagmo-move on na ko at kinakalimutan ka, tsaka ka mag-eexplain?! Parang ang daya naman, Cyrus!?" Pagpapaliwanag niya sa'kin nang galit na galit.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now