Mr. Gangster - 24

2.2K 144 18
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 24

Cyrus' POV
Nandito kami sa may waiting area at nagaantay na ng call para pumasok sa bus. Finally at uwian na! Ilang araw ako nagtiis na di makita si Mahal.

Kasi simula nung tumawag ako sa kanya nung Friday, hindi na siya nagparamdam sa'kin hanggang ngayon. Nalungkot ako ng onti.

"Pre! Tara na!" kinuha ko na ang bag ko at umakyat na kami sa bus. Tumabi ako kay Darrel at pumwesto kaming magtotropa sa likod.

Umandar na ang bus at sinabi ng prof namin na asahan daw namin na madaling araw na kami makarating sa Campus dahil traffic daw ngayong araw pa Manila.

Habang nasa byahe, kinausap ko si Darrell tungkol sa pinsan niya.

"Pre?" pagtawag ko sa kanya.

"Bakit?" tanong niya.

"Try mo ngang i-text si Ali." pumayag siya at inantay ko ang kanyang mensahe.

Habang nag-aantay kami ng mensahe ni Mahal, nag Facebook muna kami. at habang nags-scroll ako, nakita ko ang post ni Valerie sa Facebook na shinare ni Darrel.

Nagpalit siya ng cover photo at ang caption ay "One of the boys💓" Picture naming Street Profits kasama siya. Nagrequest siya kanina eh. Di nga ko pumayag sa totoo lang pero pinilit nila ako.

at napansin ko na hineart ito ni Mahal. Hindi ko alam kung bakit sa isang heart lang ni Mahal sa picture na yan, para ba 'kong kinabahan.

"Pre? Nakita mo na yung picture na'tin kah Val?" tanong ni Darrel.

"Oo. Badtrip nga eh. Feel na feel niya ang pagiging OOTB." sagot ko sa kanya.

"Haha! Napakasama naman nito." sabi niya sakin.

"Ay nga pala pre... Diba kinausap ka niya nung unang gabi na'tin sabi mo? Di mo na kinwento ulit sa'min. Kwento mo na." Oo nga pala. Maski yun nawala sa isip ko.

Nabadtrip kasi ako sa ugali niya eh. Napakadumi ng ugali. Kaya pikon na pikon ako sa kanya.

Flashback...

Pagkababa ko ng tawag kay Mahal, hinarap ko si Valerie ng galit. "Ano bang problema mo?"

"Cyrus? Hindi mo ba ako bibigyan ng chance ulit?" malungkot na tanong niya sa'kin.

"Anong chance ang pinagsasabi mo!? Di naman naging tayo ha?!" kontra ko sa kanya.

"Hindi man naging tayo pero we had a mutual understanding, right?! Niligawan mo ko-" at pinutol ko ang sasabihin niya.

"Pero nireject mo'ko diba? Dahil mas pinili mo yung RJ na yan. Pero ano?! Ikaw ngayon ang naghahabol sa'kin ngayon." saad ko sa kanya kaya nalungkot ito.

"I desrve a second chance-" -Valerie

"Deserve mo pero hindi sa'kin! At tsaka pwede ba? Stay away from me?! Baka magalit pa si Mahal..." at nabigla siya sa huling salita ko.

Mr. Gangster (BxB)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant