Mr. Gangster - 20

2.9K 166 9
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 20

Cyrus' POV
Nasa labas na kami ni Ali ng bahay nila Kuya Reign at kasama namin ang mga kaibigan nila Kuya Reign at Kuya Mikko.

"Ali, Cyrus, Salamat sa pagpunta niyo ha? Tulog na si Baby Mella sa taas eh. Pagod. Mag ingat kayo ha? May pasok na kayo bukas." saad ni Kuya Reign sa'min.

"Cyrus?Yung bilin namin ha? Haha" ang paalala sa'kin ni Kuya Mikko at ng mga tropa niya.

"Ano nanaman binilin mo? Kalokohan nanaman yan?" tanong ni Kuya Reign sa mga tropa ni Kuya Mikko.

Ano nga ba ang sinabi nila Kuya Mikko sa'kin kanina...

Flashback...
Nasa rooftop kami ng mga tropa ni Kuya Mikko at nagkaron lang ng inuman onti at kainan na rin dito. At napagusapan namin ang mga lovelife namin.

Kay Kuya Arceo ay kasal na pala ito at may isang anak na sila. Nakwento rin ni Kuya Arceo na nagalit pala si Kuya Reign nung una nang malaman ni Kuya Reign na may girlfriend na si Kuya Arceo.

Habang si Kuya Louise naman ay ikakasal pa lang pero di pa alam ang date kung kelan kasi busy pa daw silang dalawa ni Ate Rose.

At maya-maya, ay natanong na'ko ni Kuya Mikko.

"Ikaw ba? Musta lovelife mo?" tanong ni Kuya Mikko.

"Wala pa po akong lovelife sa ngayon..." sagot ko sa kanya.

"Hindi ka pa ba sinasagot ni Ali?" at nanlaki ang mata ko sa tanong ni Kuya Louie.

"Baliw ka talaga Louie! Baka di pa nakakaamin" at tumawa silang lahat at nakisabay na lang ako.

"Magsitigil nga kayo. Ang tanong muna, gusto mo ba si Ali?" tinignan ko sila bago ko sagutin ang tanong ni Kuya Mikko.

"Wala namang masama po diba kung magkagusto ako kay... Ali?" At natahimik sila saglit.

Umayos ng upo si Kuya Arceo at tsaka nagsalita tungkol sa sinabi ko.

"Wala naman talagang masama dun. Nagmamahal ka lang naman eh. At tsaka yung kapatid ko nga eh, si Reign? bata pa lang, tanggap ko na yan. At tsaka yung boyfriend niya, tinanggap ko din." sagot ni Kuya Arceo sa'kin.

"May boyfriend po si Kuya Reign???" tanong ko kay Kuya Arceo.

Nagulat ako na may boyfriend pala si Kuya Reign. Sa bagay, di naman ako magtataka dun. Gandang-lalaki ni Kuya Reign eh.

"Oo. Si Mikko." At nagtawanan ang lahat pati si Kuya Arceo.

"Boyfriend ka po ni Kuya Reign?" takang tanong ko kay Kuya Mikko.

Natawa muna siya bago sagutin ang tanong ko.

"Wag ka jan maniwala kay Allen. Mapagbiro yan." sagot sakin ni Kuya Mikko.

"Kung di niya nireject si Reign no'ng kabataan namin, edi sana sila ngayon..." mapang-asar na sagot ni Kuya Louise kay Kuya Mikko pero si Kuya Mikko ay natahimik.

Mr. Gangster (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon