Mr. Gangster - 23

2.4K 143 9
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 23

Ali's POV
Sinamahan namin nila Bella at Raiza sila Cyrus dito sa court ng Campus at inaantay makaalis. Malungkot kaming tatlo dahil wala ang mga Gangsters para samahan kami ng ilang araw.

"Hoy! Mag-ingat kayo dun ha? Baka tatanga-tanga kayo sumisid at malunod kayo." pang-aasar ni Bella sa mga lalaki.

"Ikaw ang mag-ingat. Baka pagkakita nila sayo sa hallway, sumakit ang mata nila sa kapangitan mo." at natawa kaming lahat sa banat ni Mark kay Bella kaya napikon si Bella.

At habang tumatawa ako, bigla akong inakbayan ni Cyrus at nakangiti.

"Ano nanamang trip mo?" tanong ko sa kanya.

"Wala. Ito naman. Susulitin ko lang naman yung oras ko bago umalis eh. Ilang araw ko di makikita ang mahal ko." paglambing niya sakin habang nakapatong ang ulo niya sa ulo ko.

"Daming dama ha?! At tsaka pakialis ang ulo mo sa ulo ko. Porket maliit ako ginagawa mo kong headrest." pag-angal ko naman sa kanya.

At habang nag-aasaran kaming dalawa, may lumapit na isang lalaki at babae sa'min kaya napaayos siya ng pwesto.

"Uhm, Cyrus? Here's your activity shirt. Sabi ni sir kanina, susuotin daw t—" hindi pinatapos ni Cyrus magsalita ang babae at sumagot agad ito.

"Oo alam ko na." Ngumiti lang ang babae at umalis na silang dalawa.

Bumabalik nanaman ang pagiging cold ni Cyrus. Ayan ang ayoko eh. Kaya binatukan ko ito.

"Aray ko naman mahal!?" pagreklamo niya sakin.

"Ansama mo naman sa dalawa?! Inabot lang ang t-shirt sa'yo at pinaliwanag lang eh." pagsermon ko sa kanya.

"Sorry na, Mahal..." paghingi ng tawad niya sa'kin.

Magsasalita pa sana ako kaso may lumapit sa'min na pamilyar na babae. Parang nakita ko lang siya ngayong linggo eh...

"Hi guys!" nainis agad ako sa tono ng pananalita niya. Para bang tonong kaplastikan.

"Cyrus? Tinatawag na tayo du'n! Aalis na yung Bus. Let's go!" pagkasabi niya kila Cyrus, agad niyang hinawakan ang kamay ni Cyrus.

At nagulat ako siyempre. Nakita ni Cyrus ang reaction ko at inalis niya ang kamay niya sa kamay nung babae.

Ngumiti lang ang babae at nauna nang umalis. Nagpaalam na sila Insan sa'min  at nauna nang naglakad.

"Mahal?" pagtawag niya sa'kin ng mainahon.

tinaasan ko lamg siya ng kilay at alam na niya ibig sabihin nun.

"Ingat ka ha? Wag kang mag-alala, wala lang yun." hinalikan niya ko sa noo pagkasabi niya nun.

"Ingat ka palagi ha? See you on Tuesday." naglakad na siya papalayo sa'min at lumapit naman sa'kin sila Bella at Raiza.

"Teh? Okay ka lang ba?" tanong sa'kin ni Raiza.

"Naalala ko na kung sa'n ko nakita ang babaeng 'yun." pagsabi ko sa sarili ko.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now