Mr. Gangster - 4

4.7K 237 5
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 4

Ali's POV
Ilang linggo makalipas ang nangyari sa'kin, naging tahimik ang buhay ko. Ayy— Di pala.
Oo, tumahimik na buhay ko dahil ilang linggo na rin di nagpaparamdam ang mga Gangster.

Pero kapalit nun, ay yung apat na kutonglupa na gumulo sa akin nung unang araw, ay pinagiinitan pa rin ako. Si Raiza at Bella? Nakakasama ko pa sila. Katabi ko sila ngayon sa upuan at inaantay ang prof namin para sa last subject.
At wala pang minuto, pumasok na agad ang prof namin at nagsimula na ang discussion.

Matapos ang discussion ng prof namin, kinuha niya ang mga dala niyang papel at ipinakita sa'min ito.

"Okay, Class. Listen Up! Here's the result of your last activity. And only 2 students who got a perfect score." -Prof

At bago i-announce ng prof namin ang score, nagsalita nanaman ang kutonglupa na si Jeff.

"We all know kung sino na yang dalawang perfect na yan." -Jeff

"Oo nga! Tiyak na napakagaling talaga nila. Diba Joan at Princess?" -Sean

"Congratulations, Mr. Ali and Ms. Raiza!" AWOW! Kami pa ang nakaperfect ni Raiza. Tumili si Bella at insar ang apat na magkakaibigan.

Kinuha na namin ang papel namin at sunod-sunod nang tinawag ang mga kaklase namin. Hangga't sa huling natawag ay...

"Princess, Joan, Jeff, at Sean. Kayo ang Big 4!" -Prof

Kita ko sa mukha nila ang lungkot at hiya. Pero itong Sean na ito mukhang masaya pa. Ewan ko ba kung bakit.

"Bat ka masaya!? Bagsak na nga tayong apat eh!" -Princess

"Baliw! Big 4 daw! Tayo yung mga highest! diba sa PBB? Big 4 nila mga natira't matibay?" -Sean

Ay tanga pala nitong lalaking to! HAHAHAHA kinuha na nilang apat ang papel at tapos na ang klase namin kaya nagsilabasan na kaming lahat.

Inaaya ako ni Raiza sa bahay nila kasama si Bella kaso tinanggihan ko muna dahil birthday ng kababata ko. Baka magtampo kung di ako pumunta.

Nauna na silang lumabas ng campus habang ako ay inaantay ko si Glaze at Jam matapos ang klase nila. 5:00 PM kasi end ng class nila at 4:30 pa lang ngayon.

Kaya nagpasya akong pumunta sa may fountain ng school namin at dun na lang tumambay. Tapat kasi ng outdoor court yun kaya manonood na lang din ako ng Basketball dun.

Nang makarating na ko sa fountain, naupo muna ako dun at dito ako magpapalipas oras. At may naglalaro ng Basketball sa court ngayon. Ay teka! Kilala ko yung mga naglalaro.

Nakita ko si Cyrus naglalaro kasama sila Darell at iba pang tropa. Pinapanood ko lang sila at nakita ko kung gaano kagaling maglaro si Cyrus. Halatang batak na batak siya.

Biruin mo yun? Matalino na si Cyrus, Sporty pa, May itsura. Pero kinulang lang sa ugali. Di maganda ugali sa totoo lang. Pero kung gumanda ugali nito, type ko na siya.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now