Mr. Gangster - 25

2.3K 136 15
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 25

Ali's POV
Kakatapos lang ng klase ko at hindi ko kasama sila Raiza at Bella ngayon. Si Raiza ay may meeting sa club niya habang si Bella ay absent ngayong araw.

Nandito ako sa may CR ngayon. Pero naudlot ang pagC-CR ko dahil may tatlong lalaki na nakaabang sa mismong pintuan.

Aktong aalis na sana ako nang biglang "Hoy!"

Napalingon ako sa kanilang tatlo at lumapit naman sila sa'kin. "Ikaw ba si Ali?"

"Anong kailangan niyo?" tanong ko sa kanila.

"Ikaw ba yung bayaran ni Cyrus ngayon?" at nainis ako sa narinig ko mula sa isang lalaki.

"Sagutin mo tanong namin?! Parang di ka namin kinakausap ha?" sabat naman ng isang lalaki sa likod.

"Hindi totoo yan..." gigil na sagot ko sa kanila.

Natawa silang tatlo at tsaka nagsalita ang nasa harap na lalaki "Siguro nagde-deny lang yan pero bayarin yan ni Cyrus. Baka gusto niya lang si Cyrus makagalaw sa kanya—" hindi na'ko nagdalawang isip na sapakin yung lalaki.

Bumagsak yung lalaki sa gitna at ang dalawa naman ay sumugod sa'kin at hinawakan ako.

Unti-unting bumangom yung sinapak ko at nakita ko ay pumutok yung labi niya kaya galit na galit ito.

"Marunong ka palang lumaban bakla ka!" lumapit sa'kin ang lalaki at gumanti ng sapak sa'kin yung lalaki.

Naluluha na ko sa sakit at galit ko sa mga putanginang mga 'to. Pag nalaman ko lang kung sino nag-utos nito, ipaparanas ko sa kanya yung ginawa niya sakin.

"Gusto mo pa ng isa!?" at sinapak ako muli nito pero sa tiyan ko na ito tumama.

Habang nagtatawanan ang tatlo nagulat sila nang may sumigaw sa likod naming tatlo "HOY!?"

Agad nila akong binitawan at iniwan sa sahig. Lumapit sakin yung dalawang lalaking tumulong sa'kin.

"J..Jeff?? S..Sean?? utal utal kong tanong dahil hindi ko kaya ang sakit na nararamdaman ko.

"Ali?! Anong nangyari sayo!? Jeff!? Hanapin mo sila Cyrus!?" tumakbo agad si Jeff at si Sean naman ay tinutulungan ako.

Cyrus' POV
Nasa may Cafeteria kami at ginagawa ang papers namin. Kagrupo ko si Darell, Jasper, at ang Valerie na'to.

Kanina pa 'ko naiirita dito eh. Napakaharot! Mema-tanong na lang siya para sa kanya yung atensyon namin eh.

Sila Mark, Elmer, Jasper, at Charles naman ang magkakagrupo sa paper kaya ginagawa na rin nila dito.

"Cyrus? Tama ba 'tong ginagawa ko?" at epal nanaman ang Valerie na'to. Nakailang paliwanaga na 'ko tas di niya pa rin alam kung tama ginagawa niya?!

"Hoy Valerie! Bobo ka na! Nakailang ulit na sa pag-explain si Cyrus di mo pa rin gets?! Kami nga tong bobo nakailang rinig na sa paliwanag nagets na namin eh. Ikaw hindi pa?!" nainis si Valerie sa sinabi sa kanya ni Jasper kaya napairap na lang siya.

Tinitignan ko ang phone ko ngayon dahil inaantay ko ang message sa'kin ni Mahal kung nakauwi na ba siya or tapos na ang klase niya.

"CYRUUUS!" nagulat kami nang may sumigaw ng pangalan ko sa Cafeteria. Nilingon namin kung sino yun at si Sean ito. Yung kaklase ni Mahal 'to ha?!

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now