Mr. Gangster - 18

2.9K 162 7
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 18

Ali's POV
This is it! Roadtrip na namin ngayong araw at halata namang di ako excited noh? maraming dalang pagkain, jacket, at bag. Sinama ko si Glaze at Jam para makilala niya rin ng lubusan sila Raiza at Bella.

Inaantay namin sila ngayon sa tapat ng bahay. Van daw ni Jasper ang gagamitin para kasya daw kaming lahat do'n at sama-sama.

Maya-maya lang onti ay dumating na ang Van ni Jasper. Tinulungan ako ni Darell na ipasok ang gamit namin sa Van at tsaka na kami umalis.

Tumabi sila Jam at Glaze kila Raiza at Bella sa likod at nagchi-chikahan na sila do'n. Habang si Charles, Gio, at Mark sa gitna. Tas tumabi ako kay Cyrus at Elmer. Si Jasper naman nagda-drive ng Van tas sa harap si Darell.

Alas-otso pa lang ng umaga at malayo pa ang lalakbayin namin kaya nagpasya muna akong matulog. At tsaka wala rin akong kausap dito.

Glaze Martinez's POV
Gosh! First POV ko'to!! Hindi ko alam nakakatuwa lang! So yun na nga, Nandito kami sa likod ngayon ni Jam kasama ang mga kaklase ni Ali na si Raiza at Bella. Nakakatuwa kasi napakabait nila. Akala ko masungit sila dahil mayaman, at kapatid ni Cyrus De Leon kaya feel ko masungit, pero di pala.

Ang masaklap pa do'n, ayaw niya sa Kuya niya dati dahil sa mapanakit ang Gang nila. Oh diba? Mundo nga naman.

"So ate? Mahirap ba yung mga subject sa 2nd year??" tanong ni Raiza sa'kin.

"Okay lang kung tutuusin. Marami lang pinapagawa." sagot ko sa kanya.

"Ang pinagkaiba lang ngayon, onti lang ang subjects pero maraming gawain. Pag nahirapan kayo sa mga subject niyo, nandito lang kami." habol ni Jam.

At natuwa naman sila sa narinig mula sa'min. Naiba ang usapan na'min at napagusapan namin si Ali at si Cyrus. Sa totoo lang, di ko akalain na magiging close ni Ali 'tong leader ng Gang sa campus.

"Paano ba naman di magiging close eh pinsan niya si Darell diba?" saad ni Jam

"Jusko! Mabuti sana kung ganon-ganon lang kung ba't sila naging kaibigan eh." kontra ni Bella kay Jam.

"Huh? Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanila.

Kinwento ni Raiza sa'min ang pinakasimula ng pagkikita nila Ali at nung Gang. Nagulat ako ng bonggang-bongga dahil araw ng enrollment, kami ang kasama ni Ali.

"Pero buti nga at ayos na sila eh. Pero alam niyo ba? Nung nagsleep-over si Ali at Bella sa'min, nalasing si Kuya no'n..." bitin ni Raiza

"Tapos?" tanong namin ni Jam.

"Tinulungan namin ipasok sa kwarto niya. Tapos, lalabas na sana kami, nang biglang hatakin ni Kuya si Ali sa kama at niyakap at do'n na natulog." At bigla kaming napatili dahil sa kilig.

Tumingin sa'min ang ibang lalaki dahil nairita sa sigaw namin. Lalo na'tong epal na Elmer.

"Hoy! Ang ingay niyo jan! Ang aga-aga!" bulyaw ni Elmer sa'min.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now