Mr. Gangster - 26

2.2K 139 25
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 26

Ali's POV
Naghahanda na 'ko para sa party ni Valerie. Sila Raiza at Bella, sabay na daw pupunta sa location. Habang si Cyrus naman ay susunduin ako.

Medyo hindi kami okay ni Cyrus ngayon dahil sa usapan namin nung isang araw...

Flashback...
Nasa kotse kami ni Cyrus at pauwi na kami galing campus. Napagusapan namin ang 'party' na ginawa ni Valerie.

Umamin siya sa'kin na pinilit lang siya nila Darell at ayaw niya talaga sumama du'n. Nalaman niya rin na pupunta kami kaya sabay daw kami papunta du'n.

At di ko alam kung bakit ko na bring-up sa kanya si Valerie nung oras na 'yun.

"Ex mo pala si Valerie?" biglang tanong ko sa kanya.

Hindi niya ko sinagot kaya nanahimik lang ako. Medyo nainis ako kasi di pa niya sabihin sa'kin na EX niya si Valerie...

At maya-maya...

"Paano mo nalaman..." at nagtanong siya bigla tungkol dun.

"Sa kanya mismo... siya nagsabi sa'kin. Pagpapakilala niya nga sakin "Hi! I'm Valerie... I'm   Cyrus' Ex Boyfriend' at tsaka umalis."

"Hindi ko ex si Valerie..." at nagtaka ako bigla. Hindi ko alam kung sino paniniwalaan ko sa dalawa. Pero siyempre, mas may tiwala ako kay Cyrus.

"Eh bat niya sinabi yun..." tanong ko sa kanya..

"Ewan ko ba dun. And can we please stop talking about her?!" at nagulat ako dahil umaatake nanaman ang magagaliting Cyrus.

Hindi ko siya kinibo hangga't sa makarating ako sa bahay at bumaba nang di nagpapaalam sa kanya.

End of flashback.

Lumabas na'ko ng bahay dahil nasa labas na si Cyrus. Pagkalock ko ng bahay, sumakay ako sa kotse at pinaandar na niya ito.

Habang nasa daan kami, bigla siyang nagsalita ng mainahon.

"Mahal... alam kong galit ka sakin..." huminto ang kotse dahil red light.

"Nainis lang ako dahil pinag-uusapan na'tin si Valerie nu'ng araw na yun eh. Pero hindi ko talaga Ex si Valerie.... Niligawan ko siya, oo. Pero hindi naging kami." paliwanag niya sa'kin.

Kinuha niya ang kamay ko tumingin sa'kin "Ikaw lang. Tandaan mo yan. Ikaw ang una ko. At magiging huli ko..." ngumiti ako sa kanya at tsaka niya ko hinalikan sa noo.

"Sorry din..." ngumiti lang siya sa'kin at pinagpatuloy na ang pagda-drive ng kotse para makarating na sa party.

Alas-sais na ng gabi nang mkarating kami sa party. Nakita namin sila Insan kasama ang mga tropa nila, si Raiza, at si Bella.

Pumasok na kami sa loob para makihalubilo na sa ibang tao at makisaya.

• • •

Mr. Gangster (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon