Mr. Gangster - 30

2.4K 145 9
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 30

Ali's POV
Nasa may tapat ako ng Campus dahil inaantay ko si Konnor at sabay kaming uuwi ngayon. Sila Raiza naman ay nauna nang umuwi dahil sumabay ito kila insan at hindi sa Kuya niya.

Sa totoo lang ako nalulungkot kay Cyrus sa sitwasyon niya ngayon. Hindi ko maiwasan na hindi malungkot dahil yung mga tropa niya na simula bata pa lang, hindi na siya pinapansin..

"HOY!" Nataranta ako sa narinig kong sigaw kaya napalingon ako kahit di ako sigurado na ako yun.

Pagkalingon ko, natatandaan ko ang mga ito. Sila yung tatlong pinagtulungan ako. Pero nagtataka ako ba't iba na ang uniform nila...

"Ano nanaman ba kailangan niyo sakin?" Iritableng tanong ko sa kanila.

"Mukhang kaya mo na ngayon at ganyan ka umasta sa'min ha? Bakit? Kaya mo na ba ha?" At bigla akong dinuro-duro ng nasa gitna at tinulak-tulak.

"Ano? Papalag ka-" at nahinto siya sa pagduro sa'kin nang may humawak sa daliri niya at pinilipit niya ang daliri ito at tinulak sa dalawang kaibigan niya.

"Inaano ka nila, Ali?" Tanong ni Konnor sa'kin.

"Ewan ko ba sa kanila. Matagal na ganyan yang mga yan sakin eh." Sumbong ko kay Konnor.

"Anong problema niyo kay Ali?" Binaba ni Konnor ang bag niya at tinaas ang mga sleeves ng kanyang t-shirt.

"Konnor..." pagpigil ko kay Konnor..

Imbis na pumalag ang tatlo tumalikod at at naglakad ng medyo mabilis hangga't sa makalayo sa'min.

"Salamat Konnor ha? Kung hindi baka nabugbog nanaman ako ng mga yan..." at nagulat si Konnor sa sinabi ko sa kanya.

"Nabugbog ka na ng mga yan?" Gulat na tanong ni Konnor sa'kin.

Tumango lang ako sa kanya at inaya ko na siyang umuwi at ituloy ang usapan namin sa bahay.

• • •

Nang matapos kaming kumain ng hapunan, napagdesisyonan naming tumambay sa tapat ng bahay kung saan may upuan. Yung tambayan ko .

At pinagpatuloy ko na ang usapan namin kanina tungkol sa tatlong lalaki kanina.

"Hindi ko nga alam kung bakit pa rin sila gano'n sakin... wala naman na kami ni Cyrus eh..." pagtataka ko.

"Sino si Cyrus?" Tanong sa'kin ni Konnor.

"Naalala mo yung lalaki na nakausap na'tin sa may harap din ng Campus? Yung kasama na babae si Valerie?" At ilang saglit lang ay naalala niya na rin si Cyrus.

"Ex mo pala yun..." gulat na saad ni Konnor sa'kin.

Tumang lang ako sa kanya at nanahimik kaming dalawa saglit.

"Matanong lang... bakit kayo naghiwalay? Dahil ba sa babaeng kasama niya ngayon?" Tanong sa'kin ni Konnor.

"Hmm... sa totoo lang, hindi talaga kami naghiwalay nang makita ko silang dalawa sa kama magkasama at walang saplot. Pero makalipas ng isang linggo matapos ang pangyayari na 'yun, pinakilala na niya sa'min na Girlfriend niya daw... si Valerie..." at pinipigilan kong maluha dahil ayoko nang umiyak dahil sa hayop na yun.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now