Mr. Gangster - 11

3.6K 194 6
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 11

Ali's POV
Nasa labas kami nina Glaze, Jam, Antonio, at Cyrus. Paalis na kasi si Antonio at may rehearsal pa daw sila.

"Wag kayong mawawala bukas ha? Alas syete ng gabi." -Antonio

"Oo naman noh?" -Glaze

"Sige. Alis na ko. Baka matraffic pa'ko." -Antonio
At narinig kong bumulong si Cyrus pero di namin naintindihan

"Ano yun?" -Ako

"Wala. Ingat ka pre." Tumango lang si Antonio at sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar na niya ito.

"Oh narinig mo yun, Cyrus ha? Wag daw tayong mawawala bukas." -Ako

"Psh. Pag isipan ko." Ang KJ naman nitong ulupong na'to. Nagpaalam na si Cyrus sa'min at umalis na rin.

Pagka alis na pagkaalis ni Cyrus, binatukan ako ni Jam at Glaze. "Aray ko naman!?? Para san yun?!?!"

"Una, pinsan mo si Darell Aquino, ngayon kaibigan mo na si Cyrus De Leon!?" -Glaze

"Ang sikat na Leader ng Gang sa Campus natin. Wow Ali ha?! Anlakas ng appeal mo!" -Jam

"Andami niyong dama sa totoo lang." Kinwento ko sa kanila yung nangyari sa'kin kanina para matahimik sila.

"Hala!? Dat malaman 'to ni Tita at Tito. TITAA—" -Jam

"Apaka epal mo talaga. Wag mo na ikwento!" -Ako

"Oo nga. Niligtas naman siya ni Cyrus eh. YiEEEEE" Inirapan ko na lang sila at pumasok na ko sa loob. Kainis. Ang lalakas mang asar ampotek.

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Alas-kwatro na ng hapon at nasa Campus pa ko inaantay si Jam at Glaze. Ilang minuto lang naman na ay tapos na rin klase nila. Ngayong araw kasi kami pinapanood nila Antonio ng gig nila.

At habang nagaantay ako, may tumabi sa'kin sa upuan. Nilingon ko kung sino at si Darell at Charles lang naman pala yun.

"Uy Insan! Hello Charles!" -Ako

"Hello :)" Ang weird nila ha? Bat nakangiti sila ng ganyan? Hmmm. Parang may balak tong mga 'to. Kaya tinaasan ko sila ng kilay.

"San ka pagtapos ng klase mo, Insan?" -Darell

"Sa gig nila Antonio." -Ako

"Kami—" Hindi ko naintindihan ang sinabi ni Charles dahil tinakpan ni Darell yung bibig ni Charles.

"Ano daw?!" -Ako

"Sabi niya. Ingat daw. Sige insan, Mag ingat ka ha?!" Umalis na yung dalawa at ang awkward ng pangyayaring yon. Napakamot na lang ako ng ulo ko sa nangyari.

Darell's POV
Tanga naman nitong si Charles. Nang makalayo kami kay Ali, tinanggal ko ang takip niya sa bibig. Nagalit ito dahil di daw siya makahinga.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now