Mr. Gangster - 29

2.2K 142 14
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 29

Ali's POV
Kasama ko ang mga tropa ni Cyrus, Si Raiza, Bella, Glaze, at Jam palabas kami ng Campus. Nagtataka nga 'ko bakit di na sila sumasama kay Cyrus eh.

Ang sabi naman nila dahil naiinis daw sila. Sinabi ko sa kanila kung naiinis sila sa ginawa ni Cyrus sa'kin, hayaan niyo siya. Sumama pa rin sila kay Cyrus dahil sila na nga lang ang meron si Cyrus na tuturing sa kanya na totoo tapos mawawala pa sila.

"Alam mo? Sobrang bait mo na Ali..." bati sa'kin ni Mark.

"Huh? Bakit naman?" Taka kong tanong sa kanya.

"Tama si Mark. Mas iniisip mo pa rin si Cyrus. Yung mga mahahalaga sa kanya. Eh siya nga di ka niya inisip bago gumawa ng desisyon eh." Sagot ni Jasper sa'kin.

"Hindi ko siya iniisip dahil sa nag-aalala ako. Iniisip ko lang sarili ko baka mapag bintangan pa'ko na mang-aagaw ng kaibigan." At natawa na lang sila sa sinabi ko sa kanila.

Nang makalabas kami ng Campus, nakita ko si Konnor na nag-aabang sa may labas ng campus. Ngumiti siya nang makita niya ko kaya gumanti rin ako.

Nagulat ako nang kabigin ako ni Bella at humarap kay Konnor. "Uhmm... hi?? Bella nga pala. Psychology Student at Single... hehe."

At binatukan ni Raiza si Bella kaya natawa ang iba sa'min "Nakakahiya ka talaga kahit kailan."

"Eh ang gwapo eh... Jusko! Akin ka na lang..." banat ni Bella kay Konnor at si Konnor at natawa na lang.

"Pwede naman eh. Gusto mo ba?" At biglang tumili ang bruha at napahiga sa lapag.

"Uhm? May kailangan ka ba pre?" Mainahon na tanong ni Insan kay Konnor.

"Si Ali... Uuwi na kasi kami eh..." sagot niya kay Darrel na bigla namang napatayo si Bella sa narinig niya.

"TEKA NGA! HOY ALI!" at nagulat naman ako sa pagtawag sa'kin ni Bella.

"Oh? Galit na galit?" -Ako

"Oo! Galit talaga! Ano mo nanaman 'to?! Kakabreak niyo lang ni Cyrus tapos may bago?!!?!" At natawa na lang kami sa sinabi ni Bella.

"Eh parang hindi nga nagbreak ang dalawa diba? May closure ba?" Pang-aasar ni Glaze sa'kin at natawa muli ang iba.

"Ano ko siya... uhmmm..." hindi ko alam paano ko siya ieexplain. Ayoko namang sabihin na 'anak ng kabit ni papa' baka ma-offend.

"Ano!?!? Sabihin mo?!?!?!" Gigil na pilit sa'kin ni Raiza.

"Pinsan niya si Ali! Sa side ng tatay!" At naniwala naman sila sa sinabi ni Glaze.

"Alam mo kung di mo pinsan yang si Ali, mapagkakamalan ko kayo na magjowa." At nag-asaran na kaming lahat kaya kami ang maingay sa harap.

"Ehem! Ehem!"  at nagulat kami nang may umubo nang napakalakas sa likod namin kaya napalingon kami sa kanya.

"Ang ingay niyo naman..." at siyempre sino pa ba ang bitchesa dito!? Edi si Valenti— ay Valerie pala. Kasama ang kanyang 'boyfriend'.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now