Mr. Gangster - 22

2.6K 154 13
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 22

Ali's POV
Inaantok pa'ko pero nagigising na'ko dahil hindi ako makagalaw sa hinihigaan ko. Binuksan ko ang aking mga mata at nakita ko si Cyrus na todo-akap sa'kin.

"Cyrus... Usog ka... Ansakit.." tinutulak ko si Cyrus palayo sa'kin pero dumidikit pa rin ito sa'kin.

"Cy! Masakit. Ano ba yun!?" Kinapa ko kung ano yung masakit na—AT NAPADILAT AKO NG MATA JUSKO!

Nakita kong gising na si Cyrus at nakangiti pa ang kumag.

"Gising na ko. Pati rin ito oh." at tinuro niya ang nasa ilalim ng kumot.

"Bastos ka!" at agad akong tumayo sa kama at tinitigan siya ng masama.

"Ginising mo kami eh. Ikaw ang may kasalanan." inirapan ko lang ito at lumabas na'ko ng kwarto para maghilamos at magsipilyo.

Matapos kong gawin ang mga ginagawa ko sa umaga, nagpasya akong magluto ng almusal. Inuna ko muna ang itlog at mamaya na'ko bibili ng pandesal.

Habang nagluluto ako, biglang may sumisigaw sa bahay. "ALIII!!! GOODMORNING!!" Napatingin ako kung sino yung mga yun.

"Ang aga-aga ha? Nambubulabog agad?" sila Glaze at Jam pala ito. At mukhang kakagising lang din ng dalawa.

"Ito naman. Aga-aga ang sungit. Ito oh, may dala kaming pandesal. Almusal tayo." nilapag nila ang pandesal at tsaka kumuha ng mga baso pangkape.

Lumabas na ng banyo si Cyrus at nakita nila Glaze kaya ayun, sinimulan nanaman nila ang pagtatanong.

"Good Morning!" bati ni Cyrus sa kanila.

"Walang good sa morning, Mr. De Leon." pagtataray ni Jam.

"Kaya nga. Iniwanan mo kami kagabi tas kausap pa namin si Ali. Nakakainis ka." sumbat naman ni Glaze.

Naluto na ang itlog at sumama na'ko sa lamesa at nakipagusap sa kanila.

Habang kumakain kaming apat ng masarap na almusal, may malakas na kalampag dito sa'min kaya nagulat kami.

"Ako na sisilip." Tumayo si Cyrus at tinignan kung sino ang kumakalampag ng gate.

At maya-maya ay pumasok siya at para bang nakalukot ang mukha.

"Mahal, si Tatay Arthur, hinahanap nung babaeng nakita na'tin sa Quiapo no'n." at agad kaming tumayo nila Glaze para tignan yung bruha na yon.

Pagkalabas ko ng gate, kasama niya ang mga alagad niya. "Anong kailangan mo dito?"

"Ilabas mo si Arthur! Alam kong nanjan siya sa bahay niyo!" galit na sagot sa'kin ng bruha.

"Wala dito si Papsy. Pwe—" at bigla akong tinulak  ng bruha at pumasok sa loob ng bahay kasama ang apat niyang kampo.

"Ali teka lang ha?" tumakbo si Glaze at Jam papunta sa bahay nila.

At habang inaantay namin ang mga kutonglupa, lumapit si Justine sa'min. "Ba't ang ingay sa'nyo, Ali? Aga-aga ha?"

At biglang lumabas ang mga kutonglupas sa bahay namin na galit na galit pa rin.

Mr. Gangster (BxB)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora