Mr. Gangster - 12

3.3K 189 1
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 12

Ali's POV
Nagliligpit ako ngayon ng pinagkainan ko at si Mamsy? Nasan? Ayun, nasa kwarto niya. Ilang araw na ganyan si Mamsy. Napakatamlay niya. Buong bahay namin ang tamlay na.

Habang hinuhugasan ko yung pinagkainan namin. May nag message. Hindi ko muna pinansin at tinapos ko ang paghuhugas ko ng mga plato.

Tinignan ko agad yung nagtext at nakita ko si Cyrus ang nagmessage. At nagulat ako sa message niya dahil...

"Labas. Nandito ako sa tapat niyo."
Sent by : Cyrus
08:40 P.M

Agad kong pinatay ang ilaw sa kusina at lumabas ng bahay. Feel ko nga pinaprank ako nito eh. Pero nakita ko agad yung gulong ng kotse niya. Kaya nagmadali agad ako.

Binuksan ko ang gate at bumungad sakin ang lalaking may dalang Jollibee at nakawhite tshirt at shorts lang. Anong pakulo nito?

"Ang bagal kumilos ha? Lalabas lang..." -Cyrus

"Sorry po ha? Naghugas kasi ako ng mga plato eh. Kaurat!" Inabot niya sakin ang paper bag at nagpasalamat na lang ako.

Naupos kami sa may upuan sa tapat ng bahay namin. "Bat ka nandito? Anong oras na ha?"

"Wala lang. Ayaw mo ba?" -Cyrus

"Hindi naman sa ganon..." Tumahimik ang paligid namin onti. Binuksan ko ang binigay niyang Burger sakin.

"Musta ka na?" Napatingin ako sa kanya dahil nagulat ako sa tanong niya.

"Okay lang naman....?" -Ako

"Kahit? Alam kong mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon..." -Cyrus

"Alam mo naman palang di ako okay tas tatanungin mo ko." Natawa na lang siya at inalok ko siya ng fries na bigay niya rin. Medyo nakakahiya kung di ko siya bigyan diba?

"Pero alam mo? Nami-miss ko na yung sigla ng bahay namin. Sobrang laki ng pagkakaiba simula nung iniwan kami ni Papsy. Isang linggo na ang nakalipas..." Napatingin ako sa bahay namin nang masabi ko ang mga litanyang ito.

"Iniisip ko nga kung ano bang kulang kay Mamsy para iwan niya eh. Pinagdadasal ko nga sa gabi na sana panaginip na lang lahat nangyari..." Hindi ko mapigilang maluha sa mga nakwento ko kay Cyrus.

Napalingon ako kay Cyrus at nakatingin ito sakin na tila ba'y nalulungkot din. Kinuha ko ang tissue sa paperbag at pinunasan ko ang mga mata ko.

"Kung pwede lang kitang matulungan sa problema mo, ginawa ko na sana..." Tinignan ko si Cyrus nang magsalita siya.

"Pero ito lang ang lagi mong tatandaan, Nandito lang ako... kami ng mga tropa ko, si Raiza tas si Bella, pati mga kaibigan mo. Hindi ka namin iiwan. At tsaka magtiwala na lang kayo na magbabalikan ang pamilya niyo at magiging masaya rin." Napangiti ako sa mga sinabi ni Cyrus sa totoo lang.

Ngayon lang gumaan loob ko sa hayop na'to. At mas lalo nang di ako makapaniwala na magkakaron kami ng gan'tong pangyayari. Yung maguusap kami tungkol sa problema ko...

"Salamat Cyrus ha? Nakakahiya naman, pumunta ka na nga dito tas nagdala ka pa ng pagkain. Tapos ngayon, umiiyak pa'ko sayo." natawa na lang kaming dalawa at kumain na lang ng dala niyang burger at fries.

"Maiba nga tayo..." Nilunok ko muna ang kinakain kong fries bago ibato ang tanong sa kanya.

"Ano yun?" -Cyrus

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now