Mr. Gangster - 14

3.1K 180 9
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 14

Ali's POV
Sinarado ko na ang gate namin at naglakad na hanggang labas at papunta na'ko sa bahay nila Raiza dahil mags-sleepover kami ni Bella do'n.

Dinala ko na rin ang pangpasok ko bukas at yung binili namin sa Quiapo kahapon para di na'ko uuwi sa'min. Pinakisuyo ko ang susi kay Tope baka kasi mauna si Mamsy umuwi sa'kin. Alam naman niya na mag-sleepover ako kila Raiza.

Habang naglalakad ako sa daan, may bumusinang kotse sa gilid ko. Tinignan ko ito at binaba niya ang bintana ng kotse niya.

"Hi Ali!" Si Antonio pala ito! Kinamusta ko siya at tinanong ko siya kung bakit siya nandito sa village namin.

"Aayain sana kita lumabas eh. Kaso mukhang may pupuntahan ka. Sayang naman..." -Antonio

"Oo eh.. sorry ha?" -Ako

"Ayos lang... hatid na lang kita. Okay na sa'kin yun." -Antonio

"Hala wag na. Salamat na lang :)" -Ako

"Sige na. Wala rin naman akong pupuntahan eh. Sige ka, magtatampo ako..." Kinonsensya pa ko nitong Antonio na to. Pumayag na ko at sinabi ko kung san ako pupunta.

Cyrus' POV
Nandito kami sa terrace ni Darell at ni Jasper ngayon at nag iinuman. Inaya ko ang iba kaso mga aalis at pupunta sa mga girlfriends nila.

Nagtaka nga sila kung bakit ako nag-aya ng inuman eh. Ang dahilan ko na lang eh dahil wala kaming pasok bukas at pwede kaming magpuyat.

"Talaga ba? Siguro may nangyari sayong masaya kaya ka nag-aya?" -Jasper

"Oo nga. Si Cyrus pa ba? Di naman basta-basta mag aaya yan eh. Kung wala man siya magawa, magbabasa lang yan ng libro." -Darell

Tinawanan ko lang sila at nagcheers kami. Sa totoo lang di ko alam kung ba't ang saya ko eh. Di ko rin maintindihan sarili ko ba't ako nagkakaganto.

Aamin na'ko. Masaya ako ngayon dahil nakasabay ko si Ali mag almusal at nag-usap kami ng matagal at masinsinan. Di ko na alam nararamdaman ko.

Di ko pa nao-open up sa kanila ang pagkabaliw ko nung nakaraang linggo dahil hindi pa ako sigurado sa nararamdaman ko. Hanggang ngayon naman eh... Ah basta!

Habang nagiinuman kami, Nakita ko si Bella at Raiza pababa sa labas at may humintong kotse sa tapat ng bahay namin. Nandito si Bella dahil mags-sleepover daw sila ngayon.

Lumabas si Bella at Raiza at sinalubong yung nasa kotse na nasa tapat ng bahay namin. Hindi ko na pinansin yun at nagpatugtog na lang ako sa speaker.

Sa mga kanta, mahilig ako sa bandang The Juans. Nakakainis nga eh dahil underrated nila pero ang gaganda naman ng kanta nila. Pinatugtog ko ang Panaginip at uminom ulit ako.

"Pre! pinsan mo oh!" -Jasper

"Ako?"

"Hindi. si Darell." Tumanaw ako sa labas at bigla akong kinabahan nung makita ko si Ali. Kasama pala siya dito sa sleepover.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now