Mr. Gangster - 13

3.1K 189 5
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 13

Cyrus' POV
Nagulat kaming lahat nang makita namin ang tatay ni Ali na may kasamang babae. At ayoko na lang mag judge kung paano manamit ang babae.

"A--Ali?" -Tatay

"Hubby sino siya? Anong kailangan niyo?" Nagulat kami nang makisawsaw ang babae ng tatay ni Ali.

"Papsy uwi na tayo. Sumama ka na sa'min." Lumapit si Ali sa tatay niya at naiyak na lang ito bigla dahil sa lungkot.

"Papsy sige na oh..." Hawak hawak ni Ali ang kamay ng tatay niya. At kita sa mga mata ng tatay ni Ali na nalulungkot siya sa mga nangyayari.

"Sino ka ba?! Bat papsy tawag mo sa hubby ko? Bitawan mo siya!" Nabigla kami nang itulak ng malakas si Ali ng babae.

"Hoy! Sumosobra ka na ha! Anak niya yang hubby mo tanga!" Sumali na si Bella dahil napuno na siya sa ugali ng babae.

"Anak!? Sinong inuulol niyo?! Wala pang anak si Arthur. Kaya umalis na ka-" -Babae

"Anak ko siya, Hubby..." Nagulat ang babae at natahimik kami dahil nakita namin ang reaksyon ng babaeng yan.

"Wala akong pake! Hubby tara na." Hinatak na ng babae si Tatay Arthur pero tumayo si Ali at hinatak pa rin ang tatay niya.

"Papsy! Maawa ka kay Mamsy!" -Ali

"Ang kulit mo talaga eh! *PLAAAK!*" Sinampal ng Babae si Ali. Nagulat kami maski si Ali. Naiyak na lang siya sa sakit at galit sa babae.

"Ang kulit mo ha!" -Babae

"Elena! Bat mo ginawa yun!?" -Tatay Arthur

"Jepoy!!! Cardo!!! Pinong!!! Kriszel!!!" Nagtawag ang babae ni Tatay Arthur at nagulay kami at mga siga at anlalaki ng katawan ng mga tinawag niya. At yung babae ay medyo matangkad. Pero mas matangkad sila Raiza at Bella.

"Kayo na bahala sa mga gagong yan! Badtrip eh!" -Elena

"Anong gagawin mo sa kanila?!" -Tatay Arthur

"Tara na Hubby!" Hinatak na papalayo si Arthur at lumalapit na sa'min yung apat. "Ali, tara na. Para di ta--- ALIIII!!" Hindi nagpaawat si Ali sa mga malalaki at tumakbo ito sa mga lalaki at nagulat kami nang talunan niya ang tatlo.

Wala na kaming nagawa at tinulugan na namin si Ali. Aatake sana yung babae kaso si Bella ay inumpog sa pader yung babae habang si Raiza naman ay ginamit yung pepper spray niya sa isang lalaki at tinulak sa pader.

Si Ali tumakbo sa Papsy niya at hinabol ang dalawa bago pa makaalis. Sumunod ako kay Ali dahil bagsak na rin naman na yung iba.

"ELENAAAA!!!!" Sumigaw si Ali at napalingon si Elena at nagulat dahil naabutan pa siya ni Ali.

Sumugod si Ali at sinabunutan si Elena. "Tangna! Patawarin ako ng Diyos at nakasakit ako ng babaeng may kipay!"

"Nak tama na yan!" Pinipigilan na namin ni Tatay Arthur si Ali pero hindi pa rin siya umaawat. Buti na lang dumating na sila Darell at tumulong na silang umawat.

Mr. Gangster (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon