Mr. Gangster - 5

4.7K 215 17
                                    

This is a BoyxBoy story. Kung may issue ka about LGBT story, bye na po hehi :"> this story is not for you.

Mr. Gangster
Episode 5

Cyrus' POV
"Ayun na oh! Lumabas na siya. Sundan mo na humingi ka na dun ng tawad." Pilit sa'kin ng mga tropa ko.

Sa totoo lang, palagi ko na lang iniisip yan eh. Yung paghingi ko ng tawad sa kanya. Hindi dahil sa nasaktan ko siya. Kundi dahil pinsan siya ng tropa ko tas pinagtripan ko pa. Tho, hindi naman ako ang may salarin nun. Kundi si Jasper. Pero ako ang nakaka-angat sa kanila kaya ako ang gagawa.

"Nahihiya ako, tol. Samahan niyo ko. Tiyak na dun lang naman yun sa may tindahan sa may kanto eh." -Ako

Nagreklamo ang mga ito pero sinamahan din ako. Tumayo na kaming lahat para sundan si Ali. Narinig ko pa nga yung mga babae na hinahanap si Ali dahil baka saw bugbugin ko ulit. Tinawanan ko na lang sila ng pabulong at lumabas.

"TUUULOOOONG!" Ha? Pamilyar sa'kin boses nito ha? Pagkalabas namin ay nakita namin na si Ali ay tumatakbo patungo sa'min.

At may humahabol sa kanyang mga lalaki na mukhang dayo lang sa subdivision namin. Paano sila nakapasok dito basta-basta?!

"Teka! Anong nangyayari?" -Darell

"Yang hayop na yan! Tinulak ba naman ako dito sa mga kaibigan ko. Eh bumibili lang naman ako."

"Wag kang tanga! Di kita tutulak kung di mo sinimulan! Ano ako bobo katulad niyo?" Palaban talaga tong kumag na'to eh! Kaya napapahamak eh. Di pa ba siya nadala sa'min non?

"Kasi ako nauna sa tindahan, tinatawag ko yung nagtitinda doon, tapos takteng yan kinabig ako sa gilid para siya mauna. Parang ginawa niyo sakin nung Enrollment?!" Ahh kaya pala gan'to magwala si Ali. Hay nako.

"Pre tumabi kayo jan bago pa kayo madamay." Ang pakiusap nung 'leader' nila sa amin.

"Tigil niyo na yan. Kayo pala nagsimula ng gulo eh. At tsaka baguhan lang kayo dito ha? Bat kayo nakapasok dito sa subdivision namin?" -Cyrus

"Tignan niyo! Ako pa tatakutin niyo mga dugyuting-daga kayo! pare-pareho lang pala tayong dayo dito!!" -Ali

"Kaya kung ako sa inyo, bago pa tayo magkagulo, umalis na kayo." -Jasper.

Aktong aalis na sana ang mga 'to pero sumugod sila sa'min. At di na rin ako nag aksaya ng panahon at sumugod na rin kami.

"HALAAA HOYY!!! AWAT NA GUYS!" Awat sa'min ni Ali. Nagsilabasan na rin ang mga kaibigan ni Ali at sila Angelo.

Masyadong magulo na sa kalsada at di ko na alam nangyayari. Suntok dito, Suntok doon ang nagaganap dito.

"CYRUS SA LIKOD MO!" -Angelo

Lumingon ako sa likod at may patalim na hawak yung 'leader' napapikit ako nang akala ko ay isasaksak sakin. Pero di natuloy ng hablutin ni Ali ang patalim at sinapak ito ni Ali ng sobrang lakas at pumalakda sa kalsada ang hayop.

"Gaga ka bakla! Tulog yung dugyot oh!" sabi ng kaibigan ni Ali

Grabe! HAHAHA tulog nga yung sinapak niya. At biglang may dumating na mga security guard at pinaalis na namin.

Mr. Gangster (BxB)Where stories live. Discover now