To Love Again - cHappy thirty-one

Start from the beginning
                                    

"Ate L?"

Nilingon ko si B na nakasilip sa kusina. Parang may gusto siyang sabihin kaso natatakot.

Pinatay ko 'yung stove kung saan nagluluto ako ng kakainin naming dinner. "Gutom ka na? Malapit na 'to."

Tumuwid siya ng pagkakatayo at napakamot sa ulo. "I just want to ask something?"

Tumango ako. "Go on." Sabi ko habang tinitikman ang luto kong sinigang na baboy.

"Nag-away ba kayo ni Kuya?"

Kunot-noo ko siyang nilingon. "Hindi naman." Sa pagkakatanda ko. "Bakit?"

Tumango-tango siya at kinausap ang sarili. "Baka may nagback-out lang na investors? O kaya baka tatanggalin na siya ni Kuya C sa position niya? O kaya—"

"May nangyari ba?"

She perked up. "Wala naman, Ate. Bumalik lang sa dati si Kuya."

"Ha?"

"Ano... etto.. nandemonai."

Tinignan ko lang siya ng 'hindi-kita-maintindihan-look'.

"Nothing." Ngumiti siya at umalis na. Nagkibit-balikat ako at binalikan ang niluluto.

Fifteen minutes later narinig ko ang boses na B na natataranta. Lumabas ako sa kitchen at naabutan ko si Arwill na naka-faded jeans at black shirt na may logo ng Abercrombie. Nagsusuot na siya ng converse at ni hindi man lang ako nilingon.

"I'm going out." Maikli niyang saad.

"Pero may sakit ka." I said worriedly. Nilapitan ko siya at ididikit ko na sana ang palad ko sa noo pero pinigilan ko. I was afraid that he would reject me.

"I'm ok."

Ok ba 'yung itsura niyang namumutla pa at half-open ang mga mata. Akala mo mang-aakit ang itsura niya. Tapos halatang nanlalata pa siya. Ni hindi man lang nagsuklay. Ano ba 'tong taong 'to?

"Kumain ka muna." Aya ko.

Umiling lang siya at tumayo saka walang lingon-likod na umalis.

Again. Nasaktan ako.

At bago ko pa siya habulin, tumalikod na ko at inaya si B na kumain.

_____________

ARWILL's pov

Pagbaba ko ng elevator, nakita ko kaagad si Locus sa lobby area. Tumayo siya at hinintay ako.

"You ok, 'Will?"

Tumango lang ako. "Kaya ko pa."

Kunot-noo niya lang akong pinagmasdan at hindi na nagtanong. "Nasa Aristo na sila. Pwede naman tayong lumipat ng ibang bar kung gusto mo. Ano?"

"Kahit saan."

Twenty minutes later, nasa Aristo na kami. With every loud thud, my heart shuddered because of the proximity of the speakers. Grinding people here and there. Sober, wasted, flirting, talking, making out— I could live with this. But I can't without her.

"VIP!" sigaw ni Loc at itinuro niya 'yung taas gamit ang ulo niya. Tumango ako at sinundan ko siya. Pag-akyat namin, nandun na silang lahat nakaupo at nagke-kwentuhan. Freed with Eunice, as usual. Si Ash nakikipagtawanan kay Zaion na halatang may hangover pa sa trabaho dahil naka-suit and tie pa rin. Si Ken, nakatingin lang sakin at nakataas ang kilay. Nagtataka. Umupo si Locus sa tabi niya at inabot ang shot niya na binigay ni Freed. Lester is not here. Nasa Germany. The music died down a little up here.

"You look like someone I knew 8 years ago." Ken said mockingly. I just glared at him and sit beside Eunice. I rested my head at the back of the sofa and closed my eyes.

"What happened?" Sabay-sabay nilang tanong.

Hindi ko alam kung matatawa ko o mabu-bwisit sakanila. In the end, natawa na lang ako. Pero hindi dahil sakanila. Sa sarili ko. So I ended up breaking my heart again, huh? Hindi yata talaga para sakin si Lauren. Bakit ko ipipilit 'yung sarili ko sa taong nakatakda na pala sa ibang lalaki? Pinagmukang tanga ko na 'yung sarili ko, umasa pa ko. Double kill.

But at some point, I can't bring myself to be angry at her. It's just not right. Ako na lang ang hindi pa nakakamove on sa nangyari. Nakakatawa talaga. Isang malaking joke lang pala.

"Loc, paampon sa pad mo, kahit ngayong gabi lang."

"Sure." He said. I thanked him in advance.

"Woah, nag-away kayo ni Lau?"

I shrugged and chugged down a bottle of whiskey. Napanganga sila sa ginawa ko but I ignored them. I need this.

"Whiskey and you are always in a complicated relationship. 'Will, ano? Reresbakan na ba natin?"

I scoffed. "Kayo na lang."

Siniko ako ni Eunice. "Parang nung isang araw lang okay pa kayo ah. Anyare?"

"Ang sweet nga ng mokong sa shop ko eh. Dun pa nagkalat. Tsk. Hey, gwapos may video ako dito. Kuha sa cctv. *winks*"

Nagkagulo sila sa gawi ni Ash. Hindi ko na lang pinansin. Naalala ko lang kung pano kumislap ang mga mata niya habang kinakantahan ko siya. Na parang ako 'yung sentro ng mundo niya kung hindi lang nanggulo si Ash. Bwisit.

"So, give up ka na?" tanong ni Ken habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko. "Katulad noon?" nang-iinis pang dugtong niya. Kung 'di lang umiikot ang paningin ko nasuntok ko na 'to.

"I want to rest." I sighed in defeat. "I'm too tired with this kind of emotions. Maybe after this, pupunta na ko ng Argentina."

Eunice patted my head like a child. "Mag-eermitanyo ka na naman."

"Gagayahin mo na naman si Zai." Singit ni Freed.

"Sa lahat naman ng ermitanyo ako ang pinaka-gwapo."

Binato ko ng lemon si Zai. "Panira ka."

Humalakhak lang siya at uminom ng tequila. "At least may lovelife."

Hinawakan ko 'yung bote pero pinigilan nila ko. "Pre, 'wag yan. 'Di tatablan si Zai niyan."

"G.go ka talaga. Alam mo naming sensitive eh."

"Ano ka chix?"

"Lul!"

"Enough, children!"

Hindi na ko nakisali sa pagbabangayan nila at nanatiling nasa pader ang tingin. May dapat pa ba kong maramdaman o pinipigilan ko lang 'yung sarili kong may maramamdaman. Hindi na 'to bago sakin pero masakit pa rin. Knowing that someone I love will never be mine. Because in the first place she's been claimed.

"Your cell's ringing." Puna ni Eunice. Hinugot ko sa suot kong pantalon ang cp ko at binigay sakanya nang hindi ko tinitignan ang caller.

"Answer it."

"O-ok?" nagtataka niyang tanong. Uminom ako ng Jack. Wala kong paki kahit maghalo-halo sa sikmura ko 'yung ininom ko.

"Hey, Lauren. Si Eunice 'to. Uhh... nandito umiinom. Pasensya ka na ah, hindi niya kasi masasagot— Ah ganun ba? Sige ibibigay ko." Binigay niya sakin 'yung cp ko. "She wants to talk to you."

The alcohol is starting to build in my system. Huminga kong malalim. This is what I want. "Hello?" I said.

I heard her sharp intake of breathe. "Arwill."

F.ck. Sh.t. Boses pa lang nanghihina na ko. Sobrang tamis, nalulunod ako sa boses niya. I miss her. I freakin' miss her!

"B-bumalik ka na, please?"

"F.ck." In-end call ko at agad na tumayo.

"Where are—"

"Out."

"You don't have a car."

"Magta-taxi ako." Tinanguan ko silang lahat at saka tumalikod para umalis. Narinig ko pa silang nagtatawanan.

"Kapag tawag talaga ng pag-ibig, walang galit-galit!"


To Love Again [TSCM series 2]Where stories live. Discover now