EPILOGUE

109 7 2
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

Andito kami sa Sweden ngayon, matapos magpropose saakin ni Raja last month ay agad nitong ibinalita sa lolo nito ang nangyari, pagkatapos non ay pinapunta kami dito para makausap kaming pareho ng lolo ni Raja.

"You will be the crowned princess of the house of Monpiér, starting today you will have a royal lessons regarding the etiquette of the royalties"... seryosong sabi ni Lolo Ronan, napalunok naman ako dahil dito. Pakiramdam ko kasi si Dylan ang kaharap ko ngayon.

"Farfar you are making my fiancée uncomfortable"... nakapout na sabi ni Raja sa lolo nito, simula ng makarating kami dito sa bansa nila ay doon ko lang natuklasan ang pagiging spoiled nito.

"Is that so?, Am I making you comfortable dear?"... tanong saakin ng matanda na agad ko namang sinagot.

"No, your highness"... nakangiting sabi ko dito, tumingin lang ito saakin saka muli itong nagsalita.

"I would like to meet your parents"... sabi nito pagkatapos noon ay tumayo na ito sa kinauupuan saka ito umalis sa harap namin ni Raja.

Doon ko lang nailabas ang pinipigil kong hininga kanina, pakiramdam ko kasi ay pati ang paghinga ko ay inoobserbahan kanina.

"You okay Love?"... tanong saakin ni Raja.

"Totoo nga yung sabi saakin ni Nick, nakakatakot yung lolo mo"... sabi ko kay Raja.

Napakunot naman ang noo nito dahil sa sinabi ko.

"Nag usap kayo ni Nick? Kelan?"... agad na tanong nito.

Matapos magpropose saakin si Raja sa garden, kinagabihan non ay kinausap ako ni Nick, sigurado daw kasi ito na kakausapin ako ng lolo ni Raja kaya sinabi na nito na kailangan malakas ang loob ko pag haharapin ko ito dahil makikita ko daw doon kung ano ang pag uugali ng asawa nito.

"After mong magpropose saakin, sabi niya masungit daw ang lolo mo"... sabi ko dito.

"Yong haring yon!"... sagot ni Raja, natawa naman ako dahil doon kaya agad kong hinawakan ang kamay nito.

"I love you"... biglang sabi ko kay Raja, nginitian naman ako nito saka niya ako hinalikan saglit.

"I love you too, Love"...

5 MONTHS had passed since I started staying here in the palace, in those 5 months nagkaroon ako ng royal lessons about etiquette, table manners and such, inaral ko din ang basic language nila at masasabi kong hindi ito madaling aralin, kailangan mo ng matinding patience. Nagkaroon din ng briefing ukol sa mga charity na pinagkaabalahan ng mga Monpiér at masaya ako dahil sigurado kong maeenjoy ko ang mga plataporma na ito.

"Ready to go back to the Philippines, Love?"... tanong saakin ni Raja matapos kong iimpake ang mga gamit ko.

"Yes Love"... sagot ko dito.

Uuwi kasi kami sa Pilipinas ngayon, para na din ayusin ang mga dapat kong ayusin doon napag usapan na kasi namin ni Raja na kailangan ko ng tapusin lahat ng anumang issues na meron ako sa Pilipinas para wala na akong iniisip pa bago kami ikasal.

Kung tutuusin ay wala naman na akong iniisip pa maliban sa preparasyon ng kasal namin ni Raja at coronation ko, pero alam ko ang ibig sabihin ni Raja, ayaw niyang may kahit anong pakiramdam akong nararamdaman kay Arce maski galit man ito.

Matapos kong mag impake ay magkahawak kamay kaming lumabas ng palasyo ni Raja, inalalayan naman kami ng guards para mailagay ang gamit namin sa compartment ng kotse saka kami dumeretcho sa may airport kung saan naghihintay ang eroplanong sasakyan namin pauwi.

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now