Chapter 27

39 5 0
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

Mahigpit akong napahawak sa coat ko ng makalabas ako ng opisina, pinigilan ko din ang luhang nagbabadyang lumabas sa mga mata ko.

Para akong tinakasan ng lakas dahil sa ginawa ko.

I'm sorry Love.

I'm sorry,

I'm sorry if I have to do this...

"Ms. Francine, okay lang po ba kayo?"... tanong saakin ni Daisy, pinakalma ko muna ang sarili ko saka ako umayos ng tayo.

"Yup, okay lang ako"... sabi ko dito saka ko pinindot ang button ng elevator.

Nang bumukas ito ay pumasok na ako at ng sumara ito ay doon na bumuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

I'm sorry Raja..

I'm sorry for hurting you like this.

I'm so sorry my Love..

Nasa 5th floor na ako ng biglang bumukas ang elevator kaya yumuko na ako saka ko pinunasan ang luha ko.

"I heard pinull out na ni Mr. Monpiér ang investment dito sa kompanya"... narinig kong sabi ng isang empleyado ko.

"Oo nga eh, bakit kaya? Nakoo sayang naman siya pa naman ang nakakaattract ng madaming investors dito sa kompanya, plus napakagwapo pa nito hihihii"... sagot naman ng isa ko pang empleyado.

Mas lalo akong nasaktan ng marinig kong pinull out na nito ang investment nito.

Pero eto naman ang gusto ko, kailangan kitang itulak palayo para hindi ka na masktan pa lalo Raja.

This is my fight, and I can't stand seeing you getting hurt because of me Raja, Love.

Oo naalala ko na lahat lahat, naalala ko lahat lahat maski ang alala ko na kasama si Raja ay naalala ko, lahat ng iyon.

Pero kailangan kong magpanggap sa harapan nito para lang masigurado ang kaligtasan nito.

Narinig ko noong isang araw si Arce, may binabalak ito kay Raja at hindi ko kakayanin kung may mangyaring masama dito.

Sumakay na ako ng kotse ko ng makarating ako ng parking lot saka ako umuwi sa bahay namin ni Arce may kailangan lang akong kunin doon saka ako uuwi sa penthouse.

Nang makarating ako sa bahay ni Arce ay nadatnan kong nagmemeeting sila ng mga kasama nitong doctor sa may living room. Hindi ko inalintana ang pananahimik nila ng makita akong pumasok sa bahay.

Derederetcho akong umakyat sa hagdan papunta sa ikalawang palapag saka ako pumasok sa kwarto ko.

Nakita ko naman ang isang envelope na nakasiksik sa ilalim ng kama ko kaya pinulot ko iyon saka ko inilapag sa ibabaw ng lamesa ko.

"Francine?"... pagtawag saakin ni Arce ngunt hindi ko ito pinansin, agad kong inilabas sa cabinet ko ang isang malaking bag saka ko isa isang nilagay ang mga importanteng gamit ko doon.

"Francine, what are you doing?"... natatarantang tanong saakin ni Arce.

"What do you think?"... seryosong sabi ko dito.

"So you're leaving me dahil lang hindi kita naasikaso sa hospital non? Ganon ba?!"... naiiritang sabi nito.

Hindi ko pa inaamin kay Arce na naalala ko lahat, dahil may plano ako dito.

"Wala akong asawa na mas uunahin pa ang iba kesa sa asawa niyang nangangailangan sakanya"... sabi ko dito saka ko ipinagpatuloy na ilagay ang gamit ko, maski ang envelope na inilapag ko kanina sa ibabaw ng lamesa ko ay kinuha ko saka ko ito inilagay sa bag ko.

Matapos non ay humarap na ako kay Arce saka ko siya dinaanan, ngunit pinigilan ako nito.

"Where are you going?"... seryosong sabi nito.

"Home"... sagot ko dito.

"But this is your home Francine"... nagsusumamong sabi nito.

Gusto kong masuka dahil sa itchura nito, tila nandidiri ako sa pagmumukha ni Arce ngayon, at para akong napapaso sa hawak nito kaya agad akong lumayo dito.

"No, this is not my home. Coz if it is, then you should've not abandon me in the first place"... sabi ko dito saka ko ito dinaanan at tuluyan ng lumabas sa bahay ni Arce.

Sumakay na ulit ako sa kotse ko saka ko ito pinaandar, may kailangan pa akong puntahan.

Tinignan ko naman ang cellphone ko, tinignan ko ang message na sinend saakin ng P.I ko, ng mabasa ko iyon ay agad kong pinaharurot ang kotse ko.

Nakarating ako sa isang maliit na baranggay dalawang oras ang layo mula sa siyudad, agad kong hinanap ang address na binigay saakin ng P.I ko.

Ng mahanap ko ay kumatok ako sa pintuan, kita ko naman ang gulat sa mukha ng babaeng nagbukas ng pintuan para saakin.

"M-ms F-francine?"... gulat na gulat na tanong nito saakin.

"Hi long time no see"... nakangiting sabi ko dito.

Agad naman ako nitong pinapasok sa bahay nito matapos non ay tinignan ang paligid bago siya pumasok at nilock ang bahay nito.

Pansin kong sadyang itim na kurtina ang ginagamit nito para hindi mahalatang may tao dito sa bahay na ito.

"Ms. Francine a-anong g-ginagawa mo dito?"... kinakabahang tanong nito saakin.

"Ano ba Nurse Shiela, hindi pa ako nagtatanong kinakabahan ka na"... sabi ko dito habang nakaplaster ang ngisi sa mukha ko.

"A-ano po y-yon?"... sabi nito

"This is regarding my baby, my baby na pinatay niyo ni Arce"... seryosong sabi ko dito.

"Ms Francine, sinabi ko na sainyo ang totoo ano pa ba ang kailangan mo?"... naiiyak na sabi nito.

"I want the truth Nurse Shiela!"... sigaw ko dito.

"Sinabi ko na sainyo ang totoo Ms. Francine! Umalis na po kayo dito pakiusap, gusto ko pang mabuhay, alam kong pinapahanap na ako ng asawa niyo ngayon. Pakiusap umalis na kayo!"... sabi nito

Tumayo na ako saka ako ngunit tinitigan ko ang nurse na isa sa pumatay sa anak ko.

"Yeah, live your life in prison then, kulang pa ang nangyayari sayo ngayon. Kulang na kulang pa yan sa buhay ng anak ko na kinuha niyo"... sabi ko dito

Matapos non ay nakarinig kami ng sirena ng police sa labas ng bahay nito.

"Ms Francine pakiusap, wag niyo akong ipakulong"... sabi nito habang nakaluhod sa harapan ko. Ngunit binuksan ko na ang pinto ng bahay nito saka ko pinapasok ang mga pulis.

"Wala sana akong balak ipakulong but you leave me no choice"... seryosong sabi ko dito saka ko binulungan yung isang police.

Alam na nila kung anong gagawin nila, and I will make sure na hindi malalaman ni Arce ito.

——————————————————————————————————————————————————
A/N: Happy reading! 💕💕

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now