Chapter 14

37 6 0
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

SABADO ngayon kaya naisipan kong maglakad lakad saglit sa park para makalanghap ng sariwang hangin.

Iniisip ko pa din kung ano ang ginawa ni Arce sa gamot ko, napansin ko kasing may kakaiba sa gamot na binigay nito saakin sa gamot na nabili ko sa pharmacy.

*beep*beep*

Napatingin naman ako sa bumusina saakin, pagtingin ko ay si Kaname ito mukhang papunta ito sa bahay namin.

"Hi Casella, saan ang lakad mo?"... tanong nito

"Dito lang nagpahangin lang ako saglit"... sagot ko dito.

Kumunot ang noo ko ng bigla nitong ipark ang kotse nito saka siya bumaba at sinamahan ako sa paglalakad.

"Samahan na kita"... nakangiting sabi nito saakin.

Wala naman sigurong masamang balak saakin ito kaya hinayaan ko na siyang samahan ako sa paglalakad.

"Kamusta na kayo ni Dr.Arce?"... biglang pagoopen nito ng topic.

May kakaiba sa tinig nito ng banggitin niya ang pangalan ni Arce.

"Masaya naman kami"... sagot ko dito

Tila may ideyang pumasok sa isip ko kaya niluwangan ko ang pagkakangiti ko dito.

"Tara sa bahay, hindi pa kasi ako nagbrebreakfast"... pag anyaya ko dito, pansin ko naman na parang nag aalangan itong sumagot kaya hinawakan ko ang pulsohan nito saka ko hinila papunta sa bahay namin ni Arce.

"Babe, saan ka ga— Kaname?"... gulat na gulat na tanong ni Arce ng makita nito ang kasama ko.

"Galing ako sa park babe, nagikot ikot lang ako saglit, nga pala mukhang dito ang punta ni Kaname, nagugutom na ako kung pwede ikaw muna mag entertain sakanya? Magluluto lang ako saglit"... sabi ko kay Arce, dahan dahan naman itong tumango saka matamang tumitig saakin.

Dumeretcho na ako sa kusina matapos kong iwan ang dalawa doon saka ako tumungga ng isang basong tubig.

Sana hindi mahalata na kinakabahan ako, may gusto akong malaman.

Sinimulan ko ng maglabas ng mga rekado para sa lulutuin kong breakfast. Naisipan kong mag tatapsilog na lang kami kaya agad kong hinanda ang mga kakailanganin ko.

Ng matapos akong magluto ay pumunta na ako sa may salas kung saan ko sila iniwan ngunit di pa ako nakakarating ng may marinig akong hindi ko inaasahan.

"Sa tingin mo kaya akong ipakulong ni France? Doon ka nagkakamali, pipilayan ko muna para wala na siyang dahilan para maipakulong ako"... malademonyong sabi ni Arce kay Kaname.

"Paano kung nakaalala na siya ng tuluyan, kung ikaw may takas ka paano ako?"... nag aalalang sabi ni Kaname dito.

Napasilip naman ako bigla at nanlaki ang mata ko ng makitang tumabi dito si Arce saka niya ito hinalikan sa may labi.

"Don't worry Hon, ginagawan ko na ng paraan para hindi siya makaalala"... sabi nito habang ako ay biglang napaupo sa sahig dahil sa narinig ko.

Ramdam na ramdam ko din ang panginginig ng mga kamay ko dahil doon.

A-anong ibig sabihin nito??

"Tara na sa dining baka tapos ng magluto si France, remember act as if we are friends"... narinig ko pang sabi ni Arce kaya kahit nanginginig ay agad akong tumayo at dumeretcho sa may kusina saka binuksan ulit ang stove para lumabas na nagluluto pa din ako kahit tapos na akong magluto.

Naramdaman ko naman na bigla akong niyakap ni Arce mula sa likod, tila nandiri ako dahil sa ginawa nito.

Kaya agad akong kumawala sa yakap nito at nagpanggap na masigla ako.

"Kain na tayo"... masiglang sabi ko sakanila, naglabas naman ako ng tatlong plato pati na rin baso saka ko sinandukan si Arce ng pagkain nito.

Agad kong tinapos ang pagkain ko saka ako umakyat sa kwarto namin ni Arce para ilabas ang luhang kanina ko pa pinipigilan.

"France!!!"... narinig kong sigaw ni Arce kaya agad kong pinunasan ang mga luha ko saka ako pumasok sa banyo para maghilamos, ng makalabas ako ay binuksan ko ang pintuan ng kwarto namin ni Arce.

"Bakit?"... tanong ko dito, lumunok naman ako saglit para hindi nito mahalata ang garalgal ng boses ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hilain ang kwelyo ng damit ko saka niya ako pabalibag na itinulak sa may pader.

"A-arce na-nasasaktan a-ako"... naiiyak na sabi ko dito ngunit hindi ako nito pinansin, mas lang nitong hinigpitan ang pagkakahawak niya sa kwelyo ng damit ko saka niya ako hinila papasok ng kwarto at itinulak sa may kama.

Mabuti na lang at naitulak ko ang sarili ko sa may kutson dahil muntikan ng tumama ang mukha ko sa may kahoy na parte ng kama.

"Sa susunod na magpapapasok ka ng bisita dito sa bahay hindi lang yan makukuha mo"... sabi nito habang madiin niyang hawak ang baba ko.

Patuloy pa din ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko dahil sa ginawa nito.

Ng hindi ako sumagot dito ay mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak niya sa baba ko.

"Na-nasasaktan ako A-arce"... umiiyak na sabi ko dito bigla naman niya akong binitiwan saka niya ako itinulak pahiga sa kama.

Agad ko namang kinuha ang kumot ko saka ko tinakpan ang sarili ko, patuloy pa din ako sa pag iyak dahil sa sakit ng likod at maski na din ang mukha ko.

"Sa susunod na gawin mo pa iyon Francine! Hindi lang yan ang makukuha mo saakin!"... sabi nito saka niya malakas na isinara ang pinto.

Nagulat naman ako dahil doon kaya mas lalo akong napaiyak.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako dahil sa kakaiyak.

Pumasok na muna ako sa banyo para ayusin ang sarili ko, ng tignan ko ang sarili ko sa salamin ay tila natakot na akong tignan pa ang sarili ko sa salamin.

Halata ang pamumugto ng mga mata ko, halata ding namumula ang baba ko.

Ng tanggalin ko ang t-shirt ko, ay mas lalo akong napaiyak ng makita ang mga pasa sa katawan ko.

Naging masama ba akong tao noon para maranasan ko ito?

Ano ba ang ginawa ko para maranasan ko ito?

Anong klaseng parusa ito?.

Lumabas na ako ng banyo saka ako umupo sa sahig at isinandal ang likod ko sa kama namin ni Arce. Hindi ko na nagawa pang isuot muli ang tshirt ko dahil sa sobrang panlulumo.

"Why are you doing this Mr. Monpiér?"... wala sa sariling tanong ko dito.

"Simply because I can't afford to see you break down, makita pa nga lang kitang umiyak ay hindi ko na kaya"... seryosong sabi nito.

Bigla kong naalala ang sinabi ni Raja saakin kahapon.

Napangiti ako ng mapait ng maalala ko ang sinabi nito.

Dahil alam ko sa sarili ko na may gusto ako dito ngunit kailangan kong pigilan ang nararamdaman ko para na rin sa kaligtasan nito.

—————————————————————————————————————————————————
A/N: gusto kong sakalin si Arce, kaso ng maisip ko kung anong mangyayari dito ay hinayaan ko na lang, mas matindi kasi ang mangyayari dito kesa sa pagsakal ko dito. Chaar!

So nababaliw nanaman ako.

Anywaysss!!! Thank you to my readers! For supporting this story 😊😊 I appreciate it a lot!

Happy Reading! ❤️💕

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now