Chapter 26

41 4 0
                                    

KASALUKUYAN....

𝓡𝓪𝓳𝓪

1 linggo na ang lumipas simula ng dalhin ni Shiro si Francine dito sa ospital, isang linggo na din itong hindi gumigising.

"Nasa labas yung gagong asawa niya, papasukin ko ba?"... tanong saakin ni Shiro.

Kumuyom ang kamao ko dahil doon, agad akong tumayo sa pagkakaupo ko saka ako dali daling lumabas.

"You bastard!!"... salubong nito saakin ngunit ang kamao ko ang sumagot dito. Napaupo naman ito dahil sa ginawa ko.

"Tayo"... seryosong sabi ko dito, tumayo naman ito saka siya lumapit saakin, aambahan sana ako nito ng suntok ng unahan ko ito sinuntok kong muli ang pagmunukha nito saka ko hinila ang kwelyo nito ay idiniin sa pader.

"Wala kang karapatan kay Francine"... seryosong sabi ko dito.

"Hah! Paanong wala akong karapatan? Eh kasal kami, ikaw ang walang karapatan sakanya"... sabi nito saka niya ako sinipa at sinuntok.

Akmang susuntukin ulit ako ni Arce ng biglang may pumigil dito.

"Bitawan mo ako!!"... sabi nito kay Dylan, sasampalin niya sana ito ng bigla siyang sikmuraan ni Dylan.

"Mukhang hindi mo sineryoso ang usapan natin Mr. Buenavista"... malamig na sabi ng pinsan ko.

Natahimik naman ito dahil sa sinabi ni Dylan.

Alam ko kung ano ang pinagusapan nila ni Dylan, ngunit hindi lahat ay sinabi saakin.

"Babalikan kita Monpiér!"... sabi nito saka siya umalis ng hospital ni Shiro.

Agad agad namang nagsilapitan ang mga gwardya dito sa hospital.

Tsk! Ngayon pa talaga sila dumating kung kailan tapos na ang eksena.

"Tighten the security, Travis Arce Buenavista is banned from coming here"... seryoso namang sabi ni Shiro na kalalabas lang ng kwarto ni Francine.

Lalapitan ko na sana si Dylan ng bigla kaming makarinig ng sigaw mula sa kwarto ni Francine kaya agad akong tumakbo papasok doon.

Nadatnan ko kung paanong pinagbabato ni Francine lahat ng bagay na nakikita nito kaya lumapit ako dito saka ko ito niyakap.

Ngunit tinulak nito ako palayo, at patuloy pa din siyang nagsisigaw at pinagbabato lahat ng bagay na mahahawakan nito, maski ang mga unan at kumot ay pinagbabato nito.

Lalapitan ko pa sana ito ng pigilan ako ni Shiro at Dylan.

"Wag ka munang lumapit"... sabi ni Shiro.

Pinanood na lang namin si Francine na magwala hanggang sa sumalampak ito sa sahig at umiyak ng umiyak.

It pains me,

It pains me to see you hurting like this Love.

Nang matapos nitong umiyak ay tumitig ito saakin, yung titig na miss na miss ko na.

Wait

Naalala na ba niya ako?

Lumapit ako dito saka ko siya inalalayang tumayo, ngunit nakakatitig pa din ito saakin. Ng maiupo ko ito sa higaan nito ay bigla niya akong tinulak palayo.

Mukhang hindi pa niya ako naalala.

"Gusto ko ng umuwi"... sabi nito kay Shiro.

"Rest for a few days, saka kita pauuwiin"... sagot ni Shiro saka ito tumalikod at lumabas na ng kwarto ni Francine.

Forgotten Memories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon