Chapter 6

50 8 1
                                    

𝓡𝓪𝓳𝓪

"Handa ka bang palayain siya kapag naalala na niyang tuluyan ang lahat?"...

Andito kami ni Dylan ngayon sa may mini botanical garden ng mansyon, matapos naming pag usapan ang issue sa Sweden ay biglang napunta kay Francine ang usapan namin.

"Pinaghahandaan ko na, I know that once she remembers everything there is also a big possibility that she can forget her memories with me"... deretchahang sabi ko sa pinsan ko.

Inexplain kasi saakin ni Shiro ang kundisyon ni Francine at hindi biro iyon, maalala man ni Francine ang nakaraan niya, may posibilidad naman na ako ang makalimutan niya.

"Raj, you know I can't stand seeing anyone of you getting hurt"... sinserong sabi ng pinsan ko.

"What can I do Dylan? Pain is a vital part of our lives, look at you you've experienced pain at its finest but now you are happy"...

Natahimik naman ito dahil sa sinabi ko, alam kong ayaw na ayaw ni Dylan na may nasasaktan saamin ganon kami kahalaga dito.

"Francine is married to the owner of Buenavista Medical Hospital, hanggang doon lang ang nakuha kong impormasyon so far"... sabi nito

Napaisip naman ako bigla dahil sa sinabi ni Dylan, kaya ko bang ibalik si Francine sa asawa nito kung sakali?.

"Love?"...

Napatingin naman kami pareho ni Dylan kay Francine na nag iikot ikot din dito sa botanical garden at mukhang hinahanap ako nito.

"She's depending her life to you cous, I hope it will not hurt you too much when the right time will come that she'll remember everything"... pagkatapos sabihin yon ni Dylan ay tinapik nito ang balikat ko saka siya umalis sa botanical garden.

Huminga naman ako ng malalim saka ako lumapit kay Francine.

"Love"...

"Ay palaka!, Loveee"... nakangiting sabi nito.

Nginitian ko ito pabalik, hinawakan ko naman ang kamay nito saka kami naglakad dito sa garden.

"Love, gusto kong lumabas ulit? Pwede mo ba akong ipasyal sa park?"... sabi nito habang nakapuppy eyes.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na pisilin ang pisngi nito dahil sa kacutean nito.

"Araay Lovesh mashakeeet"...

Patuloy ko pa ding pinisil ang pisngi nito at ng magsawa ako ay hinalikan ko pareho ang pisngi nitong namumula dahil sa pagpisil ko.

"Sorry, I can't help it ang cute mo kasi eh"... sabi ko dito saka ko siya niyakap.

"So pwede ba tayong lumabas love?"... tanong nito saakin.

At dahil mabait akong boyfriend ay agad akong tumango.

"Mag ayos ka na okay? Hihintayin kita sa parking lot"... sabi ko dito nakita ko ang excitement sa mga mata nito, tila isa siyang bata na sobrang saya dahil napagbigyan ang gusto nito.

"Thank you Lovee!"... masayang sagot nito saakin at hindi ko din inaasahan ang biglang paghalik nito saakin.

Naramdaman ko namang uminit ang tenga ko dahil sa ginawa nito. Alam kong aasarin nanaman ako nito kaya agad ko itong hinila palabas ng botanical garden atsaka ko siya hinila pabalik ng masyon.

Pinaakyat ko na ito sa kwarto namin, habang hinihintay ko ito ay tinawagan ko ang private investigator namin ni Dylan.

"Good morning your highness, what can I do for you?"...

"I want you to..."

Matapos kong kausapin ang P.I namin ay sakto namang nakababa na si Francine.

"Ready to go Love?"... nakangiting tanong ko dito.

Simple lang ang suot nito pero nadadala nito ang kasuotan niyang iyon.

"Yees Love"... halatang excited ito. Agad itong lumapit saakin saka niya inangkla ang kamay nito sa braso ko.

Lumabas na kami ng mansyon, saka ko siya inalalayang makasakay ng passenger seat, sinigurado ko ding naisuot ko ng mabuti ang seatbelt nito.

Ng masigurado kong maayos ang pagkakalagay ko ng seatbelt nito ay agad akong sumakay ng driver's seat at sinimulang paandarin ang kotse ko papunta ng park.

Habang nasa biyahe ay naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko na nakahawak sa manibela.

"Naglalambing ang Love ko ngayon ah"... sabi ko dito matapos kasi nitong hawakan ang kamay ko ay sumandal ito sa braso ko.

"Masaya lang ako Love"...

Napangiti ako ng maluwang dahil doon kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nito.

Isang oras din ang byinahe namin bago kami makarating sa parke. Matapos kong magpark ay agad ko itong inalalayan palabas ng kotse ko saka kami nagsimulang maglakad.

Napansin ko ang mga lalaking napapatingin kay Francine kaya inakbayan ko ito.

See that fuckers? She's mine! Sabi ng isip ko. Mahirap na baka iwan ako bigla ni Francine dito sa park hehe.

Nagulat naman ako ng biglang kumalas sa pagkakaakbay ko si Francine saka ito tumakbo.

Akmang hahabulin ko ito ng makita ko kung anong ginawa nito.

May bata kasing nadapa na agad namang tinulungan ni Francine.

"Yan sa susunod dapat wag ka ng iiyak pag nadapa ka okay?"... narinig kong sabi nito sa bata na tumigil na sa pag iyak.

"Nakuu, thank yo—- Casella?"... gulat na gulat na sabi ng babaeng palagay ko ay nanay nung bata dahil kamukhang kamukha niya ito.

Lumapit na ako sakanila saka ko inakbayan si Francine na mukhang naguguluhan dahil sa itinawag sakanya ng babaeng kaharap namin ngayon.

"D-do you know me?"... tanong kaagad ng nobya ko dito, halata naman na naguluhan ang babaeng kaharap namin dahil sa tanong ni Francine sakanya.

"Casella its me, Kaname"... sabi ng babae

Pero may nararamdaman akong kakaiba sa babaeng ito at hindi ako natutuwa dahil mukhang hindi katiwa tiwala ang taong ito.

"Im sorry but she doesn't you"... ako na ang sumagot dito.

Napansin ko namang napatingin saakin itong Kaname saka siya ngumisi, akala niya siguro ay hindi ko iyon napansin.

"Is that so? Im sorry I think I mistook you with someone elses"... sagot nito saka niya inakay ang anak at tinalikuran na kami.

"Naiirita ako sa babaeng yon"... biglang sabi ni Francine ng makaalis ang Kaname na yon, habang ako ay nanatiling seryoso dahil sa tinuran nung babaeng iyon kanina.

"Love"...

Napailing naman ako dahil doon, saka ako tumingin kay Francine na mukhang galit, ngayon ko lang nakita ang ganitong itchura nito kaya medyo kinabahan ako.

"Yes Love?"...

"Naiirita ako sa babaeng yon, sayang ang cute pa naman ng anak niya kaso yung nanay mukhang ewan"... sabi nito na seryoso pa ding nakatingin sa daan kung saan dumaan yung babaeng iyon kanina.

Napatanga naman ako dahil sa sinabi nito, sa isang taon na nakasama ko ito ngayon ko lang talaga nakita ang side na ito ni Francine.

Matapos sabihin yon ay bigla akong nginitian nito saka iginiya na maglakad at mag ikot ikot pa din dito sa parke.

What the fuck is happening?

—————————————————————————————————————————————————-
A/N: medyo boring ang chapter na ito bawi ako sa next promise!

Happy reading ❤️

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now