Chapter 4

54 7 0
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

Andito kami sa mall ngayon nila Raja at Baby Perrie, una naming pinuntahan ang arcade dahil gusto daw matry ni Baby Perrie ang kumuha ng stuff toy gamit ang claw machine.

Perrie is already 6 years old, pero napakatalino ng batang ito, natutuwa ako dito dahil parang nararamdaman nito ang nararamdaman ko.

Yung baby ko kaya ganito din kaya siya?

Wait? Where did that thought came from?

"Okay ka lang ba Love?"... tanong saakin ni Raja habang bantay nito si Perrie na naglalaro sa may machine kung saan maraming stuff toys.

Ngumiti ako dito, ayaw kong maapektuhan ang kasiyahan naming tatlo dahil lang sa iniisip ko.

"Yes Love okay lang ako"... sagot ko dito.

"Titoo, Titaa look!"... masayang sabi saamin ni Perrie habang pinapakita nito ang mga stuff toy na nakuha nito.

Natawa naman kami ni Raja dahil sa kacutean nito.

"Ang ganda naman ng anak ninyo"... sabi saamin ng isang babae habang malagkit na nakatingin kay Raja.

Umangkla naman ako sa braso ng nobyo ko para makita nito na andito ako.

"Thank you"... sagot ko sa babae, nagulat ako ng taasan ako nito ng kilay saka niya ako inirapan at umalis na sa harapan namin.

Hindi ko ito masisisi talagang napakagwapo ni Raja, kung tutuusin silang lahat na magkakaibigan ay may kaniya kaniyang kakisigang taglay.

"Titaa, Titoo let's goo!"... magiliw na sabi ni Perrie saka niya kami hinila ni Raja sa isa pang machine kung saan malalaking stuff toys naman ang kailangan kunin.

"Gusto mo ba ng ganito Love?"... tanong saakin ni Raja habang nakaturo sa malaking strawberry na stufftoy.

"Sige Love, galingan mo okay?"... pagchecheer ko dito, kinindatan naman ako nito saka siya nag insert ng token sa may machine.

First try pa lang nito ay nakuha na kaagad niya yung strawberry na stufftoy.

"Yeheeey! Tito ako din po gusto ko po yung panda na stufftoy"... turo ni Perrie sa ulo nung panda.

"Sure baby"... sagot nito sabay kindat saakin.

Hawak ko lang ang kamay ni Perrie habang si Raja ay naglalaro sa claw machine.

Matapos ang ilang minuto ay nakuha ni Raja ang stuff toy na gusto ni Perrie kaya ang bata ay tuwang tuwa, kinailangan pa naming bumili ng eco bag na malaki para mailagay lahat ng stuff toy na nakuha nila ni Raja.

"Kain muna tayo saka natin ituloy ang paglilibot"... sabi ni Raja, tumango naman ako saka namin hinawakan ang kamay ni Perrie.

Sa itchura namin ngayon para kaming isang masayang pamilya, hindi din nakatakas sa paningin ko ang tinginan ng mga tao saamin.

Pumasok kami sa isang restaurant na mukhang pambata dahil sa disenyo nito. Napakaganda din kasi ng kulay nito, lahat ay pastel colors napuno din ng hello kitty stuffs ang loob ng restaurant kaya tuwang tuwa si Perrie ng makapasok kami dito.

"Love anong gusto mong kainin?"... tanong saakin ni Raja habang nakatingin sa menu.

Automatic naman akong napatingin sa isang putahe na sa pakiramdam ko ay parang pamilyar na pamilyar saakin.

"Gusto ko tong Bacon Burger with Fries love"... masiglang sabi ko dito.

Napansin ko namang natigilan si Raja dahil sa sinabi ko.

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now