Chapter 2

94 8 1
                                    

𝓡𝓪𝓳𝓪

"So babalik kayo ni Francine sa lugar na yon?, paano kung nakaalala siya? Paano ka?"... tanong saakin ni Shiro matapos naming mag agahan.

Andito kami sa terasa ng kwarto ni Dylan. Mas maganda kasing mag usap dito dahil walang nakakarinig kahit na sino.

"Hindi ba iyon naman ang dahilan ko kung bakit babalik kami doon ni Francine? Maybe its time for the both of us to face this"... sagot ko dito.

Isinandal ko ang dalawang braso ko sa railings ng terasa saka ko tinignan ang mga bulaklak sa garden namin.

"Paano ka kung nakakaalala na siya?"... tanong ulit nito saakin.

"Edi hahayaan ko siya kung saan siya masaya, in the first place she's not mine, alam kong may nag mamay ari na sakanya bago pa niya ako makilala"...

Naramdaman kong tinapik niya ang balikat ko saka din niya isinandal ang braso nito sa railings.

"You have all the means to make her stay, but still you are choosing her happiness"... sabi nito.

"What can I do? That's how much I love her, if remembering her forgotten memories makes her happy then I'll be happy"... sabi ko dito habang pinapanood ko ang pagbukas ng mga sprinklers sa garden.

"Even if it pains you?"...

Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Kaya agad akong napatingin para kumpirmahin kung sino iyong nagsalita.

"Dy-lan?"... hindi makapaniwalang sabi ko dito.

Maski si Shiro ay hindi din makapaniwala sa nakikita nito.

"Hey guys, alam kong sound proof ang kwarto ko pero nakalimutan niyo atang may tenga lahat ng pader ko"... nakangising sabi nito.

Agad naman kaming lumapit ni Shiro dito saka kami yumakap dito.

"We missed you"... sabi ko dito, tinapik niya ang balikat ko saka siya humiwalay at si Shiro naman ang niyakap nito.

"Aherm"...

Napatingin ako sa may gawing pintuan at doon nakatayo si Nick.

"Nickelodeon"... sabi ko sabay lapit din dito at nag bro hug kami.

"Kamusta kayo dito? Nakakamiss na eh kaya naisipan na naming umuwi ni Dylan dito"... sabi nito.

"Suus di mo lang magawa ang gusto mo sa palasyo dahil nakabantay si lolo sayo"... natatawang sabi ko dito.

Mahigpit kasi si lolo pagdating sa royal duties nila ni Dylan kaya panigurado ay naninibago pa ito dahil hindi naman siya sanay sa mga ganoong gawain.

"Kayo lang ba ang umuwi?"... tanong ko kay Nick na nasa tabi na ng asawa.

"Yuup, si Llouis at Lés sa makalawa pa uuwi"... sagot nito.

"So hindi mo ba ipapakilala saamin yung nobya mo?"... nakangiting sabi ni Dylan saakin pero ang mata nito ay hindi ko mabasa.

Tumango naman ako saka ako lumabas saglit ng kwarto ni Dylan para hanapin si Francine, pumunta muna ako sa kwarto namin para tignan kung andoon siya pero wala ito doon, pumunta ako sa kusina at living area pero wala ito doon.

Nasaan kaya siya?

"Love?"... pagtatawag ko.

Lumabas pa ako ng bahay para hanapin ito at doon nakita ko siya sa may garden namin habang nakaupo sa pagitan ng mga rosas na halaman namin.

"Love"... pagtawag ko.

Agad naman siyang tumingin saakin saka niya ako nginitian, at ang puso ko parang aatakihin dahil sa ngiting iyon.

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now