Chapter 22

40 5 2
                                    

1 YEAR HAD PASSED simula ng ikasal kami ni Arce, masasabi ko namang masaya ang unang taon ng pagsasama namin, in 1 year natapos na ding maipatayo ni Arce ang ospital na pangarap nito dahil na din sa tulong ng mga magulang ko, habang ako naman ay isa ng CEO ng isang fashion line dito sa Pilipinas.

And also I am 5 months pregnant hihihi... masaya ako dahil magkakababy na kami ni Arce, naalala ko pa ang gulat nito ng malaman niyang buntis na ako, tila hindi ito makapaniwala na magiging ama na ito.

Matapos niyang malaman iyon ay niyakap niya ako ng mahigpit ngunit kinailangan niyang umalis dahil dumating na ang deliveries ng mga hospital equipment na kailangan niya.

Andito ako sa bahay ngayon, nag absent muna ako sa work dahil ngayon ang Wedding anniversary namin ni Arce, maaga akong nagising para paghandaan itong araw na ito.

Isa isa kong nilabas ang mga pinamili ko kahapon sa grocery dahil magluluto ako ng pang dinner namin ni Arce mamaya. Tinawagan ko naman si Arkin at Hera para tulungan ako, dahil bawal daw akong magbuhat ng kung ano ano dahil sensitive ang pagbubuntis ko.

"Thank you talaga sa pagpunta niyo"... pasasalamat ko sa magkasintahan.

"Ano ka ba, wala yon atchaca hindi ka pwedeng magpagod, nakoo ang inaanak ko France ingatan mo"... sabi saakin ni Hera, natawa naman ako dahil dito.

Buong araw kaming nag ayos at naghanda nila Hera at Arkin, hanggang sa sumapit ang alas sais. Kinailangan ng magpaalam ng magkasintahan dahil may lakad pa daw ang mga ito.

"Ingat ka dito France okay? Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka"... sabi ni Hera saka ako nito niyakap pati na rin si Arkin.

Matapos non ay umalis na sila habang ako ay naiwan dito sa bahay, tinitignan ang dekorasyon na buong araw naming pinaghandaan maski ang mga pagkain na niluto ko.

Nilabas ko naman ang cellphone ko saka ko tinext si Arce na agahan nito ang pag uwi, wala akong nakuhang sagot dito pero sigurado akong nabasa nito ang message ko.

Naupo muna ako sa sofa para makapagpahinga habang naghihintay, simula ng magbuntis ako ay nagiging antukin at madali akong mapagod.

Tinignan ko ang orasan 6:30 na panigurado maya maya ay uuwi na yon, kaya ipinikit ko muna ang mga mata ko hanggang sa di ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising ako bigla para tignan ang oras, nakatulog pala ako dito sa sofa, ng tignan ko ang orasan ay 10pm na, madilim ang paligid dahil pinatay ko ang ilaw. At wala pa din si Arce hanggang ngayon.

Inilabas ko ang cellphone ko saka ko idinial ang numero nito saka ko ito tinawagan, nagriring lang ang cellphone nito.

Pumunta ako sa may switch ng ilaw saka ko ito binuksan, patuloy ko pa ding tinawagan ang number ni Arce pero hindi ito sumasagot.

Kaya naisipan ko na lang na pumunta sa ospital nito. Agad kong kinuha ang susi ng kotse ko saka ko pinaharurot papuntang ospital ni Arce ang Buenavista Hospital and Medical Center.

Nang makarating ako doon ay agad akong dumeretcho sa lobby saka ko tinanong kung andito si Arce.

"Nakuu Ma'am kasama niya po si Ms. Ryota kanina, sabay po silang umalis kanina"... sabi ng nurse na kinausap ko dito sa may lobby.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi ng nurse, agad agad akong lumabas ng hospital saka sumakay ng kotse ko at pinaharurot ito papunta sa condo unit ni Arce.

Nalaman ko kasi kung saan ang condo unit nito dahil sinundan ko ito noon ng patago.

Madiin kong tinapakan ang selinyador kaya bumilis ang pagmamaneho ko.

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now