Chapter 25

45 5 2
                                    

2 MONTHS have passed pero hindi pa din ako makaalala, dumaan na ako sa iba't ibang therapy ngunit wala pa din akong maalala kahit na isa.

Humihikab pa ako na bumababa ng hagdan ngayon, ng mapansin kong may piano sa gilid na banda ng living room, kaya agad agad akong bumaba saka ko ito binuksan.

Halos magningning ang mata ko ng mahawakan ko ulit ang mga keys ng piano. Kaya agad agad akong naupo saka ko sinimulang tumugtog.

(NP: Heaven knows by: Rick Price cover by Morissete Amon)

She's always on my mind
From the time I wake up
Till I close my eyes
She's everywhere I go
She's all I know

Though she's so far away
It just keeps getting stronger
Everyday
Even though she's gone
I'm still holding on

So tell me where do I start
Cause its breaking my heart
Don't wanna let her go

Maybe my love
Will come back someday
Only heaven knows
Maybe our hearts
Would find a way
Only heavens knows

All I can do is hope and pray
Cause heaven knows...

Di ko namalayan na habang tinutugtog at kinakanta ko ang kantang ito ay isa isa na pa lang tumutulo ang mga luha sa mga mata ko.

All I can do is hope and pray....

While I live in despair
Wide awake Im dreaming
I know she's never there
Of all the times
I act so brave
I'm shaking inside
Why does it hurt me so.....

Hanggang sa nauwi sa hagulgol ang pag iyak, hindi ko alam kung bakit ganito kasakit ang nararamdaman ko, tila pinupunit ng paulit ulit ang puso ko, ngunit hindi ko alam kung ano ang dahilan, pakiramdam ko may kinuha saakin.

Napatingin ako sa lalaking bigla na lang umupo sa tabi ko, saka nito iginiya ang ulo ko na isandal ito sa braso nito.

"Ra-raja?"...

"Just cry, don't hold back"... iyon lang ang sinabi nito.

Bigla nanaman akong napaiyak dahil sa kantang itinugtog ko, ano bang nangyayari saakin? Bakit ganito ang pakiramdam ko? Why do I feel like a lose someone so dear to me?

Nang matapos akong umiyak ay inayos ko na ang sarili ko saka humarap kay Raja na nakatitig saakin ngayon.

Iyong titig niyang yon na nagpapabilis sa tibok ng puso ko ngayon sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko.

Nginitian ko ito ng sinserong ngiti.

"Salamat"... sabi ko dito.

Ngunit nakatitig lang ito saakin na tila minememorya niya ang itchura ko.

"M-may dumi ba sa mukha ko?"... tanong ko dito.

Bigla na lang itong umiling saka ito biglang tumayo at umalis sa living area. Nagtaka naman ako dahil sa tinuran nito.

Isinara ko na ang piano saka ako umakyat muli sa 3rd floor kung saan ako tumutuloy ngayon.

Nang makarating ako sa kwarto ko ay dali dali akong nahiga saka nagtalukbong ng kumot.

Ngunit bigla ulit akong napabangon.

Naalala ko kasi bigla ang tinuran ni Raja kanina, ano bang nangyari doon? Bigla bigla na lang nag iba ang trato nito saakin.

Lalo na kanina, anong ibig sabihin ng tingin niyang iyon?

Haaayst!

Nahiga na ulit ako sa kama ko saka nagtalukbong, bigla kasing sumakit ang ulo ko.

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now