Chapter 9

45 5 0
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

Nabalikwas ako ng bangon ng magising ako, tinitigan ko ang paligid ko, Andito pala ako sa clinic ng kompanya ko.

"Mrs. Buenavista okay ka lang po ba?"... agad na tanong saakin ni Daisy ang sekretarya ko.

Dahan dahan naman akong tumango habang iniisip ko kung paano ako napadpad dito sa clinic.

Oo nga pala sumakit nga pala ang ulo ko kanina because of a sudden flashback.

Pero sino ang nagdala saakin dito?.

"Ahm, Daisy? Sino pala ang nagdala saakin dito sa clinic?"... tanong ko sa sekretarya ko

Napansin ko ang biglang pagpula ng pisngi nito kaya kumunot ang noo ko dahil sa tinuran nito.

"Ahm hehe ma'am ang swerte niyo hehehe"... sagot nito na tila nauutal pa.

Lalo namang kumunot ang noo ko dahil dito.

"Sino?"... seryosong tanong ko dito.

Agad naman itong umayos saka tumingin saakin.

"Si Mr. Monpiér po, nakuu ma'am usap usapan sa mall ngayon yung ginawa niya sainyong pagbuhat, para niyo kasi siyang nobyo dahil sa akto niya kanina"...

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko dahil sa sinabi ni Daisy, ang puso ko parang tinatambol.

"Where is he?"... agad na tanong ko dito.

"Umalis na po kanikanina lang ma'am, pero sabi po nito mag ingat daw po kayo sa susunod hihihi"... kilig na kilig na sabi ng sekretarya ko saakin.

Tinaasan ko naman ito ng kilay saka ako bumaba sa kinahihigaan ko.

I don't like this feeling of mine, bakit ganito ang puso ko ngayon?

Hindi ko namalayan ang oras dahil pagkalabas ko ng clinic ay dumeretcho ako sa opisina ko para ipagpatuloy ang trabaho ko.

Ng makauwi ako nagulat ako ng bigla akong hilain ni Arce saka niya ako idiniin sa may likod ng pintuan.

"Are you cheating on me?!"... galit na sabi nito saakin habang mahigpit pa din ang hawak nito sa kamay ko.

"A-arce na—sasaktan ako"... sabi ko dito ngunit mas lalo niya akong idiniin.

This is the first time, first time na gawin ito saakin ni Arce, and I don't like it.

Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko dahil sa ginawa nito, pakiramdam ko ay mababali na ang kamay ko dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa pulsohan ko.

"Kapag nalaman kong nanlalaki ka, ako mismo sisira jan sa kompanyang pinaghirapan mo"... bulong nito saakin saka niya ako binitawan.

Ako naman ay napahugulgol ng iyak dahil sa ginawa ni Arce.

Is he like this before? Bakit kasi hindi ko pa matandaan ang lahat? Did I made a rash decision of going home to him?

Ng maayos ko ang sarili ko ay pumasok na ako ng kwarto namin saka ako kumuha ng pambahay ko at pumasok sa Cr para maligo.

Habang nasa ilalim ako ng shower napatingin ako sa kamay ko na kanina lang ay hinawakan ni Arce, halata ang bakat ng kamay nito, panigurado ay magviviolet ito maya maya lang.

Paano ko kaya ito maitatago?.

Ng matapos akong maligo at magbihis ay lumabas muna ako ng kwarto namin ni Arce saka ako pumunta sa terrace para tawagan sila mommy ngunit hindi pa ako nakakatawag ay biglang may humila ng cellphone ko saka nito binato sa malayo ang cellphone ko.

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now