Chapter 18

41 5 0
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

Bigla akong napahawak sa ulo ko dahil sa sobrang sakit. Tila binibiyak ito ng paulit ulit.

Natumba ako bigla sa pagkakatayo ko. Tila nilalamon ako ng dilim sa sobrang sakit na nararamdaman ko, hindi lang ulo ko ang sumasakit saakin maging ang puso ko ay sumasakit at tila hinihiwa ng paulit ulit.

Pagapang kong inabot ang cellphone ko, saka ko priness ang speed dial #1

"He-help me"... yon na lamang ang nasabi ko bago ako nawalan ng malay.

*flashback of what happened before*

|A/N: mahaba haba pong flashback ito, it will take 3-4 chapters well it depends|

It was my first day as 4th year college, konting kembot na lang ay gragraduate na ako dito sa kursong kinuha ko, finally mas lalo na naming mapapalago ang business na itinayo ng mga magulang ko.

"Babe, let's go. Maaga pa ang pasok natin"... sabi saakin ni Arce ang fiancée ko.

Yes I have a fiancée, simula high school kami ay ipinagkasundo na kami ng mga magulang namin ni Arce iyon din ang naging tulay para mahulog kami sa isa't isa.

Masasabi kong hindi na magiging marriage for convenience ang mangyayari saamin ni Arce kundi marriage because we love each other.

Medisina ang kursong kinuha ni Arce samantalang business administration naman ang kinuha ko.

"Okay babe, recheck ko lang gamit ko kung kompleto okay?"... pag papaalam ko dito

Maglive in kasi kami nito, napagdesisyunan nila mommy at mommy ni Arce na patirahin na kami sa iisang bubong ngunit magkahiwalay ang kwarto namin nito kaya okay lang.

"Okay, hintayin kita sa labas"... sabi nito

Ng masiguro kong kumpleto na ang gamit ko ay agad akong lumabas ng kwarto ko saka ako lumabas ng bahay, sinigurado ko din na nailock ko ng mabuti ang pinto maski na ang mga bintana, mahirap ng manakawan ano kahit na dito pa kami sa loob ng village nakatira.

Agad akong sumakay sa kotse ni Arce.

Hinawakan naman nito ang kamay ko saka niya hinalikan ang likod ng palad ko, saka niya sinimulang paandarin ang kotse nito.

Walang araw na hindi pinaramdam saakin ni Arce kung gaano niya ako kamahal. Naiset na din pala ang date ng kasal namin. Bago ito kumuha ng doctorate degree nito ay magpapakasal na kami.

"Babe, ang lalim ata ng iniisip mo"... sabi nito habang nasa daan kami papunta sa school, parehas lang kasi kami ng university na pinapasukan ni Arce.

"Iniisip ko lang kung anong magiging future nating dalawa babe hehe"... sagot ko dito.

Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at bakas din dito ang ngiti sa mga labi nito.

Napakaswerte ko dahil nakilala ko ang gwapo, matalino, mabait, dedicated na lalaki na kagaya ni Arce. Alam ko ding madami akong kaagaw dito ngunit hindi niya ito pinapansin dahil ako lang ang mahal nito.

Ng makarating kami sa school ay agad naman akong sinalubong ng mag jowang Hera at Arkin, mga kaibigan ko sila simula high school, sila lang talaga ang kinaibigan ko simula't sapul.

"Halatang in love na inlove ah"... sabi ni Hera saka kami nagbeso beso.

"Che! Akala mo ikaw hindi"... pang aasar ko dito

Tinitigan naman nito si Arkin na may pataas taas pa ng kilay.

"Ako inlove sa unggoy na ito?"... sabi ni Hera natawa naman ako dahil sa tinuran nito.

Mahilig kasing mang asar si Hera iyon na ata ang paraan niya ng paglalambing kay Arkin.

Magkakaklase nga pala kami nila Hera at Arkin kaya sabay sabay kaming pumapasok ng classroom.

Pumasok na kami sa classroom dahil malalate na kami, uupo na sana ako sa upuan ko ng biglang may umupo dito.

"Ahm excuse me, this is my seat"... sabi ko sa babaeng umupo sa upuan ko.

"Oww sorry, Im a transferee here kaya hindi ko alam, my apologies"... sabi nito

Mabuti na lang at bakante ang upuan sa tabi ko kaya pinalipat ko na lamang ito sa katabing upuan ko.

"Thank you, by the way I am Kaname"... nahihiyang sabi nito

"Francine Casella"... pagpapakilala ko naman dito.

Simula non ay naging magkaibigan kami ni Kaname, noong una ay okay lang si Hera at Arkin dito pero ng lumaon ay biglang naging mailap ang magkasintahan dito.

"Hera bes, may problema ba kayo kay Kaname?"... tanong ko sa kaibigan ko, wala kasi si Kaname ngayon absent daw siya dahil may kailangan daw siyang puntahan.

Pinaghahandaan ko na din pala ang nalalapit na kasal namin ni Arce, napagdesisyunan kasi ng mga magulang namin na pagkatapos ng graduation na lang ang kasal namin ni Arce.

"Bes, kilala mo ako kapag ayaw ko sa isang tao nagiging mailap talaga ako"... sagot nito saakin, ngunit hindi ako kumbisido sa sagot nito.

Kung ganon bakit pati si Arce ay iniiwasan nila?.

"Hmm, okay. Oo nga pala ikaw ang maid of honor ko ha?"... excited na sabi ko dito.

Kung dati rati ay excited si Hera sa kasal ko ngayon ay mas lalo kong napapatunayan na may kakaiba nga dito na may mali talaga, na may alam sila na hindi ko alam.

"Sure"... tipid na sabi nito.

Akmang magsasalita ako ng biglang humahangos na tumakbo si Kaname papasok ng classroom, sa itchura nito mukhang may inattendan siyang kasal.

"Akala ko aabsent ka?"... tanong ko dito.

"Tapos na kasi yung event na pinuntahan ko, kaya I decided na pumasok na lang"... sagot nito saakin saka siya umupo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

"Ganon ba?, anong event ang pinuntahan mo?"...

"Hehe kasal ng pinsan ko"...

May sasabihin pa sana ako ng biglang mag salita si Hera na nasa tabi ko din, napag gitnaan kasi nila ako ni Kaname.

"Ah ganon ba? Akala ko ikaw ang kinasal eh"... pambabara nito.

Bigla ko namang kinurot si Hera dahil dito pinanlakihan naman niya ako ng mata dahil sa ginawa ko.

"Ikaw talaga kung anong pinagsasabi mo"... bulong ko kay Hera.

"Tsss"... sabi nito saka niya inirapan si Kaname na ngayon ay naguguluhan sa inakto ni Hera sakanya.

"Pagpasensyahan mo na si Hera, may dalaw kasi siya ngayon. Alam mo na hehe kaya nagsusungit"... hinging paumanhin ko kay Kaname, naramdaman ko naman na kinurot din ako ni Hera kaya pinalo ko ang kamay nito.

"Hehe, okay lang naiintindihan ko Casella"... mahinhing sabi ni Kaname.

Narinig ko naman na tila may binulong si Hera sa sarili nito, tatanungin ko na sana ito ngunit pumasok na ang teacher namin kaya hindi ko na ito nakausap pa.

—————————————————————————————————————————————————
A/N: get excited for the following chapters 😊

Happy reading! 💕

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now