Chapter 5

50 8 0
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

Nakahiga na ako sa kama ngayon habang iniisip pa din kung sino ang lalaking iyon, na mukhang kilalang kilala ako.

Matapos naming ihatid si Baby Perrie sa bahay nila ay inihatid ako ni Raja dito sa mansyon saka siya umalis ulit, ang sabi nito ay may kakausapin lang ito.

Dahil sa pagod ay dumeretcho na ako dito sa kwarto namin saka ako nagbihis at humiga dito sa gitnang parte ng kama. I don't know why but I have this uncanny feeling of liking this part of the bed, the middle part. pakiramdam ko kasi ay nakakapag isip ako ng mabuti kapag andito ako sa space na ito.

*flashback*

"Congratulations my baby, hindi na kita pwedeng tawaging baby dahil itong mapapangasawa mo na ang tatawag sayong baby"... nakangiting sabi saakin ni Mommy habang inaalalayan nila ako ni Daddy pababa ng hagdan.

"Mommy, ako pa din ang baby niyo ni Daddy don't worry"...

"I'm happy for you, finally natupad ang pangarap namin ng tita Tina mo na magkatuluyan kayo ni Travis"... sabi ni mommy na maluha luha pa.

I'm wearing a wedding gown, kulay pink ito na lacey style.

*end of flashback*

Napabalikwas ako ng bangon dahil sa ala alang iyon.

Gulat na gulat ako sa ala alang iyon.

Ibig sabihin ikinasal ako? Sino si Travis? Sino ang napangasawa ko?.

Naalala ko na ang mukha ng mga magulang ko, pero bakit hindi ko pa din maalala kung sino ang napangasawa ko.

"Love, can you go down for awhile. May bisita ka"... narinig kong sabi ni Raja na nasa may pintuan ngayon. Nakayuko kasi ako ngayon habang iniisip ang ala alang iyon.

"Love?"... pagtawag nito.

"S-susunod ako"... sagot ko dito

Naramdaman ko namang lumapit ito saakin saka niya ako niyakap.

"Okay ka lang ba? May naalala ka nanaman ba?"... tanong nito saakin, alam na alam talaga nito kapag may naalala ako.

"Y-yes"... nauutal na sagot ko dito.

"Ano yon?"...

"My parents, my wedding pero hindi ko pa din maalala kung kanino ako ikinasal"... pag amin ko dito, naramdaman ko naman na natigilan ito dahil sa sinabi ko.

"A-actually love, your parents are waiting for you downstairs"... parang wala sa sariling sabi ni Raja saakin.

Agad naman akong umalis ng kama at derederetchong lumabas ng kwarto, halos patakbo na din ang pagbaba ko ng hagdan.

"Franciinee my baby"... salubong saakin ni mommy ng makita ako nito, agad akong lumapit dito saka ko siya niyakap ng mahigpit.

"Mommyy"... yakap yakap ko pa din ito ng mahigpit. Naramdaman ko din na yumakap saakin si Daddy.

"Babyy, andito na kami"... umiiyak na sabi ni mommy, kumalas naman ako sa pagyakap sakanila saka ko pinunasan ang luha ni mommy.

"Im happy mom, Im happy that finally I can remember you and dad"... sabi ko sakanila, napansin ko naman na natigilan sila dahil sa sinabi ko.

"Good evening Mr and Mrs. De Vera I would like to invite you for dinner"... narinig kong sabi ni Raja sa likuran ko.

Nagtaka ako ng biglang yumuko si mommy at daddy dito.

"Its our pleasure Mr. Monpiér"... nakangiting sagot ni mommy pero bakas pa din ang luha sa mga mata nito.

Iginawi naman nito ang mga magulang ko sa dining area, ng makarating kami doon ay inalalayan niya si mommy at daddy na maupo pati na rin ako.

"Thank you so much Mr. Monpiér for taking Francine with so much care, We are happy to know that she is here, safe and unharmed"... sabi ni Daddy kay Raja.

Ngayon ko lang napansin na tila may kakaiba kay Raja, why do I feel like my parents are intimidated by him?

"Its my pleasure Mr.De Vera, besides your daughter and I are happy together"... nakangiting sagot nito sa ama ko.

Naramdaman ko namang hinawakan nito ang kamay ko saka niya ipinakita sa mga magulang ko.

Napansin ko naman ang gulat sa itchura ng mga magulang ko na tila nagsisink in pa lang sakanila ang sinabi ni Raja.

Wala na akong narinig ni isang salita sa mga magulang ko, tahimik kaming kumain ng dinner pagkatapos non ay kinamusta ako saglit nila mommy at daddy saka sila nag paalam na aalis na at tatawagan na lang nila ako.

Noong una tinanong nila kung gusto ko na bang umuwi sakanila pero ako mismo ay umayaw sa hindi ko malamang dahilan. Hinayaan naman nila akong magstay dito, dadalhin na lang daw nila ang mga gamit ko sa susunod nilang pag bisita.

Ng makaalis ang mga magulang ko ay lumapit ako kay Raja saka ko ito niyakap ng mahigpit, isiniksik ko naman ang mukha ko sa dibdib nito.

"Thank you Love, for bringing my parents here"... sabi ko dito habang nakayakap pa din ako dito.

Naramdaman ko ang paghalik nito sa buhok ko saka niya ako niyakap ng mahigpit pabalik.

"Your welcome Love, thank you din dahil pinili mong manatili dito"... sabi nito.

"Hindi ko alam pero hindi kita kayang iwanan"... sinserong sabi ko dito.

Napaigtad naman ako ng bigla niyang sinundot ang tagiliran ko.

"Rajaaa"... sabi ko dito sabay palo ko sa braso nito. Bigla naman itong kumalas sa pagyakap saakin saka siya nagsimulang tumakbo.

Agad ko naman itong hinabol, paikot ikot kami ngayon dito sa living room dahil sa habulan namin. Napuno kami ng tawanan dahil para kaming bata na nagpipillow fight na.

Ng makaramdam ako ng pagod ay binuhat ako nito paakyat ng kwarto namin saka niya ako inihiga sa kama at kinumutan.

Nagbihis naman saglit si Raja saka niya ako tinabihan sa paghiga, ng makahiga ito ay agad akong umunan sa braso nito saka ako yumakap dito.

Sinuklay naman nito ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.

"Love, paano kung naalala mo na ang nakaraan mo? Gugustuhin mo pa din bang manatili sa tabi ko?"... out of nowhere ay bigla iyong tinanong saakin ni Raja.

"Love kung maalala ko man, masaya ako alam mo kung bakit?"... sagot ko dito.

Humarap naman saakin si Raja saka niya ako tinitigan.

"Bakit?"...

"Kasi finally, makakapagsimula na tayong dalawa, ramdam ko nahihirapan ka na dahil sa mga ala alang unti unti ko ng naalala, pero confident ako, maalala ko man iyon, hindi pa din non mababago ang kagustuhan kong makasama ka"... sinserong sabi ko dito.

"What did I even do to deserve someone like you Francine?, medyo gago ako noon eh, pero hindi ko alam kung anong nagawa ko para ibigay ka ng Diyos saakin"... sabi nito pagkatapos non ay bigla niya akong hinalikan sa labi,

Dampi lang ang halik na iyon pero iba ang epekto saakin, eto na ang pangalawang beses na hinalikan ako ni Raja sa labi.

"Good night Love,I love you"... sabi nito saka niya ako hinalikan sa noo.

"Good night too Love, I love you more"... sagot ko dito saka ko hinigpitan ang pagkakayakap ko dito, saka ko ipinikit ang mga mata ko at hinayaan ang pagod na lamunin ako sa pagtulog.

————————————————————————————————————————————————
A/N: happy reading 😊❤️💕

Forgotten Memories [COMPLETED]Место, где живут истории. Откройте их для себя