Chapter 34

62 7 0
                                    

𝓡𝓪𝓳𝓪

"Nadamage ang spinal cord ni Francine kaya hindi pa natin alam kung magigising pa siya, I'm sorry bro but I did my best, sa ngayon miracle ang kailangan natin"... sabi saakin ni Shiro.

Mahigpit ko namang hinawakan ang kamay ni Francine saka ko ito hinalikan.

"Love gising na, laban lang okay?"... sabi ko dito.

Isang linggo na din ang lumipas matapos ng insidenteng iyon, sisiguraduhin kong may kalalagyan si Buenavista pero sa ngayon ay nasa isang mental facility ito dahil may Dissociative Identity Disorder ito (DID) bigla biglang nag iiba ang personalidad nito.

Mabuti na lang din at nabuhay ako, madaming dugo ang nawala saakin dahil sa pagsaksak ni Arce saakin.

"Madami pa ding reporter sa labas, mukhang walang balak tumigil hanggat di ka nagbibigay ng statement"... sabi ni Jyph saka ito tumabi ng upo saakin.

Nilabas ko naman ang cellphone ko saka ko idinial ang numero ng Butler ko, matapos kong iinstruct dito kung anong dapat nitong gawin ay itinuon kong muli ang attensyon ko kay Francine.

Ganito ang naging eksena ko hanggang sa umabot ng pangalawang linggo, dalawang linggo ng hindi gumigising si Francine, mas lalong dumarami ang ikinakabit sa katawan nito.

"Love, wake up please.. Miss na miss na kita"... pakiusap ko dito, mahigpit ko namang hinawakan ang kamay nito.

"Please wake up, I still want to spend my whole life with you"... patuloy na sabi ko dito.

"Please wake up"... pakiusap ko dito.

Please God, I have been a jerk before but please wag mo munang bawiin saakin si Francine. Piping dasal ko.

"I love you so much, please don't leave me"... ramdam kong nagbabadyang tumulo ang mga luha ko.

Nawawalan ako ng pag asa dahil sa bawat oras, minuto at segundong lumilipas ay pakiramdam ko babawiin na saakin si Francine.

Ang pagkawala pa lang ni Railey noon ay hindi ko na matanggap, mas lalong hindi ko matatanggap kapag ang babaeng mahal ko naman ang babawiin saakin.

"I love you so much Francine, Love"... bulong ko dito, tumulo naman ang luha ko dahil doon.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay nito kaya ramdam ko ang biglang paggalaw ng kamay nito.

Bigla akong napatingin dito at kitang kita ko ang pagdilat ng mga mata nito.

"Love?? Can you see me?"... tanong ko dito, agad ko namang pinindot ang buzzer na nakakonekta sa nurses station.

"Excuse me bro"... sabi ni Llouis kaya tumabi muna ako, si Llouis ang sumuri kay Francine.

"Can you hear me Ms.Francine?"... naririnig kong tanong ni Llouis kay Francine ngunit nakadilat lamang si Francine kaya mas lalo akong kinabahan.

"If you can hear me can you move your fingers"... sabi ulit ni Llouis dito.

Tinignan ko naman si Francine na tila pinipilit pagalawin ang mga daliri nito, halata sa mukha nito na pinipilit nitong pagalawin ang mga daliri nito ngunit hindi nito magawa.

Kaya lumapit na ako dito saka ko hinawakan ang kamay nito.

"Love"...

"According sa x-ray nadamage ang spine niya, so she'll be suffering from paralysis, pero pwede natin siyang idaan sa therapy kaya pwede pa siyang magamot"... sabi saakin ni Llouis.

Forgotten Memories [COMPLETED]Where stories live. Discover now