Chapter 32

51 6 0
                                    

𝓡𝓪𝓳𝓪

Hindi pa din ako makapaniwala dahil sa sinabi nung babaeng sumugod kahapon sa penthouse ni Francine at mas lalo akong nagalit sa kadahilanang hindi sinabi saakin ni Francine ang totoo.

Wala ba itong tiwala saakin?

Nakailang tawag na siya saakin pero hindi ko magawang sagutin.

"Okay ka lang? Mukha kang problemado"... tanong saakin ni Llouis ng madatnan ako nitong nakaupo dito sa may living area.

"Wala to'"... sabi ko na lang dito.

"Napakaswerte mo sa girlfriend mo Raja nakuu"... biglang sabi ni Lés saka ito tumabi sa asawa saka ito sumandal sa braso nito.

Bigla ko namang naalala si Francine dahil doon, mahilig kasi itong sumandal saakin.

Haiiist! Get a grip of yourself Raja.

"Paano mo naman nasabi wifey?"... tanong ni Llouis sa asawa.

"Mabait, maganda, matalino"... nakangiting sabi ni Lés.

Tsk!

Nginitian ko na lang si Lés saka ako tumayo at umakyat na sa kwarto ko, gusto kong mag isip, pakiramdam ko kasi ay parang may mali.

Napatingin naman ako sa picture frame na nasa side table ng kama ko, nakalagay doon ang picture namin ni Francine. Akmang kukunin ko ito ng bigla ko itong mabitawan kaya nabasag ito.

Agad kong pinulot ay picture frame, hindi ko na napansin pa ang mga piraso ng salamin na nabasag kaya nasugat ko ang kamay ko.

Pupulutin ko na sana ang picture namin ni Francine ng biglang may pumasok sa kwarto ko.

"Anong nangyari? May narinig akong nabasag?"... tanong saakin ni Dylan na pumasok sa kwarto ko.

Ang lakas talaga ng pandinig nito. Tssh

"Nabitawan ko kasi yung picture frame kaya nabasag"... turo ko sa picture frame na nasa sahig pa.

Lumapit naman saakin si Dylan, tila may gusto itong sabihin base na din sa itchura nito.

"Raja, I have something to tell you"... seryosong sabi nito.

"What?"... tanong ko dito

Napansin ko na tila hindi alam ni Dylan kung saan magsisimula dahil napapakamot na ito sa mga palad niya.

"Tungkol saan ba iyang saaabihin mo saakin?"... tanong ko muli dito.

"Its all about Francine"... sabi nito.

Tinalikuran ko naman ang pinsan ko saka pinagpatuloy ang pagpupulot ko ng mga basag na bahagi nung picture frame.

"Raja listen to me"...

"Im not interested"... simpleng sagot ko dito.

"Si Arce ang pumatay sa anak ni Francine"... biglang sabi ni Dylan, napatigil naman ako sa ginagawa ko dahil sa narinig ko at tila nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig.

Bigla akong humarap kay Dylan saka ako lumapit dito.

"Ulitin mo ang sinabi mo?"... seryosong sabi ko sa pinsan ko.

"Si Arce ang pumatay sa anak ni Francine"... malamig na sabi nito.

"H-how? I-im confused"...

"Si Arce mismo ang nag abort ng batang nasa tyan ni Francine noon"...

Hindi ako makapaniwala dahil sa narinig ko.

Biglang napakuyom ang kamao ko dahil doon.

Magbabayad ng doble ang gagong iyon.

Forgotten Memories [COMPLETED]Där berättelser lever. Upptäck nu