Chapter 28

44 6 0
                                    

𝓕𝓻𝓪𝓷𝓬𝓲𝓷𝓮

"Why did Mr. Monpiér suddenly pulled out his investment?!"... galit na tanong saakin ni Mr. Fabian dito sa meeting room.

Nagkaroon kami ng emergency meeting dahil sa pag pull out ni Raja ng investment nito, at alam kong kasalanan ko ito.

"He didn't state the real reason"... iyon na lang ang naisagot ko.

Hindi naman na sila nagtanong pa, pero napagdesisyunan ng ibang investors na ipupull out na din nila ang investment nila na hinayaan ko naman.

This company will be managed by my dad starting next week, kasama ito sa plano ko. Para hindi magalaw ni Arce ang pinaghirapan ko lalo na pag sinimulan ko na ang plano ko.

Naiwan akong mag isa dito sa meeting room, habang tinititigan ko yung upuan kung saan laging umuupo si Raja sa tuwing may meeting kami.

Kamusta na kaya ito?

"Ma'am nasa labas po ang asawa niyo"... biglang sabi saakin ni Daisy.

Tsk! Anong ginagawa niya dito? Mukhang hindi ito busy ngayon.

"Papasukin niyo"... utos ko dito.

Pumasok naman ito saka ito lumapit saakin.

"Please Francine, umuwi ka na sa bahay please"... salubong agad saakin ni Arce ng makapasok ito sa meeting room.

Nakatitig lang ako sa malaking bintana kung saan tanaw ko ang siyudad.

"Please, please babe"... pakiusap nito.

Inikot ko naman ang upuan ko saka ako humarap kay Arce.

Nginitian ko ito ng matamis saka ko inilapit ang mukha ko dito.

"Hinding hindi ako uuwi doon"... sabi ko dito saka ako tumayo.

Akmang lalabas na ako ng opisina ko ng biglang may sinabi ito na nakapagpatigil saakin.

"Raja Monpiér"...

Hindi ako nagsalita, hinayaan ko lang si Arce na sabihin ang sasabihin nito.

"That bastard, ngayon ko lang naalala, siya nga pala ang naghatid sayo pauwi saakin haha, isn't it ironic Francine?"... sabi nito.

Napakuyom naman ang kamao ko ng maramdaman kong nasa likuran ko na ito.

"Go home to our house or say goodbye to that man"... sabi nito, kinilabutan din ako sa tono ng pananalita nito.

Tila ibang Arce ang nagsasalita sa likuran ko ngayon.

"Go on"... sagot ko dito ngunit iniisip ko kung paano ko proprotektahan si Raja. Hindi siya pwedeng madamay dito.

"Really?"... sigurado ako nakangisi si Arce ngayon.

"Let's see then"... sabi nito saka siya lumabas ng opisina ko.

Para akong nanghina dahil sa sinabi ni Arce kaya agad kong nilabas ang cellphone ko saka ko tinawagan si Raja, kailangan niyang mag-ingat.

Ngunit hindi sinasagot ni Raja ang mga tawag ko, nagriring lang ang cellphone nito.

Agad akong lumabas ng meeting room saka ako tumakbo papuntang elevator.

Kailangan kong puntahan si Raja.

Aish! Bakit ba ang tagal ng elevator ngayon. Maghahagdan na ako. Tinanggal ko muna ang heels ko saka ako tumakbo papunta sa emergency exit at patakbong bumaba ng hagdan hanggang sa makarating ako ng parking lot.

Ng makarating ako ng parking ay agad akong sumakay ng kotse ko saka ko ito pinaharurot papuntang Monpiér Corp.

At sa kasamaang palad ay traffic pa, kaya kinailangan ko pang mag hanap ng ibang routa para lang makarating sa kompanya nito.

Nang makarating ako ay agad akong pumasok sa kompanya nito saka dali daling sumakay ng elevator. Mabuti na lang at natimingan kong nagsisipasukan ang mga empleyado sa elevator.

Bakit na kasi sa 20th floor pa ang opisina nito? Haaist.

Matapos ang ilang minuto ay nakarating ako sa 20th floor agad akong lumapit sa sekretarya nito na mukhang nagulat sa presensya ko.

"Where is your boss?"... tanong ko agad dito.

"He's inside ma'am, do you have an appointment with him?"... tanong nito saakin.

"I need to talk to him, its urgent"... pakiusap ko dito.

Umalis naman ito sa pwesto nito saka siya kumatok sa pintuan ng opisina ni Raja.

"Mr. Monpiér you have a visitor"... sabi ng sekretarya nito.

"Who is it?"... narinig ko ang boses nito.

Yung boses niyang nagpapakalma ng puso ko.

"Its Ms. Francine"... sabi nito.

"Send her out"... narinig kong sabi ni Raja.

Nasaktan ako sa sinabi nito, pero alam kong kasalanan ko.

"Ms. Francine, you need to go"... sabi saakin ng sekretarya nito.

Napapikit ako ng mariin dahil doon, I need to talk to him.

Lumapit naman ako sa pintuan ng opisina ni Raja saka ko itinulak ang sekretarya nito saka ako dali daling pumasok at agad na inilock ang pinto nito.

Magsosorry na lang ako mamaya pero kailangan ko talagang makausap si Raja.

"What the fuck are you doing here?"... narinig kong sabi ni Raja.

Humarap naman ako dito saka ako nagsimulang maglakad papalapit dito.

"Raja"... pagtawag ko sa pangalan nito. Ngunit isang malamig na tingin lang ang isinagot saakin nito.

"You are here inside my company Mrs. Buenavista so you should be calling me Mr. Monpiér"... seryosong sabi nito.

If I call you Love would you listen to me now?

"I need to talk to you"... sabi ko dito agad naman akong naupo sa upuan na nasa harap ng lamesahan nito.

"I don't want to"... sagot nito saka ipinagpatuloy ang pagbabasa ng files nito.

"Please?"... pakiusap ko dito.

Pabagsak naman niyang ibinaba ang folder na hawak nito saka siya masamang tumingin saakin.

"Ano pa bang gusto mong sabihin Francine?! Ginawa ko na ang gusto mo! Ano pa ba ha?! Ano pa?!"... galit na sigaw nito saakin.

Hindi ako makapagsalita bigla dahil sa tinuran nito, at hindi ko din alam kung anong sasabihin ko dito.

"Kung wala ka ng sasabihin you can leave my office"... sabi nito akmang pupunta ito sa may pinto para buksan ito ng bigla akong magsalita.

"I swear to myself that I won't interact with a woman again aside from my cousin but now I guess I'll try again"... sabi ko dito, napansin ko namang napatigil ito sa gagawin ng dahil sa sinabi ko.

"Love, I'm sorry"... pagpapatuloy ko, nagsimula namang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"I'm sorry if I'm making this hard to you"...

Dahan dahan naman akong lumapit dito saka ko ipinagpatuloy ang pagsasalita.

"I'm sorry if I have forgotten you"...

Nagulat ako ng bigla itong humarap saakin saka niya ako hinila at niyakap.

"Stop"... sabi nito.

"I'm sorry Love for pushing you away"... sabi ko habang yakap yakap ako nito.

Ramdam ko ang higpit ng yakap nito saakin.

And in this moment, wala na akong pakialam kung masaktan ako, ang importante maprotektahan ko si Raja.

——————————————————————————————————————————————————
A/N: lugaw utak ko sa chapter na ito, sornaa

Happy reading! 💕💕

Forgotten Memories [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon