C48: Dealt With

73 10 0
                                    

Writinginnosense © Stories

***


CHAPTER 48

"Dealt With"


BIANCA'S POV


"Wait! Magtapat ka nga sa akin, ano?" Bungad ni Venus sa akin ng maiwan kamibg dalawa sa band room. Tapos na ang contest at okay lang na hindi muna sila pumunta sa band room dahil wala naman silang practice.

"Ano nga?" Pag-uulit ni Venus sa tanong niya sa akin. Kumunot naman ang noo ko kasi hindi ko naman maintindihan kung ano ang tinutukoy niya sa tanong niya.

"Anong ano?" Takang tanong ko habang nakaupo sa harap ng guitar set. "Kalat na kalat na kaya yung ginawa ni Matthew sa'yo kahapon. So tell me, bakit hindi mo siya sinagot?"

"Kasi..." napatingin ako kay Venus, hindi naman sa ayaw kong sabihin yung dahilan pero hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin. "...dahil kay Logan?" Direct to the point na sabi ni Venus. Bigla namang kumabog ang dibdib ko, kasi alam kong tama siya...

"Uhmm...o-oo." Napayuko ako.

"Sabi ko na e. Pero alam mo, parang may something kay Logan e. This time parang may mali. Hindi mali na mali, pero yung parang may gusto rin siya sayo." Napaangat naman ang tingin ko kay Venus.

"May gusto?"

"Oo kaya, iba na siya tumingin sayo. Nahuhuli ko siyang nakatitig sayo." Namula naman ako sa sinabi ni Venus, alam ko naman yung sinasabi niya, ayaw ko lang bigyan ng ibang kahulugan yun, ayaw ko na mag-assume gaya ng dati.

"Hindi naman siguro."

"Believe me. Tingnan mo kami ni Jonathan." Sabi ni Venus, as if on cue naman ay pumasok si Jonathan sa band room.

"Hi, ladies." Nakangiti niyang bati habang may dalang cake. "Wow, cake!" Nakangiting sabi ni Venus sabay kuha nung cake.

"Hindi mo man lang ba ako na-miss?"

"Hindi." Nakangising sabi ni Venus, napaiwas na lang ako ng tingin. Ang sweet naman ng dalawang to. Sa harapkopa talaga. "Venus, Jonathan, CR lang ako ah." Pagpapaalam ko, naiihi na rin naman na ako.

Agad akong pumunta ng comfort room at pumasok sa cubicle. Naisip ko na naman si Matthew, ano ba ang sasabihin ko? Nahihiya akong i-turn down siya, lalo pa't alamna ng lahat na nanliligaw siya sa akin, nakakahiya, at mahalaga si Matthew sa akin, kaibigan ko siya. Ano ba to? Ang gulo.

Nang buksan ko yung pinto ng cubicle ay nakita kong nakatayo sa harap ko si Alexa, may mga babae ring nasa likod niya. Lahat ay nakataas ang kilay sa akin and their hands are crossed over their chest.

"Alexa." Hindi ko alam kung bakit ako biglang kinabahan, wala naman akong dapat ikakaba, pero bakit ang sama ng tingin sa akin ni Alexa? Inisip ko na lang na baka ito yung favorite niyang cubicle kaya naman yumuko lang ako at papaalis na sana nang hawakan ni Alexa ng mahigpit yung braso ko.

"Sandali lang." Basta-basta na lang niya akong ibinalya pabalik sa cubicle. Agad akong napahawak sa braso ko. Ang tulis ng kuko niya, feeling ko bumaon sa braso ko. Napatingin na ako sa kanya. Nagtatakas kung bakit bigla na lang niya akong sinaktan.

"Bakit?" Narinig kong tumawa yung babae sa likod niya.

"Bakit? Ikaw lang naman ang dahilan ng pagkasira ng relationship niya with Logan, and with Lucas." Maldita nitong sabi.

Napalunok ako, my mind already recollects the memory of me finding the truth.

"H-hindi ko alam yung sinasabi mo." Bahagya kong inalis yung pagkakahawak niya sa braso ko atsaka sinubukang umalis pero itinulak lang ako ng mga kampon niya pabalik sa loob ng cubicle.

Chasing Chances.Where stories live. Discover now