C80: Past Meets Present

66 7 0
                                    

Writinginnosense © Stories

-


CHAPTER 80

"Past Meets Present"


VENUS' POV


Jonathan and I wasn't in good terms now. Ayaw niya na kasing patulan ko si Katherine, mauulit lang daw ang lahat, it's a cycle of hate pero anong magagawa ko? Naiinis ako sa kanya e. Bwiset na bwiset ako whenever I see her, dahil doon ay hindi maganda ang relasyon namin ngayon.

"Kung hindi ka magsasalita, bakit mo pa ako sinama?" Napabaling ang tingin ko kay Jonathan, inismiran ko lang siya dahil sa inis. Hindi ko siya isinama, sumama siya. Hindi kosiya pinilit, tinanong ko lang siya kung may ginagawa siya, hindi ko naman alam na pupunta pala siya rito.

Nasa mall ako at naghahanap ng susuotin para sa Alumni Homecoming this coming month. Golden anniversary na kasi ng first batch ng graduates ng ASA, and since kami ang graduating students ay naatasan kami na pumunta sa party, it's the tradition daw.

"Hindi kita isinama, nagtanong lang ako." Walang gana kong sabi sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Tsk. Wala ka pa ring nagugustuhan? Ang dami mo ng sinukat kanina." Bugnot na sabi nito sa akin. Ilang boutique na rin kasi ang napuntahan namin, ayokong magpasadya dahil hindi ako mahilig sa gown and cocktail dress, kung pwede lang kasing mag-casual attire na lang.

"Kung meron, edi hindi na ako naghahanap ngayon." Pumasok ako sa boutique na pagmamay-ari nina Kesha, agad namang lumapit ang isang saleslady.

"Ma'am, for what occasion po?" Nakangiti nitong tanong. "For Alumni Homecoming." Maikli kong sagot habang iniikot ang tingin sa paligid, akala ko kasi puro pink dito dahil iyon ang favorite color ni Kesha.

"Sa Academy of St. Aloysius po ba?" Tumango naman ako, mukhang hindi lang ako ang naghahanap dito, pati na rin ang ibang estudyante.

"This way po ang cocktail dresses." Sumunod naman kami, wala akong masyadong alam sa damit kaya yung maganda sa paningin ko ay ayun na ang kinukuha ko. I was planning to wear something between black or red pero etong si Jonathan, laging itinuturo yung blue.

"I want to try this on." Inismiran ko siya bago pumasok sa dressing room. Pagkalabas ko ay nakasimangot lang ito sa akin. "How is it?" Nakangiti kong tanong. Ayoko namang masira lang kami dahil sa Katherine na yun, na kulang sa pansin. "It's bad for you." Walang katuya-tuya niyang sabi.

"Argh! Ewan ko sayo!" Pumasok ako ulit at sinubukan yung blue na gusto niya, tsk, ang pangit-pangit sa akin, parang Santacruzan lang.

Pagkalabas ko ay wala pa ring pinagbago ang itsura niya, nakasimangot pa rin at walang kangiti-ngiti.

"I like it better." Walang gana niyang sabi.

"The black suits you better." Napaangat ang tingin ko doon sa nagsalita at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Pakiramdam ko namamalikmata lang ako, pakiramdam ko, hindi totoo ang nakikita ko, pero yung ngiti, yung ngiting iyon, hindi ako pwedeng magkamali, siya yun, sa kanya yun, yun yung ngiti niya.

"P-paolo?" Mas lalong lumaki ang ngiti niya sa akin at agad siyang lumapit at niyakap ako ng mahigpit. Naramdaman ko na mas lumaki ang katawan niya, mas nagkaroon ng muscles, he's a grown man now. Hindi ako makapaniwala na naging boyfriend ko siya. Maybe nakadagdag sa kanyang charisma ang bachelor aura niya. Mukha na siyang businessman kahit na naka-casual lang siya, plain white shirt, jogger pants and Vans pero sobrang laki ng pinagbago niya.

"I miss you, my Venus. How are you? Dalagang-dalaga ka na." Nakangiti niyang tanong sa akin matapos siyang bumitiw sa yakap ko. I was really stunned na hanggang sa puntong ito ay hindi pa rin ako nakakabawi. Oh my gosh!! Hindi ako makapaniwala, parang nostalgic. May closure kami at maayos ang paghihiwalay namin kaya naman kaya niya akong ngitian ng ganyan.

"Paolo?" Napalingon naman kami at nakita namin si Bianca. Ngumiti si Paolo sa kanya, nagkakilala rin naman sila kahit papano, agad namang lumapit ito sa amin.

"Kamusta ka na?" Tanong ni Bianca sa kanya, sinagot niya naman ito but I can't seem to understand what he is saying, pero bakit ganoon? Masaya ako, I know I'm happy seeing him but the feeling is not there anymore.

"Nandito ako para sa Alumni Homecoming, my dad is one of the first batch." Nakangiti nitong sabi. "I was with my younger sister. She wanted to but a dress because she'll be going as well." Tumangu-tango lang kami ni Bianca ng biglang may tumikhim sa tabi ko. Napalingon naman ako and I saw Jonathan, shooting daggers at him.

Inilahad niya ang kamay niya at humarap kay Paolo with confidence, although Paolo is taller than him and more mature. "I'm Jonathan, boyfriend ni Venus." Nakangiti niyang sabi, but I knew him better. "Really? I'm Paolo, her ex-boyfriend. Anyways, I'm really happy for you Venus. And by the way, I'm getting married next year, I hope you'll be there." I stop for a moment, hindi dahil sa nasaktan ako sa nalaman ko, I'm waiting for a response in me. Gusto kong malaman kung anong magiging reaksyon ko pero wala. Masaya lang ako, masaya ako para sa kanya. I don't feel any regrets or anything at all.

Nagulat na lang ako ng bigla akong hilahin ni Jonathan, nagpatianod naman ako sa kanya, lumingon ako at nakangiti lang si Bianca at Paolo sa amin. Ang higpit ng hawak niya sa braso. Dumiretso siya sa elevator at pinindot ng pinindot ang buton.

"Stop that! Masira mo pa yan." Pagsaway ko sa kanya pero tiningnan lang niya ako at hindi na pinansin.

"Ano bang problema mo?!" Alam mo yun? Yung pakiramdam na hindi siya nagsasalita pero alam mong galit siya?

"May ex ka pala, bakit hindi ka nagsalita nung sinabi niyang ikakasal siya? Nagselos ka? Nasaktan ka?" Galit na singhal niya. Agad niya akong hinila papasok sa loob, onti lang ang tao plus yung nago-operate sa elevator.

"Hindi ako nagsalita kasi hinihintay kong makaramdam ng sakit, but I feel nothing." Ngumisi siya sa akin, wala na akong paki kung may ibang tao, napipikon na kasi ako sa kanya e.

"Kaya pala. Tsk. Sino ba siya sayo? Sino ba? Huh?" Nagtiim ang bagang niya, doon ko lang na-realize that he might be jealous dahil sa nakita niya. Napangisi ako bigla, nagseselos lang ayaw pang sabihin.

"Nagseselos ka ba?" Tiningnan niya lang ako at hindi na pinansin. "Nagseselos ka no? Selos po siya no?" Kinausap ko pa yung mga nandoon sa elevator na nakangiti lang sa akin.

Nung bumukas yung elevator ay agad siyang lumabas ng hindi man lang ako tinitingnan.

"Wait lang!!!" Sigaw ko, hindi ako bumababa ng elevator pero tuloy lang siya sa paglalakad ko.

Agad kong kinuha ang isa kong sapatos at binato ko sa kanya.

"SI PAOLO? WALA NA YUN! PAST NA YUN! IKAW NA ANG MAHAL KO!!!" Sigaw ko, hindi ko man lang na-realize na hindi lang kami ang tao sa mall. Napatingin ako sa paligid at nakingisi ang mga tao. Shet! Bigla akong nakaramdam ng hiya, naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko.

Narinig ko pang sumipol yung mga tao sa elevator.

Shet! Nakakahiya talaga. Agad akong tumakbo papalapit sa kanya dahil nakatalikod pa rin ang loko. At pagharap ko sa kanya, doon ko lang napansin ang pagngiti niya at ang pamumula ng pisngi niya. Good! Hindi lang pala ako ang nahihiya.

Tumalikod naman agad ako sa kanya but he grabbed my arms at iniharap sa kanya. Sisinghalan ko na sana siya pero nakita kong lumuhod siya. Kinuha niya yung sapatos ko at isinuot niya sa akin.

Ang bilis ng tibok ng puso ko. Parang dati lang, nung una kong na-realize na mahal ko siya. Sino ba naman ang babaeng hindi kikiligin.

"I know and I love you too." Nakangiti niyang sabi bago tuluyang tumayo at hinawakan ang kamay ko.

Chasing Chances.Where stories live. Discover now